Ebolusyon Ng Wika

Disyembre 28, 2009

Matapos malingat sa pagsusulat at iwanan pansamantala ang mundo ng pagpipinta sa loob ng kalahating taon, ngayon ko lang napansin na pinagdedebatehan pala ng mga nasa institusyon ang kahandaan ng wikang Filipino sa literaturang pang-agham. Marami palang walang tiwala sa yaman ng sariling wika. Sa pananaw yata nila hindi pa kaya ng wika natin ang ipahayag ang mga terminong teknikal ng agham, matematika at maging pilosopiya. Madali lang naman ang solusyon diyan. ‘Wag tayo masyadong umasang mabubuhay pa ang mga sinaunang terminong tagalog at huwag na rin nating ipagpilitang gamitin ang mga terminong espanyol kung ito’y nagpapasama ng estitikong lasa ng panitikan.

Halimbawa ang paggamit ng salitang absoluto na pwede mo naman gawing absolut. Tapat tayo sa paggamit ng salitang merkado na pwede naman gamitin ang salitang market. Bakit tayo takot gamitin ang hiram na ingles gayong bumabalik din naman tayo sa hiram na espanyol. Pareho namang hiram iyon. Kung mapapako tayo sa mga terminong makaluma at matatakot tayo sa ebolusyon ng wika, mamamatay ang ating wika tulad ng Latin.

Ang paghiram ng wika ay hindi nangangahulugan ng kakainin ng ibang wika ang ating wika. Hindi mangyayari ‘yan habang meron tayong panlapi. Tulad ng salitang kyut, magiging ating ito kung gamitan mo ito ng panlapi tulad ng “nag-pa-kyut” at “na-kyut-an.” Hayaan nating magkaroon ng ebolusyon ang wika. Alalahanin natin na ang wika ay nagsisilbi sa masa at hindi ang masa ang magsisilbi sa wika. Hindi ba natin gagamitin ang termino kung wala ito sa diksyunaryo. Alam nyo ba na sa lahat ng diksyunaryo, ang mga termino ay kumakalat muna sa popular na dila bago isali sa talaan?

Bakit di muna natin simulang subukan ang literaturang pang-agham, teknolohiya, pilosopiya at matematika bago natin itala sa diksyunaryo ang mga wikang teknikal tulad ng ispeys, taym, kwadrant, hayperbola, substans at presyur. Kung ang uubusin natin ang oras natin para pag-debatehan ito, wala tayong patutunguhan. Mungkahi ko ay subukan nating gawin. Sa huli naman, ang mga mambabasa ang maghuhusga kung na-gets talaga nila ang nais nating iparating.

About these ads

13 Tugon to “Ebolusyon Ng Wika”

  1. Fermin Salvador Sabi ni:

    Magaganda ang punto mo. May mga nagpapakamatay para magkaroon ng koronang ‘language master’. Habang gawa sila nang gawa nang mga panuntunan at pagpablis ng mga diksiyonaryo na dapat daw basahin para malaman kung ano ang wasto at ‘gamit na naaayon sa batas’ ay inilalampaso naman sila ng mga tabloyd, programa sa telebisyon, at iba pang popular na midya sa pagpapakilala at pagpapauso sa buong sambayanan ng mga bagong salita na tatanggapin naman ng mamamayan (malay man o hindi sa pagtanggap na ito) sapagkat umaangkop sa nais nilang italastas ayon sa nagbabagong anyo at hubog ng kanilang pamumuhay. Kulang lang sa pansin ang mga pumupusturang ‘language master’ na ang sangkalan ay ang kanilang pinamanas na lugar sa loob ng paaralan. Sila ang lihis, pero itinuturing nilang isang problema ang kung tutuusin ay natural na agos ng ebolusyon ng wika sa/ng bayan.

    • brokenform Sabi ni:

      salamat po sa puna. nawa’y maging bukas ang mga institusyon sa natural na daloy ng ebolusyon ng wika…

      • tomagulto Sabi ni:

        BAKIT nga ba aalipinin ng wika ang tao, tama ka, dapat tao ang gagamit sa wika at hindi wika ang gagamit sa tao
        -pwede ba sir arvin na idesign mong eye friendly ang blog mo, masakit sa matang basahin, malabo…. napaimportante pa naman ng mga pinapaksa mo

      • brokenform Sabi ni:

        Sige po. Hanap po ako ng ibang theme.

  2. Snappy Sparrow Sabi ni:

    gusto ko lang sabihin na “MANIGONG BAGONG TAON” ;)

  3. tomagulto Sabi ni:

    Kaisa ako sa ebolusyon ng wika: saludo at ipagpatuloy ang pagpapayaman ng ideya sa tulong ng wika…

  4. doroastig Sabi ni:

    munting pahabol: HAPPY NEW YEAR SA LAHAT ! ! !

  5. Resty Cena Sabi ni:

    Malaya ang panghihiram ng diwa, kailangang may gabay ang pagpangalan sa mga diwa.

    sinasamantala ko po ang pagkakataong ito para walang-hiya-hiyang blog plug ng: balangkas.wordpress.com. sana po’y ang mga artikulo doon ay makahugot sa inyo ng isang ngiti o isang kunot ng noo.

    resti cena

  6. alibata_dugong_punk Sabi ni:

    naglaho ang ALIBATA dahil aagdating ng kastila a ating bayan, pero ang lungid s akaalaman ng maraming Pilipino, pinilit ingatan din ng mga miyonerong ktila na mamatay ang paggamit ng panulat na ito, ang mga PIlipino narin mimo ang lumimot sa araan ng pagulat ng alibata, pero kapanin panin na kahit modernong alpabeto na ang naghahari sa bayan and ponetika a ring lokal ang umiiral sapagkat nanalaytay pa rin ang katutubong kaiipan ng mg aPilipino, ilang halimbawa ay ang pagsulat ng “J” kadalasang gamit natin ay “dy” halimbawa sa janitor ay Dyanitor, a Jeep ay dyp, sapagkat dayuhang salita ito, at wala sa katutubong bigkas, kahit sabihin pang naa halos 400 taon na ang dayuhang implwensya a Pilipinas, taglay pa rin natin ang katutubong gawi ng pagbogkas , pagbasa, at pagsulat… kung ano man ang marating ng ating bayan sa eboluyon ng lenguwahe… hiram man o katutubo… iguradong magwawagi pa rin alin man kung kapakinabangan ay para a marami at ikauunlad ng bayan…


  7. Huwag ho kayo maaasar dahil magkokomento ako sa Ingles (dahil mas comportable ako sa wika na iyon).

    Language reflects the attitude of the society that uses it towards tolerance and acceptance. So, as shown by the fact that we Filipinos, when we decide to “co-op” a foreign word, will conjugate the word, in the way that all nouns are turned into verbs. Tagalog (which is the basis of the national language, Pilipino) conjugates a word by repeating as many of the first (sometimes also the second) syllables. “Text” is an interesting foreign word because it is also a reference to Western technology. When I wish to say that I will text you, I will say “I-ti-text kita.” In practice, it’s shortened to “i-text.”

    We may also add “mag-” which is your basic noun verb-i-fier. “Magluto ka na,” turns the noun “luto” into a verb, “Start cooking.”

    We adopt foreign words when it suits us. Words like “cellphone” and “terminal,” in my opinion, are known and understood even to people in the most remote sitio. The cellphone has changed Filipino society. So has the motorcycle. When we adopt a word, it is most likely because we had to.

    Finally we can get to the point. Filipinos are tolerant (unfortunately, to the point of being too passive for their own good). When we adopt a word, we do it when it suits us. We accepted the infusion of a foreign culture because it was beneficial to us. It’s no big deal!

    Contrast this to the solution created by one of among the most influential cultures in history and in the world: French culture. They created a government ministry to protect the culture, to keep it as “pure” as possible. I see two problems with that vainglorious attempt: first, what is “pure” differs even among purists; and second, when you forbid a word, you can only do so much (for instance, by not allowing it to be used in anything created by the government). If the general population uses it, you can’t put them in jail. You can only discourage its use.

    This is a recent article about it, the Ministry of Culture of the Republic of France: http://www.minnpost.com/global-post/2010/03/france-has-launched-efforts-preserve-french-language-diplomatic-circles.

    And this links to the ministry’s website: http://www.culturecommunication.gouv.fr/.

    So mga kapwa Pilipino (my fellow Filipinos), this is my contribution to this interesting discussion about our language. Alam niyo, I am a Balikbayan. I lived in the States for 25 years. But because I was married to a Caucasian American, a white woman in the American Midwest, in this case, Chicago, I was able to speak in Tagalong only when I returned to the Philippines for two weeks every year. We have children but they’re American. They’ve been coming to the Philippines regularly, even after our divorce, so there’s still hope ;-) Nag-i-Ingles ako dahil magaling akong mag-Ingles. Mas magaling pa ako sa Ingles than mga native-English speakers, halimbawa, yung mga lumaki doon. I maintain a blog that I’m inviting you to read. The blog is about my new life in Palawan. I call it “Retired? No Way!” and it can be found at https://retirednoway.wordpress.com/. To google it (meaning to search for it), type “retirednoway.” See you there!

    • brokenform Sabi ni:

      Sir Alex, salamat po sa pagbisita sa blog ko. Salamat din po sa links at napag-alaman ko ang nangyayaring ito sa France. Tama po kayo, kung benepisyal ang salitang banyaga bakit di gamitin.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Pinay Unlimited

I don't want to be defined.

Likha ng Kamay

Artisans of the Aborlan Arts Program

sibaltan

a peaceful village by the sea ~ east el nido, palawan

Retired? No way!

Discovering my new island home

Sustainable tourism in action

The official website of El Nido Resorts' Environment Department

Mga Sulating Pilipino

...mga larawang isina-titik

kuntra krusada

Laban sa Kultura ng mga Hari

Bagong Pananaw

Ang paglalakbay ni Fransisko Kiamko (Pagtuklas sa Isang Moralidad na Walang Diyos o Relihiyon)

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 28 other followers

%d bloggers like this: