Tuldok?

Setyembre 18, 2009

Itinakda sa batas ng matematika na ang tuldok ay magsasaad ng partikular na lugar sa kwadrant. Ito rin ang tumutukoy sa pokus ng ellipse at parabola. Dito rin nababali ang anggulo ng tatsulok at parisukat. Nakapaloob sya sa linya na nakatuon sa kawalang hanggan sa pagsasaad ng direksyon.

[Bahagi ng tulang “Tuldok”]
Isang rasyunal na pag-iral sa kaisipan,
Walang sukat,
Walang hangganan, tukoy na lugar o direksyon.
Isang ekspresyong matematikal
At isang konseptong pilosopikal.

Sa iyo nababatay ang kawalang hanggan ng linya
At ang anyo ng polygon.
At ikaw din ang hudyat sa kanilang pagsasalubong.

Walang hanggan mong pinupuno ang ikalawa at ikatlong dimensyon.
Itinatakda mo ang paghihiwalay ng lawak at hangganan.
Ikaw ang nagtatakda ng simula at paghinto
At ang hudyat sa pagsilang at pagtigil ng mundo.

Maraming hugis matematikal. Idagdag pa natin ang kubiko, sphere at cylinder na nasa ikatlong dimensyon. Malaki ang naitutulong nito sa agham dahil ang mga ito ang batayan ng disenyo ng mga makina, direksyon ng paglalakbay at prediksyon ng paggalaw. At ang mga hugis na ito ay binubuo ng walang hanggang bilang ng tuldok. Ngunit umiiral ba ang tuldok? Ang opinion ko ay hindi. Ito ay nasa isip lamang. Lahat ng hugis matematikal, kabilang ang tuldok, ay mga konseptong naglalahad ng daloy at katangian ng mga umiiral. Ang tuldok ng lapis ay hindi totoong tuldok dahil kung susuriin mo sa mikroskopo binubuo pa rin sya ng bahagi.

“Ngunit nasaan ka nga ba?
Inapuhap kita sa mga maliliit na bagay.
Ngunit sila’y nanatiling mga simbolo ng iyong kawalang hanggan.
Gumamit ako ng mikrosokopo at ikaw ay sinilip
Ngunit sa mundo ng mikrobyo’y di naaninag ang iyong hugis.”

Photo by Pamela Gabuco

Photo by Pamela Gabuco

Kung medyo duda ka ay sumilip ka rin sa mikroskopo. Ngunit higit sa iyong makikita sa mundo ng mikrobyo ay ang pagninilay na ang tuldok ay nasa lebel ng katwiran at hindi sa pagmemeron. Isa syang pananda o simbolo na tumutulong sa ating maunawaan ang relasyon ng mga bagay-bagay tulad ng layo, direksyon at hugis.

Wala rin ang tuldok sa imateryal na pagmemeron. Dahil wala syang puwang sa pagiging payak ng prinsipyo, hugis at kaluluwa. Dahil ang mga ito ay di maaring hatiin at buuin ng tuldok.

Gayunpaman, napakahalaga ng tuldok. Nang dahil sa kanya ay nabuo ang mga makina, sasakyan at kompyuter. Sya rin ang tumutulong sa nabigasyon. At marami na ring imbenyon ang nailuwal sa pamamagitan niya. Ang nais ko lang tukuyin ay ang hindi nya pag-iral, bagaman abstakto natin syang naiisip.

Bat ba masyado kong pinag-iinitan ang tuldok? Ganito kase un. Dahil sa tuldok, umibig ako sa isang gurl, pag-ibig na nauwi sa wala…  …tulad ng tuldok…   …wala…    …hindi totoo ang pag-iral.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Safehouse Infoshop

leaks of an un-boxed mind

densio

Just another WordPress.com site

Picturesque

release the endorphin

Pinay Unlimited

I don't want to be defined.

Likha ng Kamay

Artisans of the Aborlan Arts Program

sibaltan

a peaceful village by the sea ~ east el nido, palawan

Retired? No way!

Discovering my new island home

iskul ob pilosopi

imbitasyon na tayo'y mag-isip..

El Nido Resorts Environment Department

Sustainable Tourism in Action

Mga Sulating Pilipino

...mga larawang isina-titik

kuntra krusada

Laban sa Kultura ng mga Hari

Bagong Pananaw

Ang paglalakbay ni Fransisko Kiamko (Pagtuklas sa Isang Moralidad na Walang Diyos o Relihiyon)

WordPress.com

WordPress.com is the best place for your personal blog or business site.

%d bloggers like this: