Cultural Mapping
Pebrero 28, 2014
Sa Dewil ko unang sinubukan ang Community-Based Rural Tourism program ng opisina noong 2008. Dito rin ang unang pagkabigo ng nasabing programa. Nawala ang pag-asa kong isulong ang ideya at tumalungko na lamang sa realismo ng buhay.
Ngunit matapos kong magsilbing interpreter sa isang museologist sa Sibaltan, dun ko nakita ang kulang sa proseso: ang cultural mapping. (Syanga pala, ang Dewil at Sibaltan ay mga barangay sa Silangang bahagi ng El Nido, Palawan.)
Ayun, nag-panic na kami sa pag-mamapa ng Dewil. Mapa dito, mapa doon. At sa ginawa naming workshop, dun ko nakita ang dalawang bagay na hindi ko naungkat noong 2008: ang kakaibang ekosistem sa loob ng mga kweba at ang mga ritwal ng babaylan.
Noon kase, ang Tourism Office ang nagsabing ang mga bakawan at isla ng Imorogue ang pangunahing lugar pang-turismo ng Dewil.
Ngayon, ang mga taga-Dewil ang nagsasabing meron silang underground river, underground spring at ritwal ng babaylan na nanganganib nang mamatay.
Ayan natulala ako. Ngayon, baliktad na ang aking paniniwala: sila ang mas nakakaalam sa lugar, ako dapat ay tagapag-padaloy lamang.
Umuwi na ko.. ..at isinulat ang unang yugto ng pangangasiwa ng taga-baryo sa kanilang industriyang turismo.
Marso 3, 2014 bandang 20:04
Your blog has a special place in here