Agham Ng Paghahambing

Disyembre 23, 2009

Hindi ako kuntra sa photoelectric effect. Hindi rin ako kuntra sa napakalaking kontribusyon ni Albert Einstein sa larangan ng pisika. Dun lang ako duda sa kanyang teorya ng special relativity. Kung babalikan natin ang kasaysayan, ang henyong si Galileo ang totoong pinagmulan ng theory of relativity. Binigyan lang ito ng ibang dimensyon ni Einstein kaya nagkaroon ng general theory of relativity [ayon kay Galileo] at special theory of relativity [ayon kay Einstein].

Ayon kay Galileo, hindi malalaman ng isang nakasakay sa barko na ang barko’y umuusad kapag walang tinatawag na reference point tulad ng isla na nakikitang gumagalaw kuntra sa barko. Dahil ang mga nakasakay ay tumatakbo rin sa bilis ng barko hanggang sa puntong di nila maramdaman ang pag-usad nito. Sang-ayon naman dito si Einstein. Ang gusto niya lang palabasin ay mangyayari lamang ito pag ang bilis ay mababa sa lakbay ng ilaw [speed of light]. Ngunit kapag ito’y nasa speed of light na magbabago na ang tabko ng oras. Mapapansin na mas babagal ang ibang relo kumpara sa hawak mo.

Pinatunayan ito ni Einstein sampu ng kanyang mga tagasunod sa pamamagitan ng matematika. Meron ding eksperimento na gumamit ng cesium clock at nagkaroon nga ng ga-hiblang pagbabago sa tiktak nito. Gayunpaman, hindi sapat ang layo ng nilakbay nito upang makawala sa acceleration stage kung saan hindi pa dumarating sa constant speed ang materya. Siyempre apektado ang relo ng contraction ng particle. Sa ganitong takbo ng lohika, pinawawalang bisa ng kampo ni Einstein ang theory of absolute time and space ni Isaac Newton. Sa absolute time, sabay lahat ang paglalakbay ng panahon sa uniberso, walang nauuna at walang nahuhuli. Dahil pilosopikal ang inialok na argumento ni Newton, hindi ito gaanong pinansin noong panahon niya. Mas lalong kinatigan ng ilang siyentipiko si Einstein bagamat kulang pa ang kanyang mga basehan.

Ganito kase ang sitwasyon: paano kung walang ibang bagay na nasa tabi, masasabi mo bang gumagalaw pa rin ang isang bagay? Ang argumentong inilahad ni Newton ay ganito: sa pag-ikot ng globo, kahit walang katabing planeta, ay mapapansing gumagalaw ito dahil paglobo ng gilid nito dala ng centrifugal force. Tila hindi nabigyan ni Newton ng argumento ang linear na paglalakbay.

Sa tingin ko ang sagot dito ay inertia. Dahil ang inertia ang lakas upang maglakbay ang bagay sa kalawakan nang walang tigil hangga’t walang pumipigil na pwersa. Ito ang mungkahi kong silohismo: kapag naglaklakbay ang isang bagay sa kalawakan at naglaho ang mga katabing planeta. Nangangahulugan ba itong tumigil na siya? Kung kakatigan mo ang pilosopiya ni Kant na ang kalawakan ay hindi umiiral, masasabi mong hindi na siya naglalakbay. Ngunit kung may biglang lilitaw na bato o planeta [parang pop-up] sa tabi nito na nasa zero velocity, ito ay gagalaw kuntra sa naglalabay na bagay dahil hindi pa rin nawawala an inertia nito.

Napakalaki ng nagagawa ng relativity [ni Galileo] sa teknolohiya. Dahil ang agham ay umiikot sa mga bagay na magkaka-ugnay. Ngunit ang teorya ng absolute space at time ay nagpapaunawa na ang ugnayang pagkilos sa ating mundo ay bahagi lamang ng unibersal na pagkilos tungo sa hindi pa tiyak na direkyon. Balang araw ay makikita ng mga siyentipiko ang liwanag. At baka malaman nilang tama pala ang henyong si Newton hindi si Einstein.

2 Tugon to “Agham Ng Paghahambing”

  1. rllqph Says:

    *nosebleed* sa lahat ng mga blog post na nakita ko sa wordpress, eto ata ang pinakabusog sa kaalaman pagdating sa siyensia (science in short, wah!)

    sana nga may magsagawa ng experiment sa time and space para mapatunayan natin kung totoo ang sinabi ni isaac. hehehe.

    pero kung sa anime point of view, isa lang ang masasabi ko diyan…. HYPERDRIVE!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Safehouse Infoshop

leaks of an un-boxed mind

densio

Just another WordPress.com site

Picturesque

release the endorphin

Pinay Unlimited

I don't want to be defined.

Likha ng Kamay

Artisans of the Aborlan Arts Program

sibaltan

a peaceful village by the sea ~ east el nido, palawan

Retired? No way!

Discovering my new island home

iskul ob pilosopi

imbitasyon na tayo'y mag-isip..

El Nido Resorts Environment Department

Sustainable Tourism in Action

Mga Sulating Pilipino

...mga larawang isina-titik

kuntra krusada

Laban sa Kultura ng mga Hari

Bagong Pananaw

Ang paglalakbay ni Fransisko Kiamko (Pagtuklas sa Isang Moralidad na Walang Diyos o Relihiyon)

WordPress.com

WordPress.com is the best place for your personal blog or business site.

%d bloggers like this: