Alamat Ng Bumbilya

Agosto 11, 2010

Photo by Cheena Liao Pe

Tanglaw ka sa aking matang pagal;
Liwanag kang aandap-andap sa apat na sulok ng aking isipan.
Nais kitang namnamin,
Nais kong manatili ka kahit saglit
Habang pinapanday ang aking paghusga,
Habang sumisibol ang aking pagpapasya
At habang nagkakamasel ang aking panga.

At kapag matigas na ang aking mga titig
At tuwid na ang aking pagguhit ng linya
Ay maingat kong bubusisiin ang iyong ganda.
Isisiwalat ko ang mabilis mong paglalakbay
Sa espayong material at epistemolohikal.

Nagsalita ang aklat,
Sambit ang mga lirikong isinulat
Ng mga pantas na nakasaksi
At nagpatotoo sa iyong propesiya.

Misteryo pa ring maituturing
Ang likaw ng iyong pag-iral.

Patuloy ang pagsasalita ng aklat
Ngunit walang gustong makinig.
Lahat ay tulig sa pag-inog
Ng mundong gawa sa kalakal.

Nagtiyaga akong makinig
Bagaman gusto ko nang magpatingin sa doktor
Dahil naririnig kong nagsasalita si aklat,
Pinilit kong pa ring namnamin ang mga liriko nito.
Aba! Lasang nagaraya!
At tila nga nagbabadya
Na matutuklasan ng mga dalubhasa
Ang mailap mong natura.

Patuloy kong nginuya ang liriko,
Na lasang nagaraya.
Dahil uhaw akong tuklasin
Ang pagtangkilik mo sa pagbabago ng daigdig
At pagpanday mo ng imahe sa aking isipan.

Ngunit di pa ngayon.
Dahil kulang pa ang masel sa aking panga
At di pa ako tuwid sa pagsusulat ng linya.

Maaaring bukas o makalawa,
Magagawa ko nang isulat nang tuwid ang linya
Na nag-uugnay sa buhay at ideya.

At payapa na akong magpapatianod
Sa agos na walang patutunguhan….

2 Tugon to “Alamat Ng Bumbilya”

  1. Kwentulang Marino Says:

    Kailan mo babasagin ang bumbilya? ^_^


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Safehouse Infoshop

leaks of an un-boxed mind

densio

Just another WordPress.com site

Picturesque

release the endorphin

Pinay Unlimited

I don't want to be defined.

Likha ng Kamay

Artisans of the Aborlan Arts Program

sibaltan

a peaceful village by the sea ~ east el nido, palawan

Retired? No way!

Discovering my new island home

iskul ob pilosopi

imbitasyon na tayo'y mag-isip..

El Nido Resorts Environment Department

Sustainable Tourism in Action

Mga Sulating Pilipino

...mga larawang isina-titik

kuntra krusada

Laban sa Kultura ng mga Hari

Bagong Pananaw

Ang paglalakbay ni Fransisko Kiamko (Pagtuklas sa Isang Moralidad na Walang Diyos o Relihiyon)

WordPress.com

WordPress.com is the best place for your personal blog or business site.

%d bloggers like this: