Hugis

Agosto 9, 2009

Sanlaksa sila…
Nagliliparan sa lawak ng aking kaisipan,
Tumitimo sa aking kalamnan,
kumakain sa aking lakas
at sumusumbat sa aking budhi.

Pilit kong iginuhit,
buong tiyaga kong sinukat,
inarok ang kanyang kahulugan,
nilasap ang kanyang nakaraan.
Ngunit unti-unti silang naglaho
at iniwan ang watak-watak na kulay.

Sumisid ako sa kalaliman ng dagat,
Humalukay sa buhangin sa dalampasigan,
pumigtas ng dahong sumasayaw sa ihip ng hilaga
at inipon silang lahat sa kandungan ng agham.
Lahat ay nangamatay…
Lahat ay nagbago.

Wala ba ni isa man ang sa inyo’y mananatili?
Wala bang magbabalita sa inyong kaningningan?
Oo, alam ko, kayo’y mga naturingang larawan!
Nguni’t ako’y nababahala sa inyong paglisan.
Di pa ba sapat ang pagkamangha ng mga dalubhasa?
Di pa ba sapat ang mga binuksang kaisipan?

Ginutom n’yo lang ang mga pantas,
Nagpahabol lang kayo sa mga mananaliksik.
Lalo lamang silang nagiging mangmang
Sapagkat ang tanong ay nanganganak ng isa pang katanungan.
Sa bawat ihip ng hangin, sa pag-inog ng mundo,
Sa pagpatak ng ulan, nag-iiwan ka ng palatandaang
ikaw ay nagbabago at lumilisan.

Sa aking pagsuko…
Hinayaan ko ang kamay ko na mag-isang gumuhit,
hinayaan ang pintig ng puso na maghanap.
Ipinikit ang mata at binuksan ang isip.
Ako’y namangha sa aking nakita,
Napaigtad sa aking narinig at nalasahan.
Nanatili ka pala sa aking pangitain
Nakaukit ka pala sa aking pagpapahalaga.

Bakit di mo sinabi? Imortal ka pala!
Naninirahan sa luklukhang ibinasura ng iilan.
Salamat sa mga iniwan: pag-ibig, katarungan at karangalan
dahil dito’y muli’t muli kang nababanaagan.
Di ko napansin, mga bakas mong iniwan
ay nagpabago sa landas ng tubig at kalawakan
at nagpatingkad sa nawawasak na kapaligiran.

Uhaw ako… nais kitang inumin.
Gutom ako… nais kitang kainin.
Wala na akong pakialam, kung ako man ay iyong lunurin,
kaladkarin sa lansangan upang hiyain.
Di ko na alintana pumanaw man ang ulirat
buong katawan ay mamanhid nang lahat
at di na ako matatakot sa pagsapit ng dilim.

Ako ba’y isa ring hugis?
Papanaw din ba ako tulad ng mga tala?
Naaaninag din ba ako ng mga mata?
Magbabago rin ba ako at mawawala?
Nasan ang pantas?
Ba’t Walang sumasagot?
Putol na yata ang linya ng telepono.

Sa aking pagkawala, nawa’y manatili
ang hugis kong maiiwan sa mga isipan.

Gagawa ako ng aking hugis,
isang hugis na ako ang may akda.
Walang librong magdidikta
at walang batas na magtatakda.
At sa aking pagpanaw ay iiwan ko…
ang aking hugis.

Ngunit paano ko mabubuo ang hugis,
paano ko ito iguguhit
kung di ko makakausap ang pantas?
Putol na ang linya…
Naghihintay ang pantas…
Naghihintay ng aking mga katanungan
at marami pang katanungan.

Sana may mag-pasalod…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Safehouse Infoshop

leaks of an un-boxed mind

densio

Just another WordPress.com site

Picturesque

release the endorphin

Pinay Unlimited

I don't want to be defined.

Likha ng Kamay

Artisans of the Aborlan Arts Program

sibaltan

a peaceful village by the sea ~ east el nido, palawan

Retired? No way!

Discovering my new island home

iskul ob pilosopi

imbitasyon na tayo'y mag-isip..

El Nido Resorts Environment Department

Sustainable Tourism in Action

Mga Sulating Pilipino

...mga larawang isina-titik

kuntra krusada

Laban sa Kultura ng mga Hari

Bagong Pananaw

Ang paglalakbay ni Fransisko Kiamko (Pagtuklas sa Isang Moralidad na Walang Diyos o Relihiyon)

WordPress.com

WordPress.com is the best place for your personal blog or business site.

%d bloggers like this: