Taym Trabel

Nobyembre 25, 2011

Saan na nga ba tayo dinala ng Theory of Special Relativity ni Einstein? Mukhang ang agham ay napupunta na sa Hollywood style science fiction. Ito ang patok sa mga movies: time travel, wormhole, multiverse at marami pang iba na pawang mula sa mga teorya ni Albert Einstein.

Tungkol sa paglalakbay sa panahon papuntang nakalipas o kaya’y sa hinaharap, sinabi Einstein na kapag nakapaglakbay ang bagay sa bilis ng liwanag, bumabagal ang oras. Aba, kahit wala pang pruweba ay tinanggap ito agad ng maraming mga siyentipiko. At ayon pa kay Einstein, ang uniberso ay maraming dimension, ito ang tinawag niyang ‘multi-verse.’ Maaari daw sa ibang uniberso ay iba ang napangasawa mo o kaya’y sa ibang kumpanya ka nakapagtrabaho. Kaya nga kapag nakapaglakbay ka sa bilis ng liwanag nabubuksan ang ibang dimension ng uniberso at makakapaglakbay ka sa oras.

Sapat na ba ang matematika upang sampalatayanan natin ang kultong itinayo ni Einstein?Tila ito relihiyon na umaasa sa luwalhati na paglalakbay sa oras sa hinaharap. Ang tanong: totoo nga ba ang time travel? Kung sa konsepto ni Einstein ay hindi pa natin malalaman sa ngayon. Tingnan natin sa hinaharap kung makaka-imbento sila. Sa palagay ko’y hindi.

Ngunit ang time travel ay nangyayari na sa ngayon. Ows? Promise, sa pag-usad ng arkeyolohiya, paleontolohiya at forensic science ay nakapaglalakbay na tayo pabalik sa nakalipas. Nailalarawan sa atin ang mundo milyong taon na ang nakalilipas. Nalulutas ang mga krimen dahil sa aplikasyon ng forensic science sa imbestigasyon ng pulisya. Nakapaglalakbay din tayo papuntang hinaharap sa pagka-imbento ng matematikal na pormula ng probability, statistical forecasting at ng computer simulations. Nahuhulaan na natin ang pag-ulan, paglakas ng hangin at direksyon ng bagyo sa pamamagitan ng lente ng mga satellite.

Hindi nga lang pisikal na paglalakbay ngunit ang kaalaman ay naglalakbay sa panahon at ito’y ating napapakinabangan. Siguro panahon na upang itigil na natin ang pagpapantasya na magiging kaganapan ang mga napapanood natin sa mga sine. Hayaan na lang natin na tayo’y maaliw. Pagyamanin natin kung ano ang meron na at paunlarin natin. Kung talagang maiimbento ang time machine, darating din yan. Kung hindi, malamang tama ang hinala ko.

8 Tugon to “Taym Trabel”


  1. Hindi kaya ideyal ang Special Relativity Theory ni Einstein. Tingin ko wala namang materyal na nakikitang batayan upang sabihin na may multi-dimension ang universe at ang paglalakbay sa ibang panahon o ang karaniwang tingin sa time travel ay sadyang impossible maliban na nga lang kung ito ay tulad ng anthropology, archaeology at forensic.

  2. tomagulto Says:

    gustonggustoko ito

  3. brokenform Says:

    Reblogged this on iskul ob pilosopi and commented:

    Siyasatin natin ang oras…

  4. Cutealyzza Says:

    Paano po ba bumagal ang oras kapag naglakbay sa bilis ng liwanag?

  5. Alyzzacute Says:

    Paano po ba bumagal ang oras kapag naglakbay ka sa bilis ng liwanag?

    • brokenform Says:

      Yung po ay naka paloob sa theory of special relativity ni Einstein. Nagkakaroon daw ng time dilation sa speed of light.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Safehouse Infoshop

leaks of an un-boxed mind

densio

Just another WordPress.com site

Picturesque

release the endorphin

Pinay Unlimited

I don't want to be defined.

Likha ng Kamay

Artisans of the Aborlan Arts Program

sibaltan

a peaceful village by the sea ~ east el nido, palawan

Retired? No way!

Discovering my new island home

iskul ob pilosopi

imbitasyon na tayo'y mag-isip..

El Nido Resorts Environment Department

Sustainable Tourism in Action

Mga Sulating Pilipino

...mga larawang isina-titik

kuntra krusada

Laban sa Kultura ng mga Hari

Bagong Pananaw

Ang paglalakbay ni Fransisko Kiamko (Pagtuklas sa Isang Moralidad na Walang Diyos o Relihiyon)

WordPress.com

WordPress.com is the best place for your personal blog or business site.

%d bloggers like this: