Paggalaw Sa Kosmos

Setyembre 15, 2009

Madalas natin makita ang paggalaw sa pang-araw-araw nating buhay. Hindi lang natin ito napag-tutuunan ng pansin. Ngunit ang mga siyentipiko at pilosopo ay pino-poblema ang mga bagay na wala tayong paki. Mantakin mo, gumagastos ng di birong pera ang mga siyentipiko para tuklasin ang misteryong bumabalot sa inertia, thermodynamics at particle physics. At nagsusunog naman ng kilay ang mga pilosopo upang saliksikin, limiin at ungkatin ang sinoptikong kapaliwanagan ng mga ito.

[Bahagi ng tulang] “Paggalaw”

Paggulong, pagbagsak, pagpailanlang…
Mga palatandaang kinalap, hinusgahan,
Hinimay at itinakda ng kulto na tinawag nilang siyensya.
At sa kanilang isinulat aking nasagap
Panandaliang kasagutan sa aking katanungan
Dahil ang mga konsepto’y nanatili lamang sa apat na sulok ng kamunduhan.

Hinusgahan at sinukat siya ng siyensiya. Sa pamamagitan ng matematika at eksperimento ay natuklasan ang mga batas ng kalikasan tulad ng Boyle’s Law at Law of Gravity. Ngunit hindi sapat sa pilosopo ang mga kasagutang ito. Hindi pa rin nasasagot ang unang pinagmulan ng paggalaw at kung ano ang naglagay ng mga batas nito. Marapat lamang na isang Matalinong Umiiral[Intelligent Being] ang may kagagawan nito. Hindi naman maaring nagkataon lamang na sumulpot ang mga batas ng kalikasan. Imposible ito kung gagamitin ang formula of probability ng matematika. Dahil ang mga naturang batas mismo ay walang kamalayan at walang kakayanang magkusang kumilos at umiral.

Dito papasok ang kosmolohiya at metapisika. Dahil ang astronomiya, pisika, at matematika ay limitado lamang sa mga bagay na nakikita at nasusukat. Hinihimay ng pilosopiya hindi lang ang kosmos kundi ang mga imateryal na mga prinsipyong nagpapagalaw dito.

Sa isang teorya maaring magkaisa ang agham at pilosopiya. Ito’y ang teorya na ang lahat ng materya ay patuloy na gumagalaw [ayon sa prinsipyo ng absulute motion] dahil sa patuloy na paglaki at paglawak ng uniberso. Ang mga nakikita nating mga bagay na di gumagalaw [relative state of rest] ay naglalakbay pa rin sa buong uniberso kasabay ng planetang kanilang kinalalagyan.

Bakit ba dapat problemahin ang paggalaw? Sa larangan ng agham ito ay makakatulong sa pagpapalipad ng eroplano, pag-kontrol sa mga sasakyang pangkalawakan at paggawa ng mga makina. At sa larangan ng pilosopiya, ang pagtukoy sa unang pinagmulan ng kilos ay makakatulong sa pag-usad ng agham sa usapin ng materya at enerhiya. Ito rin ang unang hakbang sa pagtahak tungo sa konsepto ng Unang Nagpapakilos[Prime Mover].

Pero sa atin, ang dapat problemahin ay ang agarang pagkilos bilang tugon sa tawag ng pangangailan ng sarili, pamilya at lipunan. Sa akin naman ay pinoproblema ko kung paano igagalaw ang aking paa matapos mapilayan sa basketball kanina.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Safehouse Infoshop

leaks of an un-boxed mind

densio

Just another WordPress.com site

Picturesque

release the endorphin

Pinay Unlimited

I don't want to be defined.

Likha ng Kamay

Artisans of the Aborlan Arts Program

sibaltan

a peaceful village by the sea ~ east el nido, palawan

Retired? No way!

Discovering my new island home

iskul ob pilosopi

imbitasyon na tayo'y mag-isip..

El Nido Resorts Environment Department

Sustainable Tourism in Action

Mga Sulating Pilipino

...mga larawang isina-titik

kuntra krusada

Laban sa Kultura ng mga Hari

Bagong Pananaw

Ang paglalakbay ni Fransisko Kiamko (Pagtuklas sa Isang Moralidad na Walang Diyos o Relihiyon)

WordPress.com

WordPress.com is the best place for your personal blog or business site.

%d bloggers like this: