Di Siguradong Pagtahak

Hunyo 5, 2011

Nagkamali si PNoy sa pagtatalaga kay Ramon Paje bilang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources [DENR]. Hindi ko nasabi ito dahil kaapelyido ko si Acosta. Sa katunayan si Paje ay mas malapit ko pang kadugo at siya’y nanggaling sa Palawan. Hindi ko batid kung mag-kamag-anak kami ni Titser Neric at napakalayo ng Bukidnon sa Palawan. Ngunit kung pagbabasehan ang kanyang mga nagawa bilang kongresista, siya talaga ang nararapat na maging kalihim ng DENR.

Napag-alaman ko sa kaklase ni Neric na siya ay isang matuwid na tao at hindi kurakot. Ito rin ang pahayag ng mga taong kanyang nakasama sa trabaho at pagtuturo. Maliban dito, meron siyang malawak na kaalaman tungkol sa kalikasan. Siya ang may akda ng Clean Water Act, Clean Air Act, Solid Waste Management Act at iba pang mga batas tungkol sa kalikasan. Nakakagulat dahil biglang nagbago ang desisyon ni PNoy na s’ya ang ilagay kapalit ni Paje. Malaki ba ang presyur na nagmumula sa Iglesia ni Cristo? May kinalaman ba dito ang malalaking kumpanya ng mina?

Malaki sana ang papel ni Neric sa pagsugpo ng sindikato sa loob ng DENR, ang mafia ng maanomalyang pagbibigay ng titulo sa lupa at iba pang mga permit. Kung ano man ang nagpabago sa isip ni PNoy ay hindi natin alam. Ngunit sana naman, maging totoo s’ya sa pagtahak sa “Daang Matuwid…”   …at huwag nang tangkilikin “Ang Dating Daan.”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Safehouse Infoshop

leaks of an un-boxed mind

densio

Just another WordPress.com site

Picturesque

release the endorphin

Pinay Unlimited

I don't want to be defined.

Likha ng Kamay

Artisans of the Aborlan Arts Program

sibaltan

a peaceful village by the sea ~ east el nido, palawan

Retired? No way!

Discovering my new island home

iskul ob pilosopi

imbitasyon na tayo'y mag-isip..

El Nido Resorts Environment Department

Sustainable Tourism in Action

Mga Sulating Pilipino

...mga larawang isina-titik

kuntra krusada

Laban sa Kultura ng mga Hari

Bagong Pananaw

Ang paglalakbay ni Fransisko Kiamko (Pagtuklas sa Isang Moralidad na Walang Diyos o Relihiyon)

WordPress.com

WordPress.com is the best place for your personal blog or business site.

%d bloggers like this: