Pers Dey in Iskul

Hulyo 14, 2009

Artwork by Kutchai Jovi

Artwork by Kutchai Jovi

Kay ganda ng unang umaga sa akademya. Maaga akong naligo at nagbihis. Maaga rin ako sa klasrum. Maganda ang silid, malinis at sinauna rin ang disenyo. Maya-maya’y dumating na rin ang aking mga kaklase. Ang iingay nila. Ngunit ang ingay na ‘yon ay nawala sa isang iglap nang pumasok ang aming guro…   …si Propesor Katakutan.

Tense na tense ang lahat at napapikit, napayuko nang bahagya nang lumagapak sa mesa ang kanyang bitbit na libro. “Ano ano ang tatlong bahagdan ng ABSTRAKSYONH!” Lahat ay napaigtad sa upuan sa tanong na iyon. Ganun s’ya kabangis. Intro to Pilisopi pa lang ay abstraksyon na ang tanong. Op kors, walang nakakaalam nun.

Tila nagbibiro ang tadhana at sa akin lumapit ang propesor. “Facundo!” Halos bumaon ang likod ko sa sandalan nang itutok n’ya ang kanyang mukha sa karakas ko. “Po!? Ah! Eh!” Dahan dahan akong tumayo habang umiikot ang mata, naghahagilap ng kasagutan sa dingding, kesame, pisara at kung saan-saan. “Ang abstraksyon po ay…  …ay…   … ay ang pagmamasid at pagbibilang ng sasakyan at pagpikit…  …hanggang…    …hanggang mapanigipan ko sila,” tugon ko habang nangangatog ang tuhod. Nagtawanan ang lahat ng kaklase ko. Ngunit biglang nahinto ‘yun nang biglang sinabi ng propesor, “TUMPAK!”

Napanganga ang lahat at napatingin sa akin na lubos ding nagtataka. “Ang unang bahagdan ng abstraksyon ay pagkilala sa pag-iral ng mga dumadaang sasakyan. Ikalawa ay pag-husga sa mga katangian ng umiiral, ng katigasan, kulay at bilang ng mga dumadaang sasakyan. At ang ikatlo ay ang pag-piga ng katas ng kanyang pag-iral, katas ng esensiya na naiiwan sa iyong balintataw at panaginip,” paliwanag niya.

Lahat ay nakanganga pa rin, pati ako, nang lumabas ang propesor. Nakalabas na ang lahat ngunit tulala parin ako. Tinapik na lang ako ng huling lumabas. “Lakas ng tsamba mo, Henyo!”

Kabanata 2 ng seryeng kwentosopiya

6 Tugon to “Pers Dey in Iskul”

  1. eloiski Says:

    ayos ah! ang lalim!
    nakachamba ka nga ba talaga o henyo ka lang talaga! ayos!

    ano nga ba ang course mo?
    fine arts?

    hmmmm…

  2. Missy Says:

    Nakachamba ang henyo🙂 Galing kuya arvs!

  3. vindlewar Says:

    Wow, nakatutuwa namang malaman na (1) May buhay at malay na pagsubok na mamilosopiya sa isang midyum na kung saan may pagka-marhinalisado ang pagiging kritikal at (2) May pagtangkilik ng Filipino sa pamimilosopiya, sa kabila ng problema na karamihan sa pundasyon ng Pilosopiya ay kailangang hiramin sa ibang lengguwahe. Mula nang kumuha ako ng aking mga klase Pilosopiya sa wikang Filipino, nakita ko ang kahalagahan (at pagiging natatangi) ng paggamit ng sariling wika sa pamimilosopiya.

    Share ko lang: Tinatawag naming “meron” ang pag-iral (kung gagamitin sa iyong halimbawa, umiiral ang sasakyan = nagmemeron ang sasakyan) Abstractio din ang tawag namin sa abstraksyon, bagaman tila may negatibong konotasyon sa amin ang abstraksyon at dapat iwasan sa tuwing mamimilosopiya.

    Sapagkat sa pagtingin sa abstraksyon, mula sa kahulugan nito, sinasakop lamang nito ang “katas ng esensiya na naiiwan…” (diin sa salitang naiiwan). Samakatuwid, hindi kayang panindigan ng abstraksyon ang kabuuan ng isang bagay na nagmemeron. Tila mas maganda kung babaling tayo sa meron, hindi sa abstraksyon.

    PS: Tingin ko mapapadalas ako rito.🙂

  4. brokenform Says:

    salamat vindlewar sa mga mungkahi. hayaan mo’t pag-aaralan kong mabuti ang mga terminolohiya. bagamat gagamitin ko pa rin ang pag-iral, umiiral at abstraksyon, ito ay dahil sa epistemolohikal at esthetik na aspeto ng pagtrato sa realidad. nakikita ko na ang pagmemeron ay aktwal na rekognisyon ng bagay na umiiral. at ito ay gagamitin ko rin sa pagtrato sa realidad sa bahagdan ng pandamdam. hayaan mo’t ipapaliwanag ko sa mga susunod ng artikulo ang ugnayan ng dalawa, ang aktwal na umiiral sa labas ng isip at ang hugis sa loob ng isipan.

    nawa’y maunawaan n’yo ang gusto kong ipahiwatig sa abstrakyon at paglalagom sa larangan ng sining, teorya ng karunungan [epistemolohiya] sa mga susunod kong sulatin.

    ako po’y lubos na magpapasalamat sa mga susunod pang puna, pagtuwid, mungkahi at kahit na pagtutol. at ako’y bukas sa isang diyalektikong pakikipag-usap.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Safehouse Infoshop

leaks of an un-boxed mind

densio

Just another WordPress.com site

Picturesque

release the endorphin

Pinay Unlimited

I don't want to be defined.

Likha ng Kamay

Artisans of the Aborlan Arts Program

sibaltan

a peaceful village by the sea ~ east el nido, palawan

Retired? No way!

Discovering my new island home

iskul ob pilosopi

imbitasyon na tayo'y mag-isip..

El Nido Resorts Environment Department

Sustainable Tourism in Action

Mga Sulating Pilipino

...mga larawang isina-titik

kuntra krusada

Laban sa Kultura ng mga Hari

Bagong Pananaw

Ang paglalakbay ni Fransisko Kiamko (Pagtuklas sa Isang Moralidad na Walang Diyos o Relihiyon)

WordPress.com

WordPress.com is the best place for your personal blog or business site.

%d bloggers like this: