SK Dapat Alisin

Disyembre 20, 2010

Napakaganda ng layunin ng pagkakatatag ng Sangguniang Kabataan [SK]: Ang maagang matuto sa pamamahala ang mga kabataan. Ngunit sa panahon ngayon, ang nangyayari ay maagang natututong maging corrupt ang mga bata. Nagiging training ground ng mga TRAPO [Traditional Politician] ang SK. Sa murang gulang ay natututo silang bumili at magbenta ng boto. Ito ang kalakalang laganap sa buong bansa. Hindi man naisin ng iba ay nadadala silang ng mga malalaking pulitikong gustong gamitin sila upang mapalawig ang kapangyarihan sa konseho.

Sa aming lugar, umaabot ng 500 piso ang bayad sa bawat boto sa SK. Pagdating sa botohan ng SK Federation President, umaabot sa 10,000 piso plus cellphone ang bayaran. Naririyan pa ang kidnapan at pagkulong sa kanila sa isang bahay upang masiguro na hindi mabibigyan ng mas malaking halaga ng kabilang partido. Kawawa naman ang mga bata. Anong kinabukasan ang aasahan natin sa kanila? Paglaki ng mga ito, sila naman ang manggagamit dahil sanay na sila sa kalakalan ng maruming pulitika.

Hindi ako pabor sa mungkahi ng Sec. Jesse M. Robredo ng Department of Interior and Local Government [DILG] na ‘wag alisin ang SK kundi kelangan lamang ang reporma dito. Para sa akin, ang tunay na reporma ay tanggalin muna sa kabataan ang anumang kapangyarihan at pamamahala sa kaban ng bayan. Aminin man natin o hindi, hangga’t may hawak silang kapangyarihan at may pamamahala sila sa kaban ng bayan, gagamitin at gagamitin lamang sila ng mga matatanda na at beteranong mga TRAPO.

Puwede naman silang tumulong sa pamahalaan bilang organisasyong di-politikal. Maaari naman silang tumulong sa pagtatanim ng puno, paglilinis ng kapaligiran at iba pa pang programa sa espiritu ng bolunterismo. Basta ‘wag lamang muna silang bigyan ng kapangyarihan…   …dahil di pa natin kayang pagtiwalaan ang mga ganid na pulitikong nakapaligid sa kanila.

2 Tugon to “SK Dapat Alisin”

  1. merald Says:

    hindi matututong maging kurap ang kabataan kung walang tumoturo sa kanila… bakit kelangang alisin ang SK para ang mga matataas lang na posesyun ang maka kurap..?? o di kayay, baka silay mahuhuli ng kabataan na nangungurap at bka silay masiwalat???… ang dapat nilang tuonan ng pansin ay ang mga matataas na politiko.. dahil sila lang ang nangungurap.. at maypinakamalaking nagugurap..

    nais kulang pong sabihin na hindi lahat ng naka upo sa SK ay nangungurap dahil di2 sa lugar namin ay maganda ang daloy ng programa ng SK at higit sa lahat walang na ngungurap..

    dapat lang din na magakaroon ng SK sapagkatparang walang ginagawa ang ating mga senador… at parang hindi narin siguro nilang kayang gampanan ang kanilang tungkulin sapakat silay matanda na.. at dapat na silang mag pahinga.

  2. merald Says:

    hindi ko nman sinabi na ang SK ay aalisin dahl sakurap na kabataan kundi ynan lang ang masasabi ko kung aalisin nila ang SK.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Safehouse Infoshop

leaks of an un-boxed mind

densio

Just another WordPress.com site

Picturesque

release the endorphin

Pinay Unlimited

I don't want to be defined.

Likha ng Kamay

Artisans of the Aborlan Arts Program

sibaltan

a peaceful village by the sea ~ east el nido, palawan

Retired? No way!

Discovering my new island home

iskul ob pilosopi

imbitasyon na tayo'y mag-isip..

El Nido Resorts Environment Department

Sustainable Tourism in Action

Mga Sulating Pilipino

...mga larawang isina-titik

kuntra krusada

Laban sa Kultura ng mga Hari

Bagong Pananaw

Ang paglalakbay ni Fransisko Kiamko (Pagtuklas sa Isang Moralidad na Walang Diyos o Relihiyon)

WordPress.com

WordPress.com is the best place for your personal blog or business site.

%d bloggers like this: