Siglong Organiko

Mayo 13, 2010

Minasdan ko ang uod. Masaya s’ya habang tumatawid sa kapirasong sanga ng puno. Mag-kaiba kami ng mundo. Ang mga inakala n’yang higante’y mga dwende sa aking paningin. Hanggang dito ba naman sa gubat ay ayaw akong tantanan ng teorya ng relatibiti. Inalog ko ang aking ulo at ibinalik sa kukute ang pakay…   …at patuloy akong nagmasid.

May mga bagay na higit sa substansiya ang namamahay sa mga hugis. At sa patuloy na pag-inog ng buhay sa organikong gubat ay namalas ko na walang saysay ang matematika sa pagsipat ng esensiya ng buhay. Merong paggalaw, paglago, pagpasya, pagtanggi, pagdami, pagdurusa at kasiyahan…  …siglong nagpatingkad sa mundong nagpakunot ng noo ni Darwin. Hindi enerhiya, hindi rin materya, hindi tubig at lalong hindi karbon ang dahilan ng pagsulpot ng buhay.

Sa unang pintig itinakda ang paglago, malayang paggalaw, pagdami at pangangatwiran tungo sa iisang pakay. Bakit ang mga bagay na imateryal ay kumikilos sa mundong nilimitahan ng oras at kalawakan? Marahil ay bahagi ito ng ebolusyon upang manatili ito at manahan sa mga konseptong hindi kayang baguhin ng panahon…  …ang pag-ibig at katuwiran.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Safehouse Infoshop

leaks of an un-boxed mind

densio

Just another WordPress.com site

Picturesque

release the endorphin

Pinay Unlimited

I don't want to be defined.

Likha ng Kamay

Artisans of the Aborlan Arts Program

sibaltan

a peaceful village by the sea ~ east el nido, palawan

Retired? No way!

Discovering my new island home

iskul ob pilosopi

imbitasyon na tayo'y mag-isip..

El Nido Resorts Environment Department

Sustainable Tourism in Action

Mga Sulating Pilipino

...mga larawang isina-titik

kuntra krusada

Laban sa Kultura ng mga Hari

Bagong Pananaw

Ang paglalakbay ni Fransisko Kiamko (Pagtuklas sa Isang Moralidad na Walang Diyos o Relihiyon)

WordPress.com

WordPress.com is the best place for your personal blog or business site.

%d bloggers like this: