Pagbasag Sa Mitolohiyang Pilosopo Tasyo

Hulyo 10, 2010

Photo by Cynthia Sumagaysay-Del Rosario

Ganid ang titulo,
Nababalot siya ng mga himala,
Pedestal ang kanyang kinalalagyan,
Halos ayaw tingalain
Ng kultong sumasamba sa karunungan.

Palutang-lutang ang diwa
Sa luwang ng kapabayaan.
Tila walang balak lumabas
Sa loob ng itlog na malapit nang mabugok.

Nasan ang pilosopo?
Wala siya sa luklukan;
Wala rin sa aklatan;
Naghanap na rin ako sa mga lansangan.
Ngunit wala rin akong naka-bungguan.

Wala ang kanyang ngalan sa sertipikasyon,
At lalong wala ang kanyang ispiritu
Sa basbas ng mga institusyon.

Nasaan si Pilosopo Tasyo?

Lingkis siya ng tanikalang walang pangalan.
Natutulog siya sa kaisipang ayaw maging malaya.

Naroon siya sa isang sulok,
Naglalaro ng tong-it…

Nyay! Ikaw pala si Pilosopo Tasyo.
Ngunit tamad ka nang mag-isip.
At ayaw mo nang mabuhay sa katotohanan.
Hinayaan mong kainin ng pagkabulok ang lipunan.
Namumuhay ka na lang sa agos ng panahon.

Gunising ka!
Hindi sa taas ng IQ
At hindi sa husay sa ingles nakikita ang karunungan…

…kundi sa ngala-ngalang uhaw sa katotohanan.

7 Tugon to “Pagbasag Sa Mitolohiyang Pilosopo Tasyo”

  1. Kwentulang Marino Says:

    ‘hindi sa taas ng IQ
    at hindi sa husay sa ingles nakikita ang karunungan…’

    marami sa ating mga pinoy ang ganito sumuma ng karunungan kaya’t hindi nakikikita ang tunay na problema ng lipunan.

  2. cynthia Says:

    minsan ang hirap kasi mag-isip, mas mabuti nalang mag-feel.🙂

    • brokenform Says:

      uu nga naman🙂. pero kahit sa pag-feel, pwede k naman pumasok sa proseso ng reflection. ang mahalaga ramdam mo ang realidad at gumugulong ang buhay mo upang gawin itong makahulugan.

  3. tomagulto Says:

    nakaauhaw ang pamimilosopo, at lalo sa mga nagbabasa,pilosopo o hindi

  4. metaporista Says:

    “..At hindi sa husay sa ingles nakikita ang karunungan…”

    –totoo yan, kumbaga sa adobo, pinya lang yan. Pampakulay at pampalasa para magmukha kang maraming alam.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Safehouse Infoshop

leaks of an un-boxed mind

densio

Just another WordPress.com site

Picturesque

release the endorphin

Pinay Unlimited

I don't want to be defined.

Likha ng Kamay

Artisans of the Aborlan Arts Program

sibaltan

a peaceful village by the sea ~ east el nido, palawan

Retired? No way!

Discovering my new island home

iskul ob pilosopi

imbitasyon na tayo'y mag-isip..

El Nido Resorts Environment Department

Sustainable Tourism in Action

Mga Sulating Pilipino

...mga larawang isina-titik

kuntra krusada

Laban sa Kultura ng mga Hari

Bagong Pananaw

Ang paglalakbay ni Fransisko Kiamko (Pagtuklas sa Isang Moralidad na Walang Diyos o Relihiyon)

WordPress.com

WordPress.com is the best place for your personal blog or business site.

%d bloggers like this: