Isa Ka Pa!

Setyembre 9, 2009

Matematikal na pag-iral…   …ano ito? Salungat sa aktwal na pagmemeron, ang matematikal na pag-iral ay nananatili lamang sa isipan. Isa itong uri ng abstraksyon na nagbibigay ng  posibleng hugis, sukat, lawak at hangganan. Ito rin ang nagbibigay ng imateryal na deskripsyon ng materya at enehiya. Samakatwid, ang tuldok, linya, decimal, praksyon at digit ay walang pagmemeron at aktwal na materyalismo…    …maliban sa isa. Ang numero na isa [1] ay ang natatanging pigura sa matematika na umiiral pareho sa dimensyong matematikal at sa aktwal.

Ano ang isa? Ang isa ay ang pikamahalagang katangian ng kabuuang lawak na itinakda ng materyal na limitasyon. Ang pagkabasag o pagkaputol ay panganganak ng maraming bagong isa. Ito ang tinatawag ni Plato na absolute unity kung saan ang pagkakahati ay magre-resulta lamang ng pagdami ng mga isa. Ang dalawa, tatlo, atbp. ay deskripsyong matematikal lamang ng materyal na pluralismo. Ang dalawang lapis ay isang lapis na umiiral at isa pang lapis na umiiral. Ang isa lamang ang may kakayanang mag-ako sa pagmemeron ng lapis hindi ang dalawa. Sinasaad lang ng dalawa ang bilang ng umiiral ngunit ang isa ay nagsasaad ng eksistensiya.

Ang bilang na lampas sa isa ay nagsasaad ng dami sa loob ng kategorya o pagkakapareho ng mga bagay. Halimbawa dalawanpung atis, limampung sibuyas at sampung bato. Hindi mo pwedeng sabihin na walumpung atis, sibuyas at bato kundi walumpung mga bagay. [Bilang x kategorya]  = Deskripsyon ng mga bagay na umiiral. Ang ekspresyon ay 20atis+50sibuyas+10bato. Samanatalang ang isa ay 1 = pag-iral.

Ang kaisahan ay pag-iral at ang pag-iral ay pagiging isa. Iisa ang buong uniberso kung titingnan mo sa kategorya ng pagka-uniberso. Ngunit kung gagamitin mo ang kategorya ng galaxy at solar system, makikita mo na binubuo pala ito ng maraming materyang may tig-iisang esensiya. Ang pagiging isa ang sentro ng kasinuhan ng lahat ng bagay na bawat isa’y matatawag mong kaiba sa lahat.

Kung natatanong mo sa sarili mo na ang pag-iral ba ang dahilan kung bakit ka nag-iisa, huwag ka muna munang magpatiwakal. Basahin mo muna uli ang artikulong ito.

2 Tugon to “Isa Ka Pa!”

  1. BLOG ONG Says:

    Mayroon din pong kaugnay na akda na ganito gawa ni BLOG ONG. http://tatakblogong.wordpress.com

  2. brokenform Says:

    nakuha ko ang ideya sa metaphysical attribute ng being: ang oneness. napagyaman sa pakikipag-diskusyon ko aking pinsan na si Andrei Acosta tungkol sa philosphy of math. Siya ang nagbukas ng ideya na tanging ang isa ang umiiral.

    Napag-tuunan din sa pakikipag-chat ko kay Mimi Villareal ang misteryo ng isa at kaisahan sa lahat ng umiiral na waring nagtuturo sa atin sa katangian ng pinagbukalan ng lahat ng pag-iral: and iisang Diyos.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Safehouse Infoshop

leaks of an un-boxed mind

densio

Just another WordPress.com site

Picturesque

release the endorphin

Pinay Unlimited

I don't want to be defined.

Likha ng Kamay

Artisans of the Aborlan Arts Program

sibaltan

a peaceful village by the sea ~ east el nido, palawan

Retired? No way!

Discovering my new island home

iskul ob pilosopi

imbitasyon na tayo'y mag-isip..

El Nido Resorts Environment Department

Sustainable Tourism in Action

Mga Sulating Pilipino

...mga larawang isina-titik

kuntra krusada

Laban sa Kultura ng mga Hari

Bagong Pananaw

Ang paglalakbay ni Fransisko Kiamko (Pagtuklas sa Isang Moralidad na Walang Diyos o Relihiyon)

WordPress.com

WordPress.com is the best place for your personal blog or business site.

%d bloggers like this: