Siyet! Sira Ang Momentum Ko!

Nobyembre 11, 2009

Inertia…     …isang nakakatakot na termino kung baguhan ka sa mundo ng physics. Panahon pa lang ni Aristotle ay napag-uusapan na ito. Ayon sa kanya kapag ang isang bagay ay ibinato, patuloy ito na maglalakbay kapag ito’y nasa isang kalawakang walang laman o vacuum dahil sa pwersang tumutulak dito. Ang prinsipyong ito at ipinaliwanag ng mas malinaw ni Galileo Galilei at Sir Isaac Newton. Ayon naman sa kanila kahit wala na ang pwersang nagtulak dito ay magpapatuloy ang paglalakbay ng bagay na ibinato. Dagdag pa niya na ang mga bagay ay may nakapaloob na resistensiya sa pagbabago ng paggalaw, bilis o direksyon at iyon ay tinatawag na inertia.

Ayon sa ibang siyentipiko, hawig lamang ang inertia sa momentum ngunit magkaiba. Hawig lang talaga at di magkamukha. Ang inertia daw ay nakasalalay sa mass at acceleration ng bagay habang ang momentum ay sa mass at bilis bagaman kapag tumaas ang momentum ay tumataas din ang inertia. May nagsabi naman na pormula ng momentum ay P=mv…     …P para sa momentum; m para sa mass at v para sa volocity habang ang pormula naman ng inertia ay F=ma…    …F para sa inertia; m para sa mass at a para sa acceleration. Paano naman kung hindi na dumadagdag ang bilis? Ibig sabihin ba’y wala nang inertia? Ang gulo ng mga siyentipiko. Baka malaman na lang natin sa huli na iisa lang pala sila.

Balik tayo dun sa pormula ng inertia. Kung maging zero ito, syempre magiging zero rin ang inertia. Ibig bang sabihin, kapag naglalakbay sa bilis na di nagbabago ay wala nang inertia? Ibig bang sabihin, wala na itong resistensiya sa pagbabago ng direksyon? Maniniwala pa ako kung ganito ang pormula…    …F=ma+ma`. Ang a ay ang huling acceleration na nagbigay ng inertia at ang a` ay ang kasalukuyang acceleration na nagbibigay ng karagdagang inertia. Ibig sabihin manatili ang inertia [hindi nga lang nararagdagan] kahit na ang bilis ay di nagbabago. Siyempre hindi kayang maging zero nito dahil pinaghiwalay na sila ng + sign. Kung magkaroon ng salungat na acceleration siyempre babawas ang inertia dahil magiging negative ang ma`. At dapat pareho ang a` sa a upang tuluyan mawala ng inertia at marating ang complete rest.

Pagdating sa direksyon ang mas malakas na pwersang direkyon ang mananaig ngunit maiipluwensyahan pa rin ng direksiyon ng mahinang pwersa at mabubuo ang pinasanib sa direksiyon. Tawagin na lang natin itong absolute inertial direction. Hindi ko na kayang i-express ang pormula nito dahil nakalimutan ko na ang aking calculus [patulong naman sa mga math majors dyan]. Pero mukhang wala tayong mabubuong matinong pormula dito dahil nga absolute. Nakabatay kase ang siyensiya at matematika sa relativity. Iguguhit ko na lang at ia-upload later kung ma-piktyuran ko na ang aking mathematical model.

Sa pagsalpukan nila ay mabubuo naman absolute inertia. Ipagpalagay na lang natin na ia ang simbolo niya. Ipagpalagay natin na ganito ang pormula ia=f(a1+)+f(a2)+f(a2)+f(a3)..   ..f(an). Ang f(a1) ay ang kasalukuyang inertia ng naglalakbay na bagay, ang f(a2) naman ay ang pwersa ng sumalpok na bagay sa kanya at ang f(a3) ang pwersa naman ng isa pang sumalpok na bagay at aabot ito ng f(an) at mapasawalang hanggan habang may isa pang sumasalpok na pwersa. Kawawa naman ang bagay, lamog sa mga sumasalpok sa kanya.

Ang bawat bagay sa uniberso ay may absolute inertia na siyang kabuuan ng lahat ng pwersang nagpabilis, nagpalihis o nagpabagal sa kanya. Sa aktwal ay walang bagay na nasa zero inertia. At walang sapat na salungat na pwersa na maaring magpahinto dito at ilagay ito sa absolute state of rest. Bagaman hindi pwede sa aktwal, mathematically possible pa rin to. Ito yata ang isa sa mga bagay na nakaligtaan ng mga particle physicist na gumawa ng Large Hadron Collider. Dahil tama sa kanilang kalkulasyong matematikal, inakala na nilang kaya nilang makalikha ng Boson particle. Hindi sapat ang kanilang makina upang tapatan ang pwersang nagtulak sa lahat ng bagay sa uniberso palayo sa sentro nito.

Gusto ko pa sanang isulat ang pagkurba ng direksyon ng inertia. Marami pa sana akong tatalakayin tungkol sa inertia ngunit sumasakit na ang tiyan ko. Siyet! Nasira momentum ko! Sa sunod na artikulo na lang natin pag-usapan ang direksyon ng inertia at ang mga bagay na nakakaimpluwensiya dito tulad ng friction, gravity at tsismis. Bakit tsismis? Sa susunod ko na lang ipapaliwanag kung paano nito naaapektuhan ang inertia. Para naman medyo curious kayo kunwari.

1

2 Tugon to “Siyet! Sira Ang Momentum Ko!”


  1. aaminin kong me kahinaan ako sa physics nung “araw”

    tanong ko lang po- ibig bang sabihin ang pagkalikha talaga ng mundo ay magiging taliwas sa pagkalikha batay sa perspektiba ng bibliya kung ang pagbabasehan ay diyan sa inyong post?

    • brokenform Says:

      aktwali, hindi sila taliwas. magkaiba lamang ng perspektiba. maaaring tama ang bibliya na nagmula tayo sa diyos, o sa tinatawag ng pilosopiya na uncaused cause, ngunit hindi librong agham ang bibliya upang maging tama sa detalye sa pamamaraan ng paglikha.

      naniniwala din ako sa perpektiba ng siyensiya at piolosopiya: ang teorya ng inorganic at organic evolution.

      at dito po [sa perspertibo ng agham] nakabatay ang aking pagsaliksik sa misteryo ng inertia.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Safehouse Infoshop

leaks of an un-boxed mind

densio

Just another WordPress.com site

Picturesque

release the endorphin

Pinay Unlimited

I don't want to be defined.

Likha ng Kamay

Artisans of the Aborlan Arts Program

sibaltan

a peaceful village by the sea ~ east el nido, palawan

Retired? No way!

Discovering my new island home

iskul ob pilosopi

imbitasyon na tayo'y mag-isip..

El Nido Resorts Environment Department

Sustainable Tourism in Action

Mga Sulating Pilipino

...mga larawang isina-titik

kuntra krusada

Laban sa Kultura ng mga Hari

Bagong Pananaw

Ang paglalakbay ni Fransisko Kiamko (Pagtuklas sa Isang Moralidad na Walang Diyos o Relihiyon)

WordPress.com

WordPress.com is the best place for your personal blog or business site.

%d bloggers like this: