Pagong Ng Ekonomiya

Nobyembre 9, 2012

Ambilis ng pag-usad na ating ekonomiya. Lumalakas ang piso kontra dolyar at tumataas ang Philippine Stock Exchange Index [PSEi]. Tumataas din ang koleksyon ng buwis kaya maraming proyekto ang naipapatupad. Sa kabila ng mabilis na paglagong ito, mabagal pa rin ang proseso sa pagkuha ng permit at isa ito sa mga dahilan kung bakit alanganin pa ring magbukas dito ng negosyo ang mga mamumuhunan.

Nais nga ni PNoy na paiksiin ito, at marami na rin sa mga pamahalaang lokal ang nakapag-patupad na ng pag-papaiksi ng prosesong ito. Napakagandang programa ngunit ang tanong – isasakripisyo ba natin ang regulasyon patungkol sa kalidad, kaligtasan ng publiko o kapakanan ng kalikasan?

Tatanggalin ba natin ang fire certificate, o ang building permit o kaya’y sanitary permit para lang mapaiksi ang proseso. Ang pinaka-matindi ay ang sitwasyon ng mga negosyo sa loob ng mga protected areas sa Palawan. Dahil ang isang protected  area ay pinamamahalaan ng Protected Area Management Board [PAMB] at lahat ng proyekto o investment ay nangangailan ng pahintulot ng PAMB.

Dahil dito mag-aantay ang mga nais mag-negosyo ng isa hangang 3 buwan para makakuha ng PAMB endorsement. Pagkatapos ay mag-aanatay uli ng isa hangang 3 linggo para naman sa pagsang-ayon ng Sanguniang Bayan [SB]. Pagkatapos nito ay aantay uli sila ng isang buwan uli o mahigit para naman sa endorsement ng Palawan Council for Sustainable Development [PCSD]. Ang PCSD ay nabuo noong ipasa ang Strategic Environmental Plan [SEP] Law at ang PAMB naman ay nakasaad sa National Integrated Protected Areas [NIPAS] Act.

Pagkatapos sa PSCD ay mangangailangan uli ng endorsement mula sa Sangguniang Panlalawigan [SP] bago makakuha ng Environmental Compliance Certificate [ECC] mula sa Department of Environment and Natural Resources [DENR]. Ang lahat ng ito ang daraanan upang sila ay mabibigyan ng Building Permit mula sa munisipyo at ng pinaka-aantay na Mayor’s Permit.

Kung ikaw nga naman ang mamumuhunan, magdadalawang isip ka. Pero ang tanong. Kailangan bang bawasan ang proseso? Papaano naman ang kalikasan? Maapektuhan kaya ito kung aalisin ang ilan sa mga naparaming daanan?

Sa mga nabanggit na mga konseho, karamihan sa mga nakaupo ay mga pulitiko. Nakatulong nga ba sila na mapangalagaan ang kalikasan? Kailangan ba ang lahat ng endorsement at daanin sa botohan? Pwede naman sigurong ilagay ang mga teknikal na tao na magsasabi kung saan ang pwede at di pupuwede ayon sa batas at agham.

Hangga’t hindi nababago ang ganitong pagong na sistema, hindi tayo uusad at hindi tayo makakasiguro ng proteksyon sa kalikasan. At marahil, kailangan dito ang pag-bibigay daan ng mga pulitiko para sa isang pagbabago.

2 Tugon to “Pagong Ng Ekonomiya”


  1. nag-negosyo din kami dati, at resonable naman ang mga permits na kailangang i-secure, ang problema ay nasa paraan ng pagkuha ng mga permit na ito.

    napakaraming opisina ang dapat puntahan ng isang taong nagbabalak magnegosyo para makakuha ng mga permit na ito. at kapag minalas ka pa, kailangan pang maglagay ng bribe sa bawat officer na in-charge sa sine-secure na permit.

    ang dapat sana ay isang opisina na lang ang pupuntahan ng negosyante at internal process ang gagawin ng lokal government para ma-secure lahat ng permit para sa negosyante.

    bawasan dapat ang bureaucracy.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Safehouse Infoshop

leaks of an un-boxed mind

densio

Just another WordPress.com site

Picturesque

release the endorphin

Pinay Unlimited

I don't want to be defined.

Likha ng Kamay

Artisans of the Aborlan Arts Program

sibaltan

a peaceful village by the sea ~ east el nido, palawan

Retired? No way!

Discovering my new island home

iskul ob pilosopi

imbitasyon na tayo'y mag-isip..

El Nido Resorts Environment Department

Sustainable Tourism in Action

Mga Sulating Pilipino

...mga larawang isina-titik

kuntra krusada

Laban sa Kultura ng mga Hari

Bagong Pananaw

Ang paglalakbay ni Fransisko Kiamko (Pagtuklas sa Isang Moralidad na Walang Diyos o Relihiyon)

WordPress.com

WordPress.com is the best place for your personal blog or business site.

%d bloggers like this: