Sikolohiyang Pilosopikal

Hulyo 7, 2011

Nagsimula ang sikolohiya bilang pilopiya bago ito naging agham. Ipinanganak ito sa kulturang Griyego halos kasabayan ng pagsilang ng metapisika. Makikita din ito sa mga gawa ng mga naunang pilosopong Griyego na sila Thales at Plato. Ang sinulat ni Aristotle na De Anima ay halimbawa ng sikolohiyang pilosopikal. Ang salitang sikolohiya ay nagmula sa mga salitang Griyego na psykhe na ang ibig sabihin ay “hininga” o “kaluluwa” at logos na ang ibig sabihin ay “pag-aaral ng.”

Ang sikolohiyang pilosopikal ay nakatuon sa kalikasan ng tao, bilang katawang materyal at pag-iisip na imateryal. Dito nabuo ang konsepto ng kaluluwa na inihahalintulad sa hininga ng maraming kultura sa buong mundo. Tinatalakay dito ang relasyon nito sa katawan sa larangan ng paggalaw, pandamdam, kamalayan at buhay.

Nagsimulang maghiwalay ang sikolohiya sa pilosopiya noong itinayo ang mga laboratoryo para sa pananaliksik sa sikolohiya. Noong 1879, itinayo ni Wilhelm Wundt ang unang laboratoyo para sa experimental psychology. Nakita ng mga siyentipiko noon ang halaga ng eksperimento at mga obserbasyong empirikal sa pag-aaral ng kaisipan at emosyon.

Sa pagsilang ng sikolohiya bilang agham, nahati ang sikolohiya sa dalawa: ang sikolohiyang eksperimental at sikolohiyang rasyunal. Sa pag-usad ng panahon, mas naging popular ang sikolohiyang eksperimental at ang terminong sikolohiya ay naging magkasing-hulugan sa sikolohiyang eksperimental.

Sa sikolohiyang agham, naka-pokus ang paksa sa pag-uugali ng indibidwal, problemang emosyonal at kalusugan ng pag-iisip. Napalawig lalo ang disiplinang ito ng mga siyentipikong sina William James at Sigmund Freud. Dahil dito marami ang mga natuklasan at nalunasan ang iba’t ibang sakit sa pag-iisip at problema sa emosyon.

Sa panahon ngayon, mangilan-ngilan na lamang ang nag-aaral ng sikolohiyang rasyunal. Ngunit ang kahalagahan nito ay di pa rin mababalewala bagamat tila napag-iiwanan na ng panahon at di na “uso.” Maaaring malayo na ang narating ng sikolohiyang agham, ngunit may isang bagay sa sikolohiya ang hindi kailanman maisasalang sa eksperimento…  …ang kaluluwa.

5 Tugon to “Sikolohiyang Pilosopikal”

  1. tomagulto Says:

    paano ang pilosopiya ng kaluluwa?

    • brokenform Says:

      isang malaking katanungan pa rin sa akin mang tom: ang kaluluwa ba ay siya ring kaisipan, consciousness man or rationality?

      • tomagulto Says:

        sa naabot ng aking pagkukuro: Ang kaluluwa, ay baka produktong kolektibong construct ng mga Taumbuhay (Homo sapiens at lipunan) . Taumbuhay bilang isang perpektong mekanismong umaandar : Mata, buhok, balat, kuko, laman, titi, bayag, kiki, matris, ugat, buto, baga,puso, dugo, atay, bato, apdo , balun-balunan, lapay -lahat ng elementong pisikal sa loob at labas ng
        buong katawan. Ang mekanismong ito (Taumbuhay) ay may produktong “kamalayan” na napupruseso sa utak na responsable sa pag-iisip – na siya ring nagconstruct ng “kaluluwa”

      • brokenform Says:

        maaari po. at maaaring ito rin ang pinagmumulan ng buhay, ang lakas na nagpapapintig sa puso, nagpapalaki/lago, nagpaparami [reproduction] at nagbibigay gana/libog.

  2. tomagulto Says:

    kailangan talagang tuklasin ang kaano-anohan at kabakit-bakitan ng buhay – nasaan pa ang mga pilosopong pinoy?


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Safehouse Infoshop

leaks of an un-boxed mind

densio

Just another WordPress.com site

Picturesque

release the endorphin

Pinay Unlimited

I don't want to be defined.

Likha ng Kamay

Artisans of the Aborlan Arts Program

sibaltan

a peaceful village by the sea ~ east el nido, palawan

Retired? No way!

Discovering my new island home

iskul ob pilosopi

imbitasyon na tayo'y mag-isip..

El Nido Resorts Environment Department

Sustainable Tourism in Action

Mga Sulating Pilipino

...mga larawang isina-titik

kuntra krusada

Laban sa Kultura ng mga Hari

Bagong Pananaw

Ang paglalakbay ni Fransisko Kiamko (Pagtuklas sa Isang Moralidad na Walang Diyos o Relihiyon)

WordPress.com

WordPress.com is the best place for your personal blog or business site.

%d bloggers like this: