Pamantayan

Agosto 27, 2009

5848_114601190975_632825975_2773866_2084719_n

Artwork by Kutchai Jovi

Pamantayan. Lahat ay may pamantayan. Kahit sa sining, may parametrong sumusukat kung maganda o panget, kung nakakasuka o nakakaaliw, kung korni o nakakatawa, kung makahulugan o walang laman ang mga gawa mo. At eto ang tanong…     …sino ang may karapatang magtakda ng parametro? Simple lang ang sagot…   …kategorya. Lahat ng sining ay nakapaloob sa mga kategorya. Kung sino ang naitakdang maging diyos ng bawat kategorya s’ya ang magdidikta ng maganda at panget.

Sa sining walang absolut na parametro, walang tao o institusyon na makapag-de-deklara ng rurok na batayan. Alam mo kung bakit? Dahil ang sining ay hindi natura o likas na naririyan. Ang sining ang oposisyon ng natura dahil s’ya ay gawang tao. Sa natura lang pu-puwede ang absolut ba basehan.

Balik tayo sa kategorya. Saang kategorya ba nabibilang o gustong ibilang ang gawa mo?

1. Masa. Dito pasok ang paksang artista,  boksing, basketbol at pulitika. Pwede mo na ring isama ang  tele-pantasya, usaping pag-ibig at kung an0 ano pang sa tingin mo’y kakagatin ng karamihan. Kung ang kategoryang ito ang pipiliin mo, matindi ang fan base mo dito. Kung magiging matagumpay ka ay baka maihanay ka sa mga celebrity. At ikaw na ang susunod na titilihan ng mga tao.

2. Akademya. Mahirap ito. Kelangan mo ang pupusang pagpapaka-henyo. Maliban lang kung ipinanganak kang artista. Dito matindi ang surian. Pihikan ang mga mata, tenga at panlasa ng mga nasa institusyon. Hindi pwede ang pa kyut na art dito. Kelangan ang seryosong paggawa, malalim na pagtanaw sa realidad at dibdibang pagsasaliksik. Dito kelangan mong magsunog ng kilay at magpitpit ng hintuturo. Dito hindi ka pagkakaguluhan sa mall ngunit titingalain ka ng mga dalubhasa.

3. Konsyumer. Kung ako sa ‘yo, dito ka na. Dahil dito, yayaman ka. Dito, kung ano ang patok sa konsyumer ng produkto, yun ang gagawin mo. Pag nabili ang produkto, siyempre kasunod na yan ang bonus sa ‘yo. Ngunit kung barat ang amo mo. Ang kumpanya ang yayaman sa ‘yo at hindi ikaw. Problema mo lang, hindi ka sisikat dito dahil sa produkto nga sila nakatingin, hindi sa artist.

4. Adhikain. Dito hindi ka sisikat. Hindi ka rin yayaman. Ngunit karamihan ng artista ay dito nakakatagpo ng malalim na pagkilala sa sarili. Dito ka makikisangkot sa adbokasya para sa kalikasan, demokrasya, karapatang pang-tao at iba pa.

5. Sarili. Dito panalo ka. Wala kang aalalahanin dahil sarili mo ang maghuhusga sa iyong piyesa. Kelangan mo lamang ang tinatawag na pagiging totoo sa sarili.

Kaya huwag kang matakot sumabak sa larangan ng sining dahil marami kang pagpipilian kung saang kategorya ka maaaring ibilang. At ang pinaka-prinsipyo dito ay…   …kung ano ang hinihingi ng batayan. Ang sining ay pakikipagniig ng malilikha sa pandamdam. Kaya ang laro dito ay kung paano tugunan ang kiliting hinihingi ng panlasa. At nasasa-iyo kung kaninong panlasa and tutugunan mo. Mag-enjoy ka sa paggawa at maging malaya. Pasasaan at may mata, tenga at ilong na makakapansin ng iyong obra.

6 Tugon to “Pamantayan”

  1. jason Says:

    pede na siguro ako dun sa sarili..

    ewan ko
    tingin ko lang
    bagay ako dun??

    hmmmm

  2. brokenform Says:

    aktuwali ang sarili talaga dapat ang pinaka-pamantayan. sumusunod na lang ang iba…


  3. brokenform, ano naman ang pinaka pamantayan mo sa iyong obra?:)

  4. BLOG ONG Says:

    ang sining ay isang malawak na disiplina. ang diyos dito ay ang arkitekto ng nasabing sining. ang tanging makakapagsabi kung ito ay maganda ay ang tagapanuod. Ngunit hindi nangangahulugan na kapag hindi ito maganda sa isa ay ito na rin ang opinyon ng iba. Napadaan lang po! Blog Ong po ito. http://tatakblogong.wordpress.com

  5. Nikko Says:

    dun ako sa sarili..
    hahaha…
    totoo naman ako eh!
    minsan.. hahahah

    hindi uso ang kaplastikan kaya maraming may ayaw..
    ashu- ashu..


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Safehouse Infoshop

leaks of an un-boxed mind

densio

Just another WordPress.com site

Picturesque

release the endorphin

Pinay Unlimited

I don't want to be defined.

Likha ng Kamay

Artisans of the Aborlan Arts Program

sibaltan

a peaceful village by the sea ~ east el nido, palawan

Retired? No way!

Discovering my new island home

iskul ob pilosopi

imbitasyon na tayo'y mag-isip..

El Nido Resorts Environment Department

Sustainable Tourism in Action

Mga Sulating Pilipino

...mga larawang isina-titik

kuntra krusada

Laban sa Kultura ng mga Hari

Bagong Pananaw

Ang paglalakbay ni Fransisko Kiamko (Pagtuklas sa Isang Moralidad na Walang Diyos o Relihiyon)

WordPress.com

WordPress.com is the best place for your personal blog or business site.

%d bloggers like this: