Panahon

Hulyo 28, 2009

Watak na Pag-Inog

Watak na Pag-Inog

Hirap akong limiin
ang tunay mong kahulugan:
Ikaw ba ay umiiral
o isang katanungan?
Bakit di kita kayang pigilan?
Bakit lahat ng iniwan mo’y
tinaguriang nakaraan?

Mga mata mo’y nakatuon sa hinaharap
tila magsasakang nag-aabang ng pagtubo ng buhay sa lupa.
Itinakda mo ba ang pagtibok ng puso,
ang daloy ng hininga?
Nasusukat mo ba ang pinagmulan ng buhay?
Ikaw ba ang lumikha ng parisukat, tatsulok at parihaba?
Nababasa mo ba ang bawat isipan?
Ikaw ba ang nagsilang ng kagandahan?

Naturingang kang saksi ng mga digmaan,
Tagamasid sa pagsilang at pagbagsak ng mga hari.
Ikaw din ba ang lumikha ng mga diyos
na lumukob sa aandap-andap na pananampalataya?
Sa iyo rin ba sumangguni ang propeta?
Sa ‘yong musika ba nabuo ang ritual ng pagsamba?

Ituloy mo ang pagdaloy at ako’y nakikinig.
Sa pagtalaga mo sa mga tala ako’y nakatingin
at titipunin ko ang mga astrologong sa ‘yo rin ay nagmamasid.
Pupulungin ko sila at kami’y magkakaisa
kung ikaw nga ba ang nagtatakda o ikaw ang itinakda.
Mula doon ay lilikha kami ng awit
na pakikinggan at muling pakikinggan
habang patuloy mong pinaiinog ang daigdig.

Sa hudyat mo’y itinayo ang mga gusali,
sa ‘yong pagbabadya naganap ang paglikas.
Lingunin mo ang mga itinayong bantayog,
iguhit mo ang pagbangon ng kabihasnan
sapagkat sa ‘yong mga aklat ako’y sasangguni
upang isiwalat ang mga kathang naisip.
Sa pagsaboy ko ng katha sa lupa
yakapin mo ako ng iyong pagsang-ayon
at di ko na ibabaling sa iba ang aking paningin.

Sinukat ka ng agham,
nagbuo ng hugis ang matematika
ngunit lalo mo lamang inilingid ang iyong mukha
at ibinuyangyang ang iyong maskara.
Pilit kong hinagilap ang iyong hugis,
mula sa mga bakas ng iyong tilamsik
at ika’y natagpuan sa dulo ng aking pagtitimpi
at ang iyong anino sa sulok ng aking pagmamadali.

Nakatitig ako ngayon sa orasan,
nagtatanong…
at naghihintay sa iyong kasagutan
kung bakit ang dantaon ay nagiging isang oras…

…kapag kausap ko ang aking crush.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Safehouse Infoshop

leaks of an un-boxed mind

densio

Just another WordPress.com site

Picturesque

release the endorphin

Pinay Unlimited

I don't want to be defined.

Likha ng Kamay

Artisans of the Aborlan Arts Program

sibaltan

a peaceful village by the sea ~ east el nido, palawan

Retired? No way!

Discovering my new island home

iskul ob pilosopi

imbitasyon na tayo'y mag-isip..

El Nido Resorts Environment Department

Sustainable Tourism in Action

Mga Sulating Pilipino

...mga larawang isina-titik

kuntra krusada

Laban sa Kultura ng mga Hari

Bagong Pananaw

Ang paglalakbay ni Fransisko Kiamko (Pagtuklas sa Isang Moralidad na Walang Diyos o Relihiyon)

WordPress.com

WordPress.com is the best place for your personal blog or business site.

%d bloggers like this: