Ba’t Ka Nagmamadali?

Nobyembre 8, 2009

supersonicVelocity…    …isang mahalagang bagay sa mundo ng pisika, palakasan, ekonomiya, teknolohiya at edukasyon. Dito nakasalalay ang paglipad ng eroplano, tagumpay ng negosyo at karangalan ng isang manlalaro. Dito rin kadalasan sinusukat ang kakayanang mag-isip sa mga paaralan. Dito rin lagi nakasalalay ang pagkapanalo sa mga digmaan at mga kompetisyon.

Naging matagumpay ang ating atletang si Manny Pacquiao dahil sa pambihirang bilis ng kanyang kamay sa suntukan. Nanguna rin si Lydia de Vega sa Asya noon dahil sa bilis n’ya sa pagtakbo. Ang mga pulitiko naman natin ay mabibilis din, hindi sa pagtakbo sa pulitika kundi sa pagnanakaw sa kaban ng bayan. Tila madyikero sa bilis ang kanilang mga kamay na halos di natin namamalayan na limas na ang mga ibinayad nating buwis.

Lango ang mundo ngayon sa bilis ng paggalaw. At lahat ay halos nagmamadali. Bawal mahuli sa pagpasok sa trabaho dahil apektado ang produksyon at pagbibigay serbisyo. Lahat ay nais mauna upang makatanggap ng pagkikila,  promosyon o kaya’y pera. Patuloy ang mga imbensyon ng mga pinakamabibilis na sasakyan. Pero teka, ano nga ba talaga ang velocity?

Sa siyensiya, ang velocity ay sinusukat batay sa nalalakbay na distansya sa loob ng panahong nagamit. ‘Ika nga, “Belositi is ekwal to distans dibayded bay taym.” Pagkatapos mag-dibay-dibay gamit ang iba’t ibang bersiyon ng velocity formula ay lalabas ang mga resultang tulad ng 50 kph, 30 knots,  80 heartbeats per minute at 100 bilyun per yir [reyt kunwari ng mga ninanakaw ng mga pulitiko sa kaban ng bayan].

Galing nilang mag kompyut ng velocity ngunit ano ba talaga ang velocity? Hala! Saan natin hahanapin kasagutan dito? Hmmmnn…    …hindi mo mababanaagan ang esensiya nito sa mga pormula lamang. Halina’t suriin natin ang teorya ng pantas na si Galileo Galelei. Ayon sa kanya ang bilis ay nakabatay lamang sa mga katabing bagay o mga nadadaanang bagay. Halimbawa, hindi mo mababatid ang bilis ng barko kung di mo makikita ang dinadaanan nyong dagat o isla. Gayundin sa eroplano, matatanto mo ang bilis nito kung dudumadaan kayo sa ulap o titingnan mo ang paggalaw ng mga lupa sa ibaba.

Ayon kay Galileo, “…any two observers moving at constant speed and direction with respect to one another will obtain the same results for all mechanical experiment…” Ano naman ibig sabihin nito? Aba, ewan ko! Dapat mag-respetuhan daw, heheh. Ayon sa aking pagkakaunawa, lumabas daw sa ekperimento ni Galileo at iba pang mga siyentipiko hanggang sa kasalukyan na kinakain ng velocity ng mga gumagalaw na bagay ang bilis ng mga bagay sa loob nito. Ang bilis mong maglakad sa loob ng bahay ay kasimbilis ng paglalakad mo sa loob ng eroplano. Samakatwid, ang velocity ay hindi absolut kundi relativ.

Bagaman napakalaki ng kontribusyon ng Theory of Relativity sa pagsulong ng pandaigdigang agham at teknolohiya, hindi ako sang-ayon na relativ lamang ang bilis. Para sa akin ang esensiya ng velocity ay ang absolut na paglalakbay. Naglalakbay ang bawat bagay sa uniberso, taglay ang inertia at tumatawid sa mga absolute locations sa iisang absolut at linear na direksyon, maliban lamang maimpluwensiyahan siya ng gravity ng nadadaang bagay sa kalawakan [saka na natin talakayin ito kapag pinag-usapan na natin ang inertia at friction sa mga teorya ni Galileo at Newton]. Hindi nakabatay ang bilis sa mga katabi ng bagay kundi sa kanyang buwelo o inertia.

Ang absolute velocity ay ang lagom ng magiging direksyon at bilis ng lahat ng bagay sa paligid at madadaanan nya. At ito’y hindi maaring sukatin tulad ng relative velocity.  At wari ko’y sa aktwal ay walang bagay na walang absolute velocity. Ito’y batas ng kalikasan na ang lahat ng bagay ay maglakbay, mabagal man ito o mabilis. Basta lahat ay may obligasyong gumalaw dahil lahat sila ay apektado ng prinsipyong lahat ng bagay ay nagbabago.

takboKung meron mang bagay na nasa estado ng absolute stillness ay hindi ko alam…   …di naman ako diyos para malaman kung sa sentro ng uniberso, na tinawag nilang “Cosmic Egg,” ba ay may naiwang masa na itinulak paloob sa lahat ng direksyon upang manatili at mawalan ng inertia. Kutob ko lang ay wala. Meron sigurong superbagal na waring di umaalis ngunit may velocity pa rin.

Kung meron mang physicist na maligaw at makabasa nito, paki-tuwid lamang po kung ako man ay naliko at nasadlak sa erehiya. Nais ko lamang na magnilay ang mga mambabasa na huminto muna saglit at limiin ang esensiya ng bilis dahil masyado tayong nakulong sa pagsusukat nito.

Bakit hindi natin itanong minsan sa ating mga sarili, “Ba’t ba lagi tayong nagmamadali? Bat kelangan mong maabot ang deadline? Hindi naman masama ang maging mabilis sa mundong ito. Ngunit mahalaga rin siyempre ang malaman kung ang para saan, saan ang direksyon ng ating bilis at ano ang kahulugan nito sa kabuuang pag-inog ng uniberso.

2 Tugon to “Ba’t Ka Nagmamadali?”


  1. may tanong ako, nagmamadali ka rin ba?🙂


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Safehouse Infoshop

leaks of an un-boxed mind

densio

Just another WordPress.com site

Picturesque

release the endorphin

Pinay Unlimited

I don't want to be defined.

Likha ng Kamay

Artisans of the Aborlan Arts Program

sibaltan

a peaceful village by the sea ~ east el nido, palawan

Retired? No way!

Discovering my new island home

iskul ob pilosopi

imbitasyon na tayo'y mag-isip..

El Nido Resorts Environment Department

Sustainable Tourism in Action

Mga Sulating Pilipino

...mga larawang isina-titik

kuntra krusada

Laban sa Kultura ng mga Hari

Bagong Pananaw

Ang paglalakbay ni Fransisko Kiamko (Pagtuklas sa Isang Moralidad na Walang Diyos o Relihiyon)

WordPress.com

WordPress.com is the best place for your personal blog or business site.

%d bloggers like this: