Ikaapat Na Dimensyon?

Enero 10, 2010

Ipinagpipilitan ng mga taga-sunod ni Albert Einstein na may ikaapat na dimensyon ang kalawakan. Ito ay ang tinatawag nilang “space-time.” Iginigiit nila na ang oras[time] at kalawakan [space] ay iisa. Iginigiit din nila ang pagbagal ng oras [time dilation] dahil sa bilis katumbas ng paglalakbay ng liwanag [speed of light] ayon sa pamosong pormula na E=mc2. Nakakapagtaka kung bakit tinanggap ito ng maraming siyentipiko gayung wala pang solidong basehan ang teorya.

Talakayin muna natin ang  time dilation. Ayon sa argumento ni Einstein nagkakaroon ng pagbagal ng oras kapag nasa speed of light dahil sa pagsisiksikan ng atomo na napitpit dahil sa bilis. Ang katotohan, sa akselerasyon na katumbas ng paglaklakbay ng liwanag magkakaroon ng pagsisiksikan ng atom hindi mismo sa bilis. Dahil kahit gaano ka kabilis, taglay mo ang inertia na siyang magpapaluwag sa pagsisikan ng atom. Kung magkakaroon nga ng pagbagal ng oras dahil sa akselarasyon ay hindi pa natin alam. Ngunit sa opinyon ko ay wala. Magkakaroon lamang pagbilis ng galaw ng mga molekyul dahil sa presyur ng dala ng akselerasyon. Maaari magmukha kang bata ngunit di nangangahulugan na bumagal ang oras.

Balik tayo sa space-time ni Einstein. Sa unang tingin tila walang pinag-iba ang oras at kalawakan, lalo na kung kakatigan mo ang pananaw ni Immanel Kant na ang mga ito ay hindi umiiral. Ayon kay Kant ang space at time tila sisidlan upang magbigay daan sa pag-iral ng materya at paggalaw nito. Pareho silang hindi umiiral. Tila iisa nga sila. Gayunpaman, hindi ako sang-ayon na ang kombinasyon nito ay ang ikaapat na dimensyon.

Ang kalawakan ay may tatlong dimensyon lamang. At ito ay makikita sa x,y,z axes ng matematika. Ang taym naman ay ang pagbabago ng materya sa loob ng mga dimensyong ito. Ang pagbabagong ito ay maaaring paggalaw, pagbabagong anyo o kaya’y pagbabago ng kemikal na komposisyon. Kung meron mang ikaapat na dimensyon ay hindi natin alam. Ngunit sa pananaw ko’y wala. Ang meron ay ang mga kakatwang bagay na nag-i-impluwensiya sa materya na hindi pa natin natutuklasan. Ito ay matatagpuan sa grabitasyon, enerhiya, akselerasyon at inertia. O kaya’y may mga pwersa o kategoryang matuklasan maliban sa mga nabanggit.

Malayo pa ang lalakbayin ng agham. Hindi pwedeng madaliin ang pagpapaliwanag sa mga bagay-bagay sa pamamagitan lamang ng bulag na pagtanggap sa mga teorya. Hindi porke’t matalino at popular si Einstein ay tama na ang kanyang teorya ng espesyal relatibiti. Isa ang pagkakamali ni Einstein…   …pilit niyang ipinaliwanag ang mga bagay na pilosopikal sa lengguwahe ng siyensiya. At sa bagay na ito…   …naging mahinahon si Sir Isaac Newton.

4 Tugon to “Ikaapat Na Dimensyon?”

  1. tomagulto Says:

    palagay ko rin. konstruksyon lang ang oras pero hindi umiiral, meron lang mga pangyayari pero ang time – matagal ko nang hinuhuli sa hinagap, talagang hindi ako makumbinsing meron nga… ipagpatuloy ang pag-iisip at pagsasaliksik…

    • brokenform Says:

      may hinala ako na bagamat hindi umiiral, may isang kahulugan ang taym sa pag-unawa sa pag-iral, paggalaw at limitasyon ng materya… …ito po ang susunod ko pong tatalakayin

  2. tomagulto Says:

    sige lang, may mungkahi akong silipin mo ang artikulo ni julian barbour tungkol sa “time” nasa edge.org, search mo siya… baka makahamon sa puwersa ng iyong mga ideya…


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Safehouse Infoshop

leaks of an un-boxed mind

densio

Just another WordPress.com site

Picturesque

release the endorphin

Pinay Unlimited

I don't want to be defined.

Likha ng Kamay

Artisans of the Aborlan Arts Program

sibaltan

a peaceful village by the sea ~ east el nido, palawan

Retired? No way!

Discovering my new island home

iskul ob pilosopi

imbitasyon na tayo'y mag-isip..

El Nido Resorts Environment Department

Sustainable Tourism in Action

Mga Sulating Pilipino

...mga larawang isina-titik

kuntra krusada

Laban sa Kultura ng mga Hari

Bagong Pananaw

Ang paglalakbay ni Fransisko Kiamko (Pagtuklas sa Isang Moralidad na Walang Diyos o Relihiyon)

WordPress.com

WordPress.com is the best place for your personal blog or business site.

%d bloggers like this: