Ramdam Ang Kaunlaran

Setyembre 14, 2009

Hindi ako ekonomista. Ngunit naguguluhan ako sa “kaunlarang” ipinangangalandakan ng administrasyon sa kabila ng pagdami ng mga nagugutom at walang trabaho. Sapat na bang batayan ang pagdami ng minahan sa bansa? Sukatan ba ang remittances [Capital LBC] na pinapadala ng mga OFW? E bakit, patuloy pa rin ang pagkadismaya ng sambayanang Pilipino?

Baka naman nakasama sa bansa ang pagkakaroon ng mga ekonomistang nag-aral sa mga akademya ng ibang bansa. Baka di akma sa atin ang sinasambang ekonomiyang kanluran na nag-pakilala sa atin ng plastic [at kapalstikan], pestisidyo, krudo, mina at pulbura. Marahil ay di akma ang parametrong pilit nilang ipinagduldulan sa mga mahihirap na bansa. Marahil ay masyado tayong kinilig sa industrialisasyong naghatid ng bilyong tonelada ng Carbon sa atmosphere.

Buksan natin ang ating mga mata. Ano ba ang dulot ng maka-kanlurang ekonomiya sa bansa? Naging dependent ang ating mga sakahan sa pestisidyo. Naging marumi ang ating karagatan sa plastic at latak ng pabrika. Nangitim ang hangin sa mga siyudad dahil sa krudo. At marami ang nagkasakit dahil sa pagmimina.

Mukhang nalunod tayo sa mga pigura ng Gross Domestic Product [GDP] at nakaligtaan natin na ang esensiya ng kaunlaran ay hindi nakabatay sa DGP kundi sa GDH [Gross Domestic Happiness]. Tila hindi natin nabigyang pansin ang mga sumusunod na mga indikasyon ng kaunlaran:

1. Kasiguruhan sa Pagkain. Bakit natuon nang labis ang pansin natin sa pag-unlad na dulot ng industriyalisasyon at nakaligtaan natin ang sektor ng agrikultura? Lahat ay gusto sa siyudad. Lahat ay gusto magtrabaho sa pabrika at opisina. Wala na ang gustong mag-aral ng agrikultura. Iniwan nang tiwangwang ang mga lupain. Pinalala pa ito ng wala sa pusong pagpapatupad ng Comprehensive Agrarian Reform Program. Ang resulta. umaangkat pa tayo ng bigas sa Vietnam, Thailand at China. Nakakahiya dahil ang mga bansang ito ay nagpadala ng mga dalubhasa sa Pilipinas upang mag-aral ng teknolohiya sa pagtatanim ng palay. Ngayon, tayong pinagmulan ng agham ang salat sa bigas at sila ang tumutugon sa kakulangang iyon.

2. Malusug na Mamamayan. Hindi ba’t ang kalusugan ay batayan din ng maunlad na pamayanan? Aanhin ang mga gusali’t iba pang inprastraktura kung laganap ang sakit at malnutrisyon. Ito ang bagay, kasama ng kalikasan,  na ipinagpalit natin sa “yamang” bigay ng mina.

3. Protektadong Kalikasan. Sustainable Development – ito ang gasgas na salitang patuloy na ginagamit sa industriyang turismo. Ngunit napigilan ba ang kontaminasyon ng tubig na dulot ng tinatawag nilang “mass tourism?” Napigilan ba ng pagkasira ng bahura dahil sa pagdagsa ng mga iresponsableng turista? Matagumpay ba ang DENR sa pangangalaga ng protected areas? O baka naman sila ang dahilan ng pagkasira nito.

Sa kalikasan nakasalalay hindi lang ang pangmatagalang industriyang turismo kundi na rin ang kasiguruhan sa pagkain. Ang maayos at organisadong pangangalaga ng kalikasan ang kailangan ng naghihingalong gubat at bahura ng bansa.

4. Mataas na Antas ng Karunungan. Isa ring batayan ng pag-unlad ang karunungan at kaalaman. Ngunit hindi sapat ang pagpapatayo ng mga paaralan at hindi rin sapat ang mababang tuition fee, libreng aklat at karagdagang guro. Makikita ang pag-unlad sa kakayanan ng mga mag-aaral na mamuno, kasanayan sa larangan ng agham at malawak ng pag-unawa sa mga nangyayari sa bansa.

