Bobo Ba Ang Pinoy?

Setyembre 11, 2009

Natatawa ako at naaaliw na basahin ang mga sulating naglalarawan ng kabobohan, kapalpakan at katangahan ng Pinoy. Ngunit kasabay ng pagtubo ng abs at pamumuo ng kabag sa tyan sa katatawa ay ang kurot sa budhi. Hindi ba’t tayong mga nag-a-“astang” intelektwal ang may kagagawan ng kabobohang pinag-durusahan ng ating lipunan? Hindi ba’t tayo ay bahagi rin sa kabobohang ito?

Hindi kataka-taka dahil nakikita natin ang kamangmangan ng Pinoy ayon sa pamantayang ipinagduldulan sa atin ng kanlurang kultura na nagpakilala sa atin ng plastic, kontrasepsyon at pulbura. Nakakalungkot na ang tinangkilik natin ay ang edukasyon na nabatay sa kanilang pamantayan na ang matalino ay ang marunong umingles, magbasa at magbilang.

Hindi lang natin nasilip, tayong mga “edukadong” naturingan, ang agham na kanilang ginagalawan tulad ng agham ng hilot, isang katutubong istilo ng panggagamot na maaari nating ipantay sa shiatsu ng hapon, at ang “jungle survival” ng mga Ita na pinag-aaralan pa ng hukbong Amerikano dito sa bansa.

Matalino ang Pinoy. Hitik sya sa agham na itinuro ng mga ninuno at ng kalikasan. Magaling sa diskarte at mayaman sa imahinasyon. Ngunit ano ang ating ginawa? Sinamba natin ang industrialisasyong ipinakilala ng kanluran. Tinabunan ang katutubong agham ng kultura ng plastic na nagkalat sa ating mga karagatan. Hinigop ng mga makinarya ang mga magsasaka sa bukid. Paano lilitaw ang natatagong galing ng Pinoy kung kulang sa nutrisyon ang kinakain? Wala nang food security sa bansa dahil panay panawid gutom lamang ang mga programa ng gobyerno. Dagdag pa dito ang opyo ng showbiz na pampamanhid sa gutom na nararanasan ng mga kaawa-awang maralita.

Bobo ba ang Pinoy? Hindi naman. Mismanaged lang. At bawat isa’y sangkot sa bugok na sistemang nagpabagsak sa antas ng pambansang kamalayan. Ano ang nagawa ng mga manunulat at artista upang malunasan ang maling direksyong tinatahak ng edukasyon, sining at agham ng bansa? Asan ang ating mga henyo at siyentipiko? Mukhang naroon sila sa mga bansang nagpakita ng interes sa kanilang katalinuhan. Hindi na yata interesado sa kanila ang ating pamahalaan.

Gayunpaman, nangangarap pa rin ako na balang araw ay makikilala rin ang “wa-is” na Pinoy. Ngunit habang wala pa ‘yon. Patuloy pa rin ako sa katatawa sa pagbabasa ng kabobohan ng Pinoy, tawa na nauuwi sa luha. Na-hu-hurt ako hindi dahil sa kabag na namuo sa t’yan ko kundi sa katotohanang kasama pala ako sa kabobohang ito.

Pero hindi talaga bobo ang Pinoy. Hindi lang halata na matalino.

10 Tugon to “Bobo Ba Ang Pinoy?”

  1. BLOG ONG Says:

    Hindi bobo ang pinoy. Katunayan tayo ang isa sa mga lahi na tinitingala sa buong mundo ngayon. Likas lang sa pinoy ang mag-astang bobo sapagkat para sa kanila ang kabobohan ang umpisa ng pagiging matalino. Hindi mabubuhay ang buong mundo kung wala ang trabahador na Pilipino. Proud to be pinoy! Visit niyo po ang blog ko http://tatakblogong.wordpress.com/category/kuwaderno/page/2/. BAYAG NA INUTIL po ang pamagat ng post na ito. Marami din pong iba pang mga akda. Tuloy po kayo! http://tatakblogong.wordpress.com

  2. brokenform Says:

    yup. hindi bobo ang pinoy. itaas natin ang dangal ng bansa…

  3. tomagulto Says:

    gusto gusto ko ito, naging bobo ang pinoy at hindi nahahalata ang pagiging matalino dahil sa literatura ng mga bobong artists at intellectuals, hindi naman lahat siyempre, pero ang halata na ngayon ay ang mga bobo at mga rakistang tila pasang krus sa kulturang pilipino

  4. Nikko Says:

    hindi naman talaga bobo ang pinoy
    may nagbobohan lang…😉

    go Pinoy, ..😉


  5. yeah! hindi bobo ang pinoy…matatalino tayo in our own little way..=p

    minsan hindi lang napapansin..

  6. brokenform Says:

    salamat sa mga puna. sana magtulong-tulong tayo na itaas ang karunungan ng pinoy, sa pamamagitan ng pagsusulat, paggawa ng sining, pananaliksik at pagsulong ng mga repormang babago sa sistema ng ating edukasyon.

    sa kasalukuyang sistema kase hindi nabibigyan pansin ang:
    1. mataas na adaptability ng pinoy.
    2. pagiging maabilidad sa mga praktikal na sitwasyon.
    3. malawak at malikhaing imahinasyon.

    ilan lng ito sa mga katangian na kung pagyayamanin ay magsusulong ng pambansang kaalaman, makataong pag-unlad at kakatotohanang pagbabago sa lipunan.

  7. Fermin Salvador Says:

    Di likas na bobo ang mga Pinoy pero may pakana at sabwatan ang mga namamayaning angkan, pulitiko, administrador, intelektuwal, alagad ng sining, manunulat, etc. upang itulak patungong kabobohan at magkaroon ng perpetwasyon ng kabobohan na susi sa kanilang patuloy na pamamayani. Noon, ang motto ng mga dayuhang mananakop ay “hatiin sila (mga Pinoy) at pagharian”. Ngayon, ang motto ng mga nasa Establisimyento sa bansa ay “pabobohin sila at pagharian”.

    • brokenform Says:

      mas madali nilang mapaghaharian kung mananatiling sarado ang isip ng mamamayan.

      nawa ay magkaisa ang mga alagad ng sining at lahat ng may malasakit sa pagmumulat sa masa…

      salamat po sa mga ideya

  8. bobong tanga Says:

    matalino ang pilipino, sa sobrang katalinuhan nga nten kapwa naten pilipino ating nilalamangan. matalino tayo, walang duda. ngunit ang ating talino ay gingamit ntin sa katangahan. gets neo

    • brokenform Says:

      yup, may punto ka. maraming katalinuhan ang nauuwi sa katusuhan, panlalamang. kung gagamitin lng natin sana ng maayos…


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Safehouse Infoshop

leaks of an un-boxed mind

densio

Just another WordPress.com site

Picturesque

release the endorphin

Pinay Unlimited

I don't want to be defined.

Likha ng Kamay

Artisans of the Aborlan Arts Program

sibaltan

a peaceful village by the sea ~ east el nido, palawan

Retired? No way!

Discovering my new island home

iskul ob pilosopi

imbitasyon na tayo'y mag-isip..

El Nido Resorts Environment Department

Sustainable Tourism in Action

Mga Sulating Pilipino

...mga larawang isina-titik

kuntra krusada

Laban sa Kultura ng mga Hari

Bagong Pananaw

Ang paglalakbay ni Fransisko Kiamko (Pagtuklas sa Isang Moralidad na Walang Diyos o Relihiyon)

WordPress.com

WordPress.com is the best place for your personal blog or business site.

%d bloggers like this: