Walang Hanggang Paghahanap
Disyembre 18, 2011
Sa simula’t sapul ay di na ako sang-ayon dito sa proyektong ginagawa sa Large Hadron Collider [LHC]. At kamakailan lamang ay umamin nga sila na mahihirapan silang matuklasan ang Higgs boson na tinatawag nila. Ngunit biglang-bigla ay nag-pa-iskedyul ng press release ang pamunuan ng LHC. Nagpalabas ng nakaka-excite na “rumors” tungkol sa kanilang natuklasan. At noong nakaraang Martes, Disyembre 13, 2011, inabangan ko sa twitter ang detalye ng pangyayari sa nasabing forum.
Dumugo ilong ko sa mga terminong ginamit ng particle physicists ngunit walang Higgs na nailabas, panay lamang ulan ng papuri at libreng pananghalian. “Maari” daw nasulyapan na ang Higgs ngunit di pa rin tiyak kung natuklasan na ito. Gayumpaman ay nangako ang mga siyentipiko na maaaring matagpuan na rin sa wakas ang Higgs sa susunod na taon.
Mukhang gigil ang mga siyentipiko na makita ang Higgs. Oo nga naman, kung mahigit anim [6] na bilyong dolyar na ang nagagastos ng proyekto at wala kang mailabas na resulta ay nakakahiya. Maaari namang nais nila ng karagdagang pondo kaya nagpahayag silang maaaring “nasulyapan” na ang Higgs at makikita na ito sa taong 2012.
Ang tanong bakit nagmamadali ang mga siyentipiko na makita ang Higgs? Hindi ba’t may mas mahalagang isyu na dapat nilang harapin at pondohan ng bilyun bilyong halaga – ang paghahanda ng tao sa kagutumang naka-amba, ang mga di-karaniwang mga kalamidad at pagkaubos ng tubig sa ilang bahagi ng mundo dahil sa pagbabago ng klima [climate change]?
Gayunmapan, ipagpatuloy man nila ang proyektong ito, sa tingin ko ay di nila makikita ang Higgs dahil mali ang kanilang perspektibo at mali ang makinaryang kanilang ginamit. At sa pananaw ko’y wala pa tayong kakayanang sulyapan ito. At baka di na nga natin makita. At dapat ay hindi Higgs ang pangalan ng unang materya dahil mali din naman ang pananaw ni Peter Higgs tungkol dito. Hehe, yun ay ang aking pananaw – mali ang kanyang teorya.
Minarkahan: CERN, climate change, Higgs Boson, materya, physics, teorya