Tila may depekto ang sistema ng edukasyon ngayon sa bansa. Tila nakaligtaan bigyan ng importansya ang kumpiyansa sa sarili, pagkamalikhain at pagpapahalaga sa karunungan ng mga mag-aaral. Gayunpaman, nakatulong din kahit papaano ang iodized salt campaign ng pamahalaan.

5. Malinis na Pamumuhay. Ito ang pinakamataas na batayan ng pag-unlad. Indikasyon ito na may sapat na pagkain dahil hindi na naiisipan ng karamihan ang magnakaw at manlamang ng kapwa. Kung sapat ang talino, may malawak na pang-unawa sa bawat isa at kung malinis ang kalikasan, malinis din ang magiging pag-iisip ng mga mamamayan.

“Ramdam ang pag-unlad!” Ano ba ang batayan ng pamahalaan? Ang parametro ng kanluran, ang mga numero ng GDP o ang sangkatutak na inprastraktura na mas lalong nagbaon sa atin sa utang? Eto ang tunay na kalagayan ng bansa: laganap ang katiwalian sa gobyerno, masyadong mabagal ang hustisya at wala ang tapat na layunin na ipatupad ang batas.

Tila wala nang pag-asa ang sitwasyon ng bansa. At tila ayaw nang umalis sa pwesto ang mga naging dahilan ng pagbulusok natin sa kahirapan. Gayunpaman, may magagawa pa rin tayo para tahakin ang totoong pag-unlad. Simulan natin sa ating mga sarili.

2 Tugon to “Ramdam Ang Kaunlaran”


  1. Napaka-ning-ning po ng inyong pagtalakay… tunay po, tunay po… malinaw na malinaw.

    Ang kaunlaran po ay nagsisimula talaga sa sarili, sabi nga po sa wikang Ingles: “You cannot give what you do not have.”

    Kung ang sarili ay hindi maunlad, papaano itong makapag-iisip at magpapasulpot ng kaunlaran.

    Pasensya na po kung ngayon lang muli nakadalaw sa inyong blogsite… Naging bising-bisi lang po talaga.

    May nililikha po akong artikulo hinggil sa pagpapalaya sa sarili. Dahil sabi nyo nga ay may magagawa pa tayo upang tahakin ang totoong pag-unlad na sisimulan sa ating mga sarili.

    Para po sa akin, at ito ang aking adhikain, ay lubalob na sa putikan ng kabalintunaan ang isip at sarili ng ating mga kababayan. Dala marahil ng maling Edukasyon naiukilkil ng Espanyol na dinagdagan ng Tomasitong ABCD na hanggang sa kasalukuyan ay umaalipin at gumugulo at lumilibang sa ating pambansang “consciousness” (huwisyo).

    Kailangan pong imigpaw tayo dito at maka-hagilap ng isang sariling batayan upang pasimulan ang pag-unawa sa ating mga sarili. Pagpapaunlad sa SARILI na magsisimula sa pagpapaliwanag kung ano nga ba ang kahulugan ng SARILI…

    Hanggang sa muli po!!!
    Si Isko pa din ng Bagong Pananaw (sa sarili at sa kapaligiran)


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Safehouse Infoshop

leaks of an un-boxed mind

densio

Just another WordPress.com site

Picturesque

release the endorphin

Pinay Unlimited

I don't want to be defined.

Likha ng Kamay

Artisans of the Aborlan Arts Program

sibaltan

a peaceful village by the sea ~ east el nido, palawan

Retired? No way!

Discovering my new island home

iskul ob pilosopi

imbitasyon na tayo'y mag-isip..

El Nido Resorts Environment Department

Sustainable Tourism in Action

Mga Sulating Pilipino

...mga larawang isina-titik

kuntra krusada

Laban sa Kultura ng mga Hari

Bagong Pananaw

Ang paglalakbay ni Fransisko Kiamko (Pagtuklas sa Isang Moralidad na Walang Diyos o Relihiyon)

WordPress.com

WordPress.com is the best place for your personal blog or business site.

%d bloggers like this: