Pagkain Sa Bawat Mesa…

Setyembre 19, 2009

Apat na dekada na ang nakakalipas nang mailigtas ang Asya at Africa sa nakaambang tag-gutom. At ang mga bayani…   …mga siyentipiko ng bigas sa International Rice Research Institute[IRRI] ng Pilipinas. Sapagkat natuklasan nila ang IR8, isang matibay at matatag sa peste na uri ng bigas na tinaguriang “Miracle Rice.” [Source: Reader’s Digest, August 2008 issue, p.41]

Dahil sa mga tinamong tagumpay ng IRRI, nagpadala ang mga karatig bansa ng mga dalubhasa upang mag-aral sa Pilipinas ng teknolohiya tungkol sa bigas. Ang resulta, sa kanila na tayo umaangkat ng bigas sa kasalukuyan. Ano na ang nagyari sa ating bansa na dati’y tanyag sa larangan ng agrikultura?

Marahil ang dahilan ay masyado tayong komokopya sa sistema ng Estados Unidos. Kung meron silang FBI[Federal Bureau of Investigation], meron tayong NBI[National Bureau of Investigation], kung meron silang Robocop, meron naman tayong Bobocop. Tamad ba ang mga namumuno na bumuo ng sistema na hindi nakabatay sa US o masyado lang silang panatiko sa kanlurang ideya?

Kaya pati ang industriyalisasyon ng kanluran ay pilit ipinagsisiksikan sa bansa. Tila nakabatay na ngayon ang pag-unlad sa dami ng pabrika, sasakyan at inprastraktura. Maganda sana ito kung hindi naisakripisyo ang mga lupang sakahin. Eh kase naman, kung ikaw ang magsasaka at kikita ka ng doble sa siyudad, iiwan mo talaga ang lupang sinasaka. At kung ikaw naman ay anak ng magsasaka na tapos na ng kolehiyo, iiwan mo rin ang lupa upang mag-upisina sa syudad.

Tila wala nang kumukuha ng kursong pang agrikultura. Wala ring disenteng kita sa larangan ng sakahan. At ang masaklap, hindi ito ang batayan ngayon ng pag-unlad ng bansa bagaman maraming pulitiko ang nangako ng pagkain sa bawat mesa. Pagkain sa bawat mesa? Kaysarap pakinggan habang nakikita nating walang matinong programang pang-agrikultura ang pamahalaan, hindi sapat ang produksyon ng bigas upang pakainin ang 90 milyong Pilipino at hindi matagumpay ang pagpapatupad ng Comprehensive Agrarian Reform Program[CARP].

“Noong 1960s at 70s hinikayat tayo ng US na maging industriyalisado. Sa unang mga taon ay naiwanan natin ang mga karatig na bansa sa Asya. Ngunit kalaunanan ay natalo pa rin nila tayo sa kompetisyong pang-industriya dahil hindi nila pinabayaan ang sektor ng agrikultura. Mas mura nilang naibenta ang kanilang produkto dahil hindi na sila umaangkat ng raw materials. Ang US ang nakinabang sa atin dahil sa kanila tayo bumibili ng materyales,” pahayag ni Mr. Cesar Fenix, isang agriculture professor sa Western Philippines University. Napabayaan na natin ang kasiguruhan sa pagkain, nangulelat pa tayo sa pagdating sa industriyalisasyon.

May mas malala pang epekto ang pangtangkilik natin sa kanlurang teknolohiya: pinapanipis ng kemikal na abono ang lupa at nagiging dependent na ang mga tanim sa pestesidyo na sya ring nagbibigay ng sakit sa kumakaing madla. Gayumpaman, may mangilan-ngilang magsasaka na ang sumusubok ng natural farming na pinasimulan ni Masanobu Fukuoka ng bansang Hapon at organic farming na pinasimulan sa US at Europa ni Lady Eve Balfour, Sir Albert Howard at J. I. Rodale. Ito ay ang paggamit ng pataba galing sa dumi ng hayop at bulok na mga dahon. Ginagamit din dito ang Effective Micro-organism[EM] bilang pestisidyo. Ang EM ay isang uri ng mikrobyo na pumapatay ng masamang mikrobyong dulot ng peste ngunit hindi nakakasama sa kalusugan ng tao at pananim. Suportahan kaya ng pamahalaan ang ganitong uri ng pagsasaka?

Sa kasalukuyan ay may ilalabas na namang imbensyon ang IRRI: isang uri ng bigas na kayang mabuhay sa baha. Kung nilagyan man nila ng hasang ang palay na ito ay hwag na nating problemahin. Ang mahalaga, kapag nagtagumpay ang proyektong ito, ay matugunan ang problema ng 15 milyong ektarya ng palayan na binabaha sa buong Asya taon-taon. Maaaring magpadala na naman ng mga siyentipiko ang iba’t ibang bansa sa Asya upang pag-aralan ito. At lolobo na naman ang produksyon nila ng bigas. At maaring patuloy tayong aangkat sa kanila ng pagkain. Magdadala uli ang ating mga siyentipiko ng karangalan sa bansa habang ang mga mamamayan ay patuloy na nagugutom.

May magagawa pa tayo. Itigil na natin ang pag-aasam sa urbanisidong pamumuhay. Simulan na nating bungkalin ang tiwangwang na mga lupain upang tamnan ng gulay, palay at mga puno. Sa halip na magsiksikan tayo sa syudad, dalhin natin ang kaunlaran sa kanayunan. Kung aasa pa tayo sa pamahalaan…   …baka maging huli na ang lahat.

At kung huli na ang lahat…   …at wala ka na ring lupaing sasakahin…   …at ayaw mo na ring iwanan ang syudad…    …mag-Farmville ka na lang sa Facebook.

8 Tugon to “Pagkain Sa Bawat Mesa…”


  1. may officemates ako graduate ng agriculture. nasa call center sya ngayon🙂


  2. tama ka dyan igan….bakit nga ba pinipilit nating ang isang tipo ng pag-unlad katulad ng industriyalisasyon kung ang dapat nating tuunan ng pansin ay ang pagsasaka….agricultural economy sana ang ating pagtuunan ng pansin..alam ko dyan tayo magaling…..

  3. mark joseph labendia Says:

    Magaling na obserbasyon sir Arvin. Bilang isang economics major, alam kong ang paglago ng ekonomiya ay nagsisimula sa pagkakaroon ng “strong agricultural base”. Ito ang dapat na inuunang tugunan ng mga pinuno upang mapalago ang ekonomiya.

    Subalit upang magkaroon ng tinatawag na strong agricultural base, dapat ay gumamit na ng modernong paraan ang mga magsasaka upang maging mas effective and efficient ang farming. kapag ganun siguradong magkakaroon na ng massive production.

    Kaya lang para mangyari yon, kailangan ang tulong ng ating gobyerno. Ang problema, ang mga taong namumuno ay inuuna ang kanilang pansariling kapakanan kaya mas lumalala ang suliranin ng ating bansa.

  4. LADIORAY,LIVE Says:

    saan na ba tayo ngayon,.. dto nakalugmok sa sariling sakahan. dahilan ang gobernong makasarili ang yumurak sa kapakanan ng mamamayan………..ewan,ewan ko kung hanggang kaylan tayo malulugmok sa putikan ating kinasadlakan.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Safehouse Infoshop

leaks of an un-boxed mind

densio

Just another WordPress.com site

Picturesque

release the endorphin

Pinay Unlimited

I don't want to be defined.

Likha ng Kamay

Artisans of the Aborlan Arts Program

sibaltan

a peaceful village by the sea ~ east el nido, palawan

Retired? No way!

Discovering my new island home

iskul ob pilosopi

imbitasyon na tayo'y mag-isip..

El Nido Resorts Environment Department

Sustainable Tourism in Action

Mga Sulating Pilipino

...mga larawang isina-titik

kuntra krusada

Laban sa Kultura ng mga Hari

Bagong Pananaw

Ang paglalakbay ni Fransisko Kiamko (Pagtuklas sa Isang Moralidad na Walang Diyos o Relihiyon)

WordPress.com

WordPress.com is the best place for your personal blog or business site.

%d bloggers like this: