Paggalaw

Agosto 20, 2009

Pag-usad, pagtakbo, pag-inog…
Mga mukhang isinaboy mo sa daigdig ng pagbabago,
Mga titik na iginuhit ng naglalakbay na panahon.
Tumingala ako sa langit,
Inapuhap ang iyong pinagmulan.
Wala akong nahagilap kundi ngiti ng kawalan.

Ngunit kahit saan ko ibaling ang paningin… naroon ka.

Paggulong, pagbagsak, pagpailanlang…
Mga palatandaang kinalap, hinusgahan,
Hinimay at itinakda ng kulto na tinawag nilang siyensya.
At sa kanilang isinulat aking nasagap
Panandaliang kasagutan sa aking katanungan
Dahil ang mga konsepto’y nanatili lamang sa apat na sulok ng kamunduhan.
Hanggang kelan ka huhulagpos?
Hanggang kelan ka magpapatianod?
Lagi mo akong iniiwang naguguluhan, naghihintay.

Ngunit kahit sa karimlam, alam kong nandiyan ka.

Tilamsik, pagtalbog at indayog…
Hanggang kelan mo ako aakitin ng iyong kalandian
At iiwan sa lambak ng kawalang pag-asa.
Nagwala, nagalit at umalma
Libog na sa kaloob-looban ko’y nalikha,
Pagtatakang sa puso’y gumitla,
At pagka-uhaw na isipa’y dumatal.
Wala pa ring kasagutan…
Sa kadahilanan ng iyong paggalaw.

Sa bawat patak ng iyong hugis
Sa dibdib ko’y inuukit
Mga katagang isinulat mo lilim ng aking hinagpis.
Ikaw ba’y sa ideya nagmula
O sa landas na tinatahak ng mga planeta?
Sumusunod ka ba sa utos na tumutulak sa lupa
O sa along nilalanguyan ng enerhiya?
Ikaw ba’y bumukal sa kalayaang mag-mahal at magpasya
O sa kapanatagang sa lahat ay pumayapa?

Di man kita nasumpunga’y nais kitang pasalamatan.
Nang dahil sa iyo’y natuto akong sumayaw.
At bawat pag-indayog pilit kang kakalimutan.
Hanggang hindi ko na maramdaman ang iyong pag-inog…
…at hindi na kita gagambalain.
Dahil busy ako sa ‘king pagsasayaw.

Nasa disco haus ako ngayon…

Paki-e-mail na lang ang iyong kasagutan…

… tungkol sa misteryo ng iyong paggalaw.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Safehouse Infoshop

leaks of an un-boxed mind

densio

Just another WordPress.com site

Picturesque

release the endorphin

Pinay Unlimited

I don't want to be defined.

Likha ng Kamay

Artisans of the Aborlan Arts Program

sibaltan

a peaceful village by the sea ~ east el nido, palawan

Retired? No way!

Discovering my new island home

iskul ob pilosopi

imbitasyon na tayo'y mag-isip..

El Nido Resorts Environment Department

Sustainable Tourism in Action

Mga Sulating Pilipino

...mga larawang isina-titik

kuntra krusada

Laban sa Kultura ng mga Hari

Bagong Pananaw

Ang paglalakbay ni Fransisko Kiamko (Pagtuklas sa Isang Moralidad na Walang Diyos o Relihiyon)

WordPress.com

WordPress.com is the best place for your personal blog or business site.

%d bloggers like this: