Kahalagahan ng Abstraksyon

Agosto 1, 2009

Photo by Pamela Gabuco

Photo by Pamela Gabuco

Dantaon na ang nakalipas nang pasimulan ni Socrates ang konsepto ng umiiral bilang pinakaunang prinsipyo. Dito unang naghiwalay ang payak na pilosopiya sa mitolohiya. Mula dito ay itinayo ni Aristotle ang pundasyon ng metapisika.

Lumipas ang mga siglo, niyakap ng kanlurang kaisipan ang metapisika. Ngunit marami ang tumuligsa sa mga abstraktong konsepto nito. Isa sa mga matinding kritiko nito ang eksistensiyalismo na pinasimulan ni Soren Kierkegaard (1813-1855) noong ika-19 siglo. Gayumapan, nanatili itong gamit ng mga teyologo sa pag-aaral ng mga bagay na imateryal.

Lumipas na ang ng dalawang milenyo, nanatiling sa mga imateryal na bagay lamang kadalasan nagagamit ang abstraksyon. Tila ang hirap i-ugnay ito sa mga pilosopong praktikal tulad ng pragmatismo at esthetiks. Ang tanging tila malapit na hambing ay ang epistemolohiya, ang teorya ng kaalaman. Isinasaad dito na ang proseso ng kaalaman ay nangyayari sa pag-abstrak ng hugis ng mga bagay.

Ayon sa aking opinyon, ang abstraksyon ay may kaugnayan sa larangan ng siyensiya, teknolohiya at sining. Ang mga konsepto ay nilalaro sa malikhaing imahinasyon. At doon nagaganap ang prosesong distorsiyon, manipulasyon, pag-uugnay at paghahambing ng mga hugis upang makabuo ng isang sining, disenyo o imbensyon.

Gayunpaman, hindi lang abstraksyon ang proseso ng paglikha. Mayroon ding nagmumula sa instinctive design at accidental creation. Nais ko lang bigyan diin na isa ang abstrakyon sa mga proseso ng pagiging malikhain.

Marahil, kelangan ang isang masusing balik-tanaw sa mga prinsipyo ng epistemolohiya at isang tahasang paghahambing nito sa proseso ng sikolohiya. Dahil marami pa ang dapat ungkatin at marami pa ang maaaring matuklasan na pwedeng makapagpabago sa sistema ng edukasyon, siyensya at sining sa hinaharap.

2 Tugon to “Kahalagahan ng Abstraksyon”

  1. purehuman Says:

    ngunit ang teknolohiya ay sakto at literal ang kaanyuan… paanong nagkaroon kaugnayan ang dalawa.

    hehe peace joke lang…

    • brokenform Says:

      lahat po ng teknolohiya ay nabubuo muna sa tinatawag na engineering design na nagsisimula sa abstraktong konsepto. ang daloy naman ng computer program ay pinag-aaralan sa isang process flow na naunang namahay sa konsepto sa isip.

      salamat po sa puna…


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Safehouse Infoshop

leaks of an un-boxed mind

densio

Just another WordPress.com site

Picturesque

release the endorphin

Pinay Unlimited

I don't want to be defined.

Likha ng Kamay

Artisans of the Aborlan Arts Program

sibaltan

a peaceful village by the sea ~ east el nido, palawan

Retired? No way!

Discovering my new island home

iskul ob pilosopi

imbitasyon na tayo'y mag-isip..

El Nido Resorts Environment Department

Sustainable Tourism in Action

Mga Sulating Pilipino

...mga larawang isina-titik

kuntra krusada

Laban sa Kultura ng mga Hari

Bagong Pananaw

Ang paglalakbay ni Fransisko Kiamko (Pagtuklas sa Isang Moralidad na Walang Diyos o Relihiyon)

WordPress.com

WordPress.com is the best place for your personal blog or business site.

%d bloggers like this: