Salungat Na Katinuan

Enero 15, 2010

Naghihintay ako sa iyong sagot,
Habang nakatitig sa pag-inog ng iyong talumpati.
Tila ipinagkait mo sa akin ang agham
Na dinilig mo ng banayad na pagkukunwari…

Ikinubli mo ang panlilinlang
Sa saplot ng iyong katanyagan
Gayong sa sarili mo’y
Nandun ang agam-agam…

Nagsalita ka sa lengwahe ng agham,
Gamit ang hokus-pokus ng matematika,
At napaniwala mo kami sa iyong teorya.
At itinuring namin itong dogma…

Ikinintal mo sa kalangitan ang iyong ngalan
Gamit ang huwad na tamis ng pulitika.
Itinanghal kang dakilang guro
At naging simbolo ng rurok ng karunungan…

Ngunit ayoko munang yumukod,
Ayaw ko munang sundan ang  ang iyong mga pahina.
Sapagkat hindi pa ako mangha sa iyong di maarok na salita.
Hindi ko pa rin tayp ang tabas ng iyong lohika…

Naihinga ko na ang aking kritika,
Ipinahayag ko na ang lagom ng aking pagsalungat.
At ako’y hihimlay sa gulod ng tanikala
Upang huwag nang marinig pintig ng daigdig…

Kahit man sa wakas ikaw ay magkusa
Na pawiin ang taka sa aking paghusga,
Hindi na kita magagawang pakinggan.
Wala na ring salitang dadampi sa aking katinuan…

…Pagkat butas na ang aking eardrum,
Natusok ng istik ng barbekyu
Dahil sa kaiisip ng punyeta mong teorya.
Nabibilang na ako ngayon sa hanay ng mga bingi…

…Na nakatitig na lamang sa walang hanggang kawalan…

…habang nagbibilang ng mga dumaraang sasakyan.

2 Tugon to “Salungat Na Katinuan”

  1. abet Says:

    ayos ‘to. wala yata sa pinadala mo to?


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Safehouse Infoshop

leaks of an un-boxed mind

densio

Just another WordPress.com site

Picturesque

release the endorphin

Pinay Unlimited

I don't want to be defined.

Likha ng Kamay

Artisans of the Aborlan Arts Program

sibaltan

a peaceful village by the sea ~ east el nido, palawan

Retired? No way!

Discovering my new island home

iskul ob pilosopi

imbitasyon na tayo'y mag-isip..

El Nido Resorts Environment Department

Sustainable Tourism in Action

Mga Sulating Pilipino

...mga larawang isina-titik

kuntra krusada

Laban sa Kultura ng mga Hari

Bagong Pananaw

Ang paglalakbay ni Fransisko Kiamko (Pagtuklas sa Isang Moralidad na Walang Diyos o Relihiyon)

WordPress.com

WordPress.com is the best place for your personal blog or business site.

%d bloggers like this: