Agham

Hulyo 16, 2012

Nagpapalaya sa isipan.

Isang abre-latang

Tumuktuklap sa bumbunang

Tinatawag na katangahan.

Isang kredo sa pagbasa ng galaw ng planeta

At sukatan sa pakikinig ng ritmo ng kanta.

Pampagaling sa pigsa

At solusyon sa ngawit ng panga;

Nakasulat sa pahina ng tradisyon

At naka-ukit sa mga banga ng kasaysayan,

Nakaukit na pangalan sa mga gusaling nagtataasan

Na ginawang silungan ng kultong Homo Sapiens.

Hindi ito tsismis

At lalong hindi libangan.

Hindi pampalipas oras

Ni pantawid grado.

Hindi ito nakukuha sa pagbibilang

At paglalako sa daan.

Hindi ito kahol

Para masungkit ang gantimpalang Nobel.

Hindi rin ito sinsil

Para isulat sa bato ang pangalan.

Hindi ito madyik

Na pinapalakpakan kahit di naiintindihan.

Hindi ito doktrinang

Basta sinasang-ayunan ng mga pahayagan.

Hindo ito patotoo na may Diyos

At lalong hindi ito ebidensiya na walang diyos.

Ito ang teoryang handang tumanggap ng alipusta.

Ito ang eksperimentong dumaan

Sa isang libo’t isang kapalpakan.

Ang tanging hangad nito makita katotohanan

Nang walang bahid ng kalansing ng barya.

At di natatakot magkamali

At matawag na mali.

Dahil ang agham

Ay ilang ulit na pagtutuwid.

At ito’y di imbakan ng karunungan

Kundi pagpapanday ng sarili.

Ito ang agam-agam ni Democritus,

Ang bestfren ni Thales

At ang rayuma ni Darwin.

Ito ang nagpapasarap sa pulutan

Habang kainuman…

…ang isang matanong makata.

At sa bawat katanungan

Isinisilang ang agham.

5 Tugon to “Agham”

  1. tomagulto Says:

    talaga po naman, like na like ko ito, gusto ko uling mainlab lagi sa pagtula SEX SINING AT AGHAM,nakakainspire talaga

  2. Rob Leonardo Says:

    Napakalalim nire. Bigla kong napagtanto ‘agham’pala ang tinutukoy mo. Totoo nga. Sa tuwing may katotohanan na kailangang patunayan- kailangang gumamit ng agham sa halip na patuloy na pag-aagam-agam😉 Namamangha ako sa simple pero napaka-useful na sitema ng eksperimento. Mabuhay!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Safehouse Infoshop

leaks of an un-boxed mind

densio

Just another WordPress.com site

Picturesque

release the endorphin

Pinay Unlimited

I don't want to be defined.

Likha ng Kamay

Artisans of the Aborlan Arts Program

sibaltan

a peaceful village by the sea ~ east el nido, palawan

Retired? No way!

Discovering my new island home

iskul ob pilosopi

imbitasyon na tayo'y mag-isip..

El Nido Resorts Environment Department

Sustainable Tourism in Action

Mga Sulating Pilipino

...mga larawang isina-titik

kuntra krusada

Laban sa Kultura ng mga Hari

Bagong Pananaw

Ang paglalakbay ni Fransisko Kiamko (Pagtuklas sa Isang Moralidad na Walang Diyos o Relihiyon)

WordPress.com

WordPress.com is the best place for your personal blog or business site.

%d bloggers like this: