Food Security
Disyembre 31, 2011
Napakalaki ng papel sa ekonomiya ng seguridad sa pagkain. Ito ang pinakapundasyon ng pag-unlad. Sa isang linggong paglibot ko dito sa Vietnam, maraming bagay ang nagpaunawa sa akin kung bakit sa kanila pa tayo umaangkat ng bigas.
Una, masisipag talaga sila lalo na sa pagtatanim. Di tulad natin, sapat na ang makapagtanim ng palay o makapag-alaga ng baboy. Sa kanila, halos lahat ng pwede ay itatanim at aalagaan.
Ikalawa, mas konti silang kumain ng kanin kesa sa atin. Mas marami ang gulay at iba pang ulam sa hapag kainan. Kaya hanggang ngayon ay wala pa akong nakikitang obese dito,
Ikatlo, wala silang sinasayang na pagkain, walang tirang makikita sa plato. Bagaman ugali ng ibang Pinoy ang ganito, mas marami sa kanila ang gumagawa nito.
At ikaapat, nasa pagpapahalaga ng gobyerno nila ang agrikultura. Gayunpaman, may pag-asa pa tayong makahabol. Kamakailan lamang ay naglabas ng pondo ang gobyerno para sa scholarship sa kursong agrikultura.
Sana kagatin ito ng mga kabataang Pinoy. Dahil naging kultura na kaya mag-aaral ay upang iwanan ang bukid, hindi upang paunlarin ito.
Kung di natin sasalungatin ang kulturang nakagisnan, liliit ang lupang agrikultural habang dumarami ang bibig na kumakain. At patuloy tayong aangkat ng pagkain mula sa ibang bansa.


Pebrero 17, 2012 bandang 00:19
hello, brokenform,
yes, food security is a major concern for the philippines. matindi ang malnutrition sa countrysides natin. maraming kailangan para ibalik sa dating profitable and sustainable venture ang pagtatanim at pagsasaka. sa ngayon kasi,
hindi, eh.
naging factor din ang opportunities abroad para mabawasan ang interes ng marami sa agriculture. sa halip na magtanim, apply sa abroad ang pinupuntirya. tapos, ang mga naiiwan, nawawalan na rin ng interes sa pananakahan.
marami pang iba pero, first comment ko ‘to, hehe. baka ‘indi mo na ‘ko pabalikin, haha. regards sa ‘yo!
Pebrero 17, 2012 bandang 21:53
salamat sa comment. sana maibangon uli ang sektor ng agrikultura