Sa Pag-Usad Ng Tuldok

Marso 12, 2010

Matiyaga kong binabasa ang lumang aklat ng matematika nang mapatitig ako ako sa tuldok. Naglaro sa isip ko ang pagtatalo ng dalawang propesor sa natura nito. Ito ba ay umiiral o isa lamang simbolong matematikal? Ano ang kahalagahan nito sa usapin ng pluralismo, relativity at ekstensyon?

Naisip ko, wala naman talagang tuldok. Ito ay sana isip lamang. Dahil kung ima-magnify mo ang isang mukhang tuldok, hindi na sya tuldok. Ngunit ano nga ba ito? Hmmn…   …pag-iral sa isipan? Sabagay. Napakalaking tulong nito sa pagtumbok ng tamang lugar at direksyon. At saka ayon sa kanta ng Asin, ito ay relative, dahil maging ang higanteng araw ay tuldok lamang kung ikumpara sa malawak na uniberso. Naisip ko rin na ang tuldok na itinuring ng aking mata ay isang dambuhalang may hugis kapag tinutukan ng microscope.

Malamig sa loob ng aklatan at ako’y nag-iisa. Sapat na ito upang ako’y manatili doon upang pagnilayan ang natitira kong katanungan. Sa tuldok ba ay may nakapaloob na pluralismo ng mga bagay? Nagtataglay pa ba ito ng ekstensyon? Tila ayaw kong tantanan ang katanungang ito. Hindi ko na nararamdaman ang gutom at pag-iisa. Tila nabilanggo na ako ng aking sariling mga katanungan.

Habang nakatitig sa kwadrant na nakaguhit sa libro, napagmuni-muni kong marahil ay nagbabadya ito ng kaisahan ng pag-iral, isang simbolo rasyunal ng eksistensiya. At bigla, naputol ang aking trance nang mapansin kong gumalaw ang tuldok sa kwadrant. Nahintakutan ako nang makitang umuusad sya papunta sa Y-axis. Sinaniban na ba ito ng ispiritu ni Socrates upang ituro sa akin ang misteryo ng hugis matematikal? Nagsimula akong pagpawisan sa loob ng isang malamig na silid-aklatan.

Sa kabila ng kilabot na nararamdaman, bigla kong nahagilap ang isang magnifying glass. At doon ko napagtanto na ang umuusad na tuldok ay isa palang kuto…    …na nalaglag sa libro habang nagkakamot ako ng ulo. At dahil sa pangyayaring ito, nadagdagan na naman ang aking mga katanungan…   …ano ang maaaring maging kahulugan ng paggalaw ng kuto este tuldok sa usapin ng inertia?

Nakalabas na ako ng silid-aklatan, ngunit nagugulumihanan pa rin ako. Hindi ito tungkol sa misteryo ng inertia…  …kundi kung ano ang ipapalit ko sa kasalukuyang brand ko ng shampoo.

2 Tugon to “Sa Pag-Usad Ng Tuldok”

  1. merYZAREINaldo Says:

    mahabang panahon na ang lumipas noong huli kitang nakita at nakausap… salamat sa facebook, nahanap kita…hindi ako nagulat nang malaman kong ikaw ay nagsusulat… likas ang iyong talino lalo na sa usaping pilosopiya… kaya nga ikaw ay isang pilosopo…hehehe… babasahin ko ang iyong mga akda pag akoý magkaroon ng mahabang bakanteng panahon… alam ko, matutuwa ako at matututo.. ako ay isang bigong manunulat… hahaha


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Safehouse Infoshop

leaks of an un-boxed mind

densio

Just another WordPress.com site

Picturesque

release the endorphin

Pinay Unlimited

I don't want to be defined.

Likha ng Kamay

Artisans of the Aborlan Arts Program

sibaltan

a peaceful village by the sea ~ east el nido, palawan

Retired? No way!

Discovering my new island home

iskul ob pilosopi

imbitasyon na tayo'y mag-isip..

El Nido Resorts Environment Department

Sustainable Tourism in Action

Mga Sulating Pilipino

...mga larawang isina-titik

kuntra krusada

Laban sa Kultura ng mga Hari

Bagong Pananaw

Ang paglalakbay ni Fransisko Kiamko (Pagtuklas sa Isang Moralidad na Walang Diyos o Relihiyon)

WordPress.com

WordPress.com is the best place for your personal blog or business site.

%d bloggers like this: