Silohismo

Agosto 17, 2012

Nagmula sa salitang Griyego ang silohismo, ‘syllogismos,’ na ang ibig sabihin ay pagtukoy sa konklusyon gamit ang mga katotohanang tanggap ng karamihan. Ang silohismo ay isang uri ng lohikal na argumento. Ito ay nahahati sa tatlong bahagi:

1. Pangunahing Premis – isang pahayag na may katotohanang tanggap ng karamihan o ng mga instititusyon. Maaaring ito’y mga katotohanang napatunayan na ng agham, ng pananaliksik o kaya’y suportado ng sentido komon.

2. Pangalawang Premis – isang paglalahad ng sitwasyon na mag-uugnay sa pangunahing premis at konklusyon.

3. Konklusyon – ang lohikal na kasagutan sa pagtatagni ng pangunahin at pangalawang premis.

Halimbawa:

Pangunahing Premis: Lahat ng tao ay rasyunal.

Pangalawang Premis: Si Pedro ay tao.

Konklusyon: Samakatwid, si Pedro ay rasyunal.

Mayroong iba’t-ibang uri ng silohismo:

1. Tiyakang Silohismo – ito ay ang uri ng silohismo na direkta ang pagtukoy sa konklusyon, walang pagpipilian at walang mga kondisyon.

Halimbawa:

Pangunahing Premis: Lahat ng bituin ay may grabiti.

Pangalawang Premis: Ang Alpha Centauri ay bituin.

Konklusyon: Samakatwid, Ang Apha Centauri ay may grabiti.

2. Kondisyunal na Silohismo – isang uri ng silohismo kung saan ang pangunahing premis ay may kondisyon, habang ang konklusyon naman ay nakabatay kung anong kondisyon ang papanigan ng panglawang premis.

Halimbawa:

Pangunahing Premis: Kung ang pagkakamali ay sinadya ng gumagawa ito ay kasalanan.

Pangalawang Premis: Ang pagkakamali ni Pepe ay sinadya.

Konklusyon: Samakatwid, Ang pagkakamali ni Pepe ay kasalanan.

3. Pamiliang Silohismo – ay isang uri ng silohismo kung saan may dalawang pagpipilian sa pangunahing premis. Anuman ang mapili ng pangalawang premis ay magiging kabaliktaran ng konklusyon.

Halimbawa:

Pangunahing Premis: Ang elemento ay maaring natural o artipisyal.

Pangalawang Premis: Ang Helium ay natural na elemento.

Konklusyon: Samakatwid, Ang Helium ay hindi artipisyal.

About these ads

4 Tugon to “Silohismo”

  1. tomagulto Sabi ni:

    “Ang Tao ay rasyunal!” Parang magkasalungat na uliuli ang lohika ng agham at pilosopi sa premis na ito?

  2. jay ann Sabi ni:

    wala bang pasakaling silohismo?


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

densio

Just another WordPress.com site

Picturesque

release the endorphin

Pinay Unlimited

I don't want to be defined.

Likha ng Kamay

Artisans of the Aborlan Arts Program

sibaltan

a peaceful village by the sea ~ east el nido, palawan

Retired? No way!

Discovering my new island home

Sustainable tourism in action

The official website of El Nido Resorts' Environment Department

Mga Sulating Pilipino

...mga larawang isina-titik

kuntra krusada

Laban sa Kultura ng mga Hari

Bagong Pananaw

Ang paglalakbay ni Fransisko Kiamko (Pagtuklas sa Isang Moralidad na Walang Diyos o Relihiyon)

WordPress.com

WordPress.com is the best place for your personal blog or business site.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 29 other followers

%d bloggers like this: