kahulugan ng mga salitang pilosopikal:

Esensiya [Essense]- ang pagiging ano ng isang bagay. Mukhang mas lalong magulo. Basta ito ay kung ano ang isang bagay. Halibawa ang esensiya ng bato ay ang kanyang pagiging bato. Anlabo no? Basta kung hindi mo maintindihan comment ka lang sa baba. At magiliw kitang sasagutin.

Hirap kaseng i-translate ang english definition: “that which makes a thing what it is.”

Hugis [Form] - ang kabuuang hugis ng isang bagay na nagbibigay ng kasinuhan sa kanya at ng kanyang pagkakaiba sa ibang bagay. Ito ang lagom na s’yang nananatili sa ating isipan [balintataw at memorya] kahit wala na ang totoong umiiral na bagay.

Hugis Matematikal - mga hugis na pinag-aaralan sa geometri tulad ng linya, tatsulok at kubiko.

Arkeyolohiya – isang sangay ng agham tungkol sa paghuhukay at pag-aaral ng mga buto ng mga sinaunang tao, ng kanilang mga kagamitan at iba pang artifak.

Astonomiya - sangay ng agham tungkol sa pag-aaral ng paggalaw, sukat at komposisyon ng mga bagay sa kalawakan tulad ng planeta, kometa at bituin. [Iba ito sa astrolohiya na kunektado sa horoscope].

Kosmolohiya – sangay ng pilosopiya tungkol sa pag-aaral ng mga prinsipyo nagpapagalaw sa mga bagay sa buong uniberso. Ang ipinagkaiba n’ya sa astronomiya ay ang hindi paggamit ng matematika, bagaman, ginagamit pa rin ang geometri at bilang  upang suportahan ang argumento.

Sa astronomiya ang lenguwahe ay matematika habang sa kosmolihiya naman ay rason o pangangatwiran.

Organon – taguri ng mga tagasunod ni Aristotle sa mga gawa niya tungkol sa lohika.

8 Tugon to “Kahulugan”

  1. tomagulto Sabi ni:

    tuluy tuloy lang, mahirap na gawain ito. pero sinong gagawa kundi ang nag-isip – ikaw yun! kailangan natin ang diksyunaryong magpapayaman sa ating wika kultura at pagpapahalaga sa buhay

  2. dietherd Sabi ni:

    dhe pow maganda

  3. MicahIbanez Sabi ni:

    Ano ba ang mga ibigsabhin ng mga tao at drawing sa bungo..Kailangan ko lnh malaman..

    • brokenform Sabi ni:

      saan pong bungo? baka drawing sa banga. Sa takip ng Manunggul ang mga tao dun ay mga naglalakbay na kaluluwa patungo sa kabilang buhay. Ang muhka naman ng Pacaldero ay maaaring ritwal para sa mahika.


  4. Anu pong ibig sabihin ng teknikal at pilosopikal na pananaw ? O kaya po anu yung difference nila ? Thanks in advance po :)

    • brokenform Sabi ni:

      salamat sa pagdalaw. sa aking pananaw, ang teknikal na pananaw ay nakabase sa agham, teknolohiya o kaya’y matematika. ang pilosopikal na pananaw ay nakabase sa pangangatwiran, lohika o silohismo.

      ang teknikal ay nasusukat at naaayon sa batas na itinakda ng kalikasan habang ang pilosopikal ay malaya at lumalagpas sa mga bagay na nakikita at nasusukat.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Picturesque

release the endorphin

Pinay Unlimited

I don't want to be defined.

Likha ng Kamay

Artisans of the Aborlan Arts Program

sibaltan

a peaceful village by the sea ~ east el nido, palawan

Retired? No way!

Discovering my new island home

Sustainable tourism in action

The official website of El Nido Resorts' Environment Department

Mga Sulating Pilipino

...mga larawang isina-titik

kuntra krusada

Laban sa Kultura ng mga Hari

Bagong Pananaw

Ang paglalakbay ni Fransisko Kiamko (Pagtuklas sa Isang Moralidad na Walang Diyos o Relihiyon)

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 28 other followers

%d bloggers like this: