Hanggang D’yan Ka Na Lang!

Agosto 16, 2009

Ang ekstensyon, extention o quantity sa salitang ingles, ay ang katangian ng material na pag-memeron o pag-uukopa sa kalawakan [space]. Putsa, dinudugo ako mag-isplika sa Tagalog pero pangangatawan ko na to. Dahil masidhi ang naisin ko na mapag-usapan ito sa salitang atin. Teka, hiramin ko muna ang ingles na depinisyon baka makatulong:

“Extension – a property whereby something occupies space.”

– Merriam Webster Online

Sa materyal na pag-iral, ang ekstensyon ang nasisino ng ating pandamdam, paningin, pang-amoy, panlasa at pandinig. Ito ang katangiang nagbabadya na may materyal na pag-iral, na sa partikular na espasyo ay may nagmemeron. At syempre, iwas ka na at baka mabanga mo materyal na pag-iral na nasabi.

Kung ang katigasan, kulay, amoy, lasa, sukat ay nagbubukal sa extension. Ang mga ito’y deskripsyon lamang nito. Ang pinaka-katangiang nagpapatingkad sa kasinuhan ng ekstensyon ay ang:

1. Kaisahan [Oneness sa ingles]. Mapapansin mo, ang binary ng kompyuter ay  1 at 0 lamang.  Sa kosmolohiya ang 1 lamang ang umiiral at ang 0 ay wala o kawalang pag-iral. Sa mga numero ang matematika tanging ang 1 lamang tumutukoy sa totoong pag-iral, ang pag-memeron sa unang bahagdan, at sa esensiya sa ikatlong ng bahagdan ng abstraksyon. Ang lahat ng numero ay tumutukoy lamang sa katangian ng extensyon sa ikalawang bahagdan ng abstraksyon. Tumutugon lamang ito sa katanungang ilan, gaano kalawak, gaano kabigat atbp.

2. Inkompenetrabiliti [Incompenetrability]. Ang materyal na pag-ukopa o pagmemeron ay hindi pu-pwede sa dalawa o higit na ekstensyon. Hindi pu-pwedeng ukopahan ng kotse ang lugar na inukopahan na ng trak. Sa mga bagay na may butas, tulad ng ispongha at tela, ang kawalang kompenetrasyon ay makikita sa lebel ng maliliit na bahagi hanggang sa lebel ng molecules.

3. Hangganan. Ang extensyon ay nasisino sa hanganan nito. Ito rin ang nagtatakda ng kaisahan. Kapag hinati mo ito, magkakaroon na ng dalawang kasinuhan sa pamamagitan ng pagtatakda ng hangganan na naghihiwalay na sa kanilang mga esensiya. At bawat isa ay magiging isang independenteng pag-iral. Ang binaling iisang lapis ay magiging isang baling lapis na may pantasa at isang baling lapis na may pansulat.

Maraming pang bagay pa ang dapat busisiin sa ekstensyon at iyon ay tatalakayin natin sa mga susunod pang usapin. Ang tanong: ano ang kahalagahan ng pag-aaral sa ekstensyon? Ito ay makapgbibigay ng sinoptikong pag-unawa tungkol sa matter sa usaping siyensiya at matematika. Isa pang tanong: ano ang kahalagahan nito sa pag-araw araw kong buhay? Bah! Ewan ko.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Safehouse Infoshop

leaks of an un-boxed mind

densio

Just another WordPress.com site

Picturesque

release the endorphin

Pinay Unlimited

I don't want to be defined.

Likha ng Kamay

Artisans of the Aborlan Arts Program

sibaltan

a peaceful village by the sea ~ east el nido, palawan

Retired? No way!

Discovering my new island home

iskul ob pilosopi

imbitasyon na tayo'y mag-isip..

El Nido Resorts Environment Department

Sustainable Tourism in Action

Mga Sulating Pilipino

...mga larawang isina-titik

kuntra krusada

Laban sa Kultura ng mga Hari

Bagong Pananaw

Ang paglalakbay ni Fransisko Kiamko (Pagtuklas sa Isang Moralidad na Walang Diyos o Relihiyon)

WordPress.com

WordPress.com is the best place for your personal blog or business site.

%d bloggers like this: