K+12, Napapanahon Nga Ba?

Mayo 1, 2012

Tutol na ako noon pa sa tila madaliang implementasyon ng K+12 Program ng Kagawaran ng Edukasyon [DepEd]. Malinaw na hindi pa handa ang bansa sa ganitong uri ng sistema. Bagama’t napakaganda ng ideya. Ang pagdadagdag ng taon sa pag-aaral ay dagdag gastos at mapapahaba ang panahon na bubunuin sa pag-aaral. Gayunpaman, mas magiging epektibo ang edukasyon kapag hindi pinagkakasya sa maiksing panahon ang mga asignatura.

Ngunit handa na nga ba tayo sa K+12? Ang dapat tutukan ng ating pamahalaan ay ang kakulangan ng mga gusali at iba pang pasilidad sa paaralan, ang kakulangan ng mga de kalidad na aklat at ang kakulangan ng kwalipikadong guro. Medyo mahaba-habang pagsasanay ito sa mga guro at marami-marami ring gusali ang dapat itayo.

Sabagay, dahil sa kaluwagan ng pamantayan ng mga pampublikong paaralan, madami ang nakakapasa na kulang sa kaalaman. Ang nangyayari, nagkikipag-sisiksikan ang mga “di dapat pumasa” sa mga nakapasa sa iisang silid aralan. Kapag  naghigpit ang mga guro, hindi na natin kakailanganin ng maraming dagdag na silid aralan. Mas makakabuti sa bansa ang konti ang graduates ngunit magagaling kesa nakaparaming nagtapos na walang namang alam. At siyempre, dapat maghigpit din sa pagpili ng guro. Bawal na dapat ang padrino system.

Dahil hindi na natin mapipigilan ang pagpapatupad ng K+12, imungkahi na lang natin sa DepEd na magdagdag ng pasilidad at higpitan ang pagsasala sa mga guro at istudyante. Dahil napapanahon man o hindi, umuusad na ang programa, at ito ang magdidikta sa kinabukasan ng paghuhubog ng kaisipan.

7 Tugon to “K+12, Napapanahon Nga Ba?”

  1. kamillemora Says:

    sa palagay ko rin, kahit mga guro ay hindi pa handa sa bagong curriculum na ito.


  2. To address one of your points, teachers won’t really need to become stricter to thin out the herd of graduates. It’s already a challenge for most people to finish highschool in the classic system, what more if we add two more years?

  3. rhomsky Says:

    Sa ganang akin, hinog sa pilit ang K+12, madami pang kelangang ayusin sa kasalukuyang sistema ng edukasyon sa Pilipinas bago sana magpatupad ng ganito karadikal na mga hakbangin.

    Hindi naman ang haba ng panahong ilalagi ng isang bata sa eskwelahan ang magtatakda ng kalidad ng edukasyon na makukuha niya. ano ba ang mga ituturo sa kanya sa loob ng eskwela.

    Tulad ngayon, wala nang hiwalay na subject para sa history, wala na tuloy sense of history ang mga kabataan ngayon.

    Kalidad ng pagtuturo, sapat na mga klasrum at pasilidad at hindi dagdag na mga taong siguradong magiging dagdag na pabigat sa mga magulang na hindi na nga magkandaugaga sa paggapang sa pagpapaaral sa kanilang mga anak.

    Maganda itong post mo, medyo nakakabitin lang


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Safehouse Infoshop

leaks of an un-boxed mind

densio

Just another WordPress.com site

Picturesque

release the endorphin

Pinay Unlimited

I don't want to be defined.

Likha ng Kamay

Artisans of the Aborlan Arts Program

sibaltan

a peaceful village by the sea ~ east el nido, palawan

Retired? No way!

Discovering my new island home

iskul ob pilosopi

imbitasyon na tayo'y mag-isip..

El Nido Resorts Environment Department

Sustainable Tourism in Action

Mga Sulating Pilipino

...mga larawang isina-titik

kuntra krusada

Laban sa Kultura ng mga Hari

Bagong Pananaw

Ang paglalakbay ni Fransisko Kiamko (Pagtuklas sa Isang Moralidad na Walang Diyos o Relihiyon)

WordPress.com

WordPress.com is the best place for your personal blog or business site.

%d bloggers like this: