I Ikwals Em Si Iskweyrd

Disyembre 19, 2009

Kapag napag-uusapan ang agham, madalas lumalabas ang mukha ni Albert Einstein at ang kanyang pamosong E=mc2. Tila siya na ang icon ng modernong siyensiya. Ngunit ano ba ang ibig ipakahulugan ng pormulang ito? Ang E ay enerhiya, ang m ay masa at ang c ay ang bilis ng liwanag[speed of light]. Ito ay ang lagom ng Theory of Special Relativity ni Einstein. Nasaad dito na ang kalawakan[space] at ang panahon [time] ay iisa. Tinawag niya itong “spacetime” sa Filipino ay…     …”kalawanahon?” Nyay!

Ayon kay Einstein, kapag ang masa ay naglakbay sa bilis ng liwanag nagkakaroon ito ng time dilation. Ibig sabihin nito, magkakaroon ng obserbasyon na ang ibang relo ay bumabagal kumpara sa hawak mong relo. Gamit ang lohika ng matematika, pinatunayan ito ni Einstein at ng kanyang mga tagasunod. Ngunit malaki pa rin ang tanong sa pinaka-pundasyon ng kanyang datos empirikal tungkol sa pagbabago ng takbo ng oras.

Gayunpaman, patuloy pa rin itong naging simbolo ng modernong agham. Bagaman nakatanggap si Eintein ng Nobel Prize in Physics, hindi ito dahil sa kanyang “theory of special relativity” kundi sa pagkadiskubri nya ng “law of photoelectric effect.” Marahil dahil ito sa naging impluwensiya ang pormulang E=mc2 sa pagbuo ng bomba atomika. Bagaman hindi personal na nasangkot sa “Manhattan Project,” si Einstein ang dahilan ng pagbuo ng nasabing bomba nang sulatan niya si President Franklin D. Roosevelt na posibleng makabuo ng isang malakas na bomba mula sa Uranium 235. Maari ring dahil nasa aura ni Einstein ang mukha ng isang mad scientist na laging laman ng mga science fiction.

Kung saan man tayo dadalhin ng teorya ng special relativity, hindi pa natin alam. Maaari sigurong nais ni Einstein na buksan ang usapin sa paglalakbay pabalik sa nakalipas o papunta sa hinaharap. Hindi natin alam kung ito’y tama o mali, dahil malawak pa ang maaaring marating ng agham. Gayunpaman, pagdating sa time dilation, hindi ako sang-ayon dito. Mas kakatigan ko pa rin ang orihinal na relativity na itinuro ng pantas na si Galileo at ang pundasyong itinayo ni Isaac Newton patungkol sa inertia. At habang nag-aantay sa maaaring kahihinatnan nito, abala ako sa pagbuo ng bago kong teorya…     …ang quantum cosmetics.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Safehouse Infoshop

leaks of an un-boxed mind

densio

Just another WordPress.com site

Picturesque

release the endorphin

Pinay Unlimited

I don't want to be defined.

Likha ng Kamay

Artisans of the Aborlan Arts Program

sibaltan

a peaceful village by the sea ~ east el nido, palawan

Retired? No way!

Discovering my new island home

iskul ob pilosopi

imbitasyon na tayo'y mag-isip..

El Nido Resorts Environment Department

Sustainable Tourism in Action

Mga Sulating Pilipino

...mga larawang isina-titik

kuntra krusada

Laban sa Kultura ng mga Hari

Bagong Pananaw

Ang paglalakbay ni Fransisko Kiamko (Pagtuklas sa Isang Moralidad na Walang Diyos o Relihiyon)

WordPress.com

WordPress.com is the best place for your personal blog or business site.

%d bloggers like this: