Taym Pers!

Setyembre 30, 2009

Watak na Pag-Inog
Watak na Pag-Inog

Kapag napag-usapan ang panahon [as time hindi as weather], ang pumapasok sa isip natin ay relo, wall clock o kaya’y kalendaryo. Sa mundo ng physics, madalas sinusukat nila ang panahon at bilis sa pamamagitan ng tik-tak ng relo. At ang tik-tak na ito ay ang paghati ng linggo sa 7 pitong araw, pag-buklod ng 60 segundo sa isang minuto at ang presensiya ng saandaang taon sa isang siglo. Sa sukat nakabase ang agham ngunit ang pilosopiya ay sa esensiya.

Sinukat ka ng agham,
nagbuo ng hugis ang matematika
ngunit lalo mo lamang inilingid ang iyong mukha
at ibinuyangyang ang iyong maskara.

Dahil ang nakikita ng agham ang pangyayari at hindi ang rurok na dahilan ng pangyayari. Nababasa lamang ng siyensiya ang bilis ng pagragasa sa dimensyong itinakda ng matematika. Tinatanong ng agham kung papaano tumatakbo ang oras habang tinatanong naman ng pilosopiya kung ano ang panahon mismo.  At natuklasan ng katwiran na hindi pala umiral ang taym. Ang tunog at galaw ng relo ay simbolo lamang ng paglipas ng panahon. Ngunit hindi makikita ang paglipas ng panahon kung walang aktwal na pangyayari, pagbabago at paggalaw. Ang sukat na ibinabadya ng orasan ay nagsasaad lamang ng relativity sa kosmos ayon sa unit at kategoryang itinakda ng isip ng tao.

Ayon kay Immanuel Kant, ang panahon ay hindi umiiral. Ito ay produkto lamang ng isip na nahita lamang natin sa paglilimi sa mga nagaganap. Ang kaganapan ang umiiral hindi ang oras. Ang panahon ay isang matematikal na pagmemeron na nasa apat na sulok lamang ng katinuan. Tulad ng dilim, hindi sya umiiral ngunit nasisino dahil sa nawalang liwanag.

Maging si Agustin ng Hippo ay nawindang sa konsepto ng taym. Nasabi pa nya na kung hindi sya tatanungin, alam nya ang taym, Ngunit kapag tinanong mo na sya, hindi nya raw ito maipaliwanag. Napakahirap nga arukin ang panahon, ngunit unti-unti mong mauunawaan ito kung pag-aaralan mo ang paggalaw. Ang paggalaw ay isang pangyayari, isang pagbabago na siyang naging pundasyon ng materyal na uniberso. Ito ang naging dahilan ng hiwalayan ni materyal at imateryal.

Sa pagtakbo ng uniberso sa absolute timeline, walang materyal na bagay sa kalikasan na hindi nagbabago. Walang materya na parmanente o kaya’y nasa complete state of rest. Dahil kahit ang isang aparador na namamahinga sa isang sulok ng bahay mo ay naglalakbay kasabay ng paggalaw ng mundo sa kalawakan. Nasa batas na ng materyalismo ang pagbabagong anyo, pagkamatay, pagsilang, pagtanda, pag-usad, pag-inog at paglago. Kaya kahit tumunganga ka dyan maghapon, naitakda na na ikaw ay magbabago. Nababawasan o nadadagdagan ang selula ng utak mo at ikaw ay tumatanda.

Nakatakda ang pagbabago. Nakakintal na yan sa takbo ng uniberso. kaya dalawa na lamang ang pagpipilian mong itanong sa sarili mo, “Saan ba ako dadalhin ng pagbabago?” at “Saan ko ba dadalhin ang pagbabago?”

4 Tugon to “Taym Pers!”

  1. Insan Peter Says:

    ayos insan!hindi biro ang ipaliwanag ang philosopiya sa ating linguahe sa kadahilanang walang perpektong linguahe: ito ay limitado. subalit sa kabila ng di ito perpekto ay mahusay at matino mo nailathalat ang mga sakto linya upang maipaliwanag ang principio ng pagbabago bilang kadahilanan pagkakaroon ng idea ang siyensia patungkol oras…binabati kita at hinahangaan insan!!! Maari ko bang i printa ang iyong ginawa? sa pakiwari ko malaking maitutulong nito sa aming klase…

    • brokenform Says:

      sure insan hehe. salamat sa komento! pero edit ko muna. may mga typo pa… then pwede na print. philo ba tinuturuan mo ngaun?


  2. sabi nga e “walang permanenteng bagay dito sa mundo maliban sa pagbabago…”

    ini-add nga pala kita sa Kwentulang Marino.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Safehouse Infoshop

leaks of an un-boxed mind

densio

Just another WordPress.com site

Picturesque

release the endorphin

Pinay Unlimited

I don't want to be defined.

Likha ng Kamay

Artisans of the Aborlan Arts Program

sibaltan

a peaceful village by the sea ~ east el nido, palawan

Retired? No way!

Discovering my new island home

iskul ob pilosopi

imbitasyon na tayo'y mag-isip..

El Nido Resorts Environment Department

Sustainable Tourism in Action

Mga Sulating Pilipino

...mga larawang isina-titik

kuntra krusada

Laban sa Kultura ng mga Hari

Bagong Pananaw

Ang paglalakbay ni Fransisko Kiamko (Pagtuklas sa Isang Moralidad na Walang Diyos o Relihiyon)

WordPress.com

WordPress.com is the best place for your personal blog or business site.

%d bloggers like this: