Ebolusyon ng Ekonomiya

Hulyo 8, 2018

Saan nagsimula ang ekonomiya? Nagsimula ang ating mga ninuno sa pangangaso at pagpitas ng mga prutas at halaman sa ilang. Noong nagkaroon sila ng imbak na pagkain, nagkaroon sila ng panahon na mag imbento ng bagong teknolohiya. Nakagawa sila ng sibat, pana at mga batong panghiwa.

Ang imbak na ito ang nagsilbing unang konsepto ng “kapital.” Dahil sa imbak na iyon, nagkaroon sila panahon upang lalong lumakas ang produksyon.

Nang maimbento ang agrikultura, ang pagtatanim at pag-alaga ng hayop, tumaas ang produksyon. Mas lalong tumaas ang antas ng sibilisasyon at nagkaroon na ang tao ng panahong mag-imbento ng pagsusulat at, sa kalaunan, ang paggawa ng sining. Malaki ang naiambag ng arte, pagsusulat at edukasyon sa ekonomiya.

Dahil nabubuo ang pamayanan. At nagsimula na magkalakal ang tao sa pamamagitan ng barter. Naimbento ang konsepto ng “espesyalisasyon ng produksyon.” Ito ay ang pagtuon ng isang tao o grupo sa produksyon ng iisang uri ng produkto. Dito magsimula mabuo ang mga siyudad dahil nagkaroon na rin ng espesyalisasyon sa paggawa tulad ng pagiging karpentero, mason at iskultor.

Upang mas mapadali ang kalakalan, naimbento ang salapi. Nagpatuloy ang ebolusyon ng salapi ng naimbento ang perang papel noong panahon ng dinastiya ng Tang sa Tsina (618-907 A.D.) Ito ay mga papel na nagsasaad na may deposito ka ng ginto sa banko.

Nagpatuloy ang ebolusyon ng pera nang maimbento ang tseke at ngayon ang sumisikat na crypto-currency.

Marami nang pagbabago sa ekonomiya ngunit nananatili pa rin na nakasentro ito kung saan ito nagsimula: ang pagkain.

Advertisements
Safehouse Infoshop

leaks of an un-boxed mind

densio

Just another WordPress.com site

Picturesque

release the endorphin

Pinay

I don't want to be defined

Likha ng Kamay

Artisans of the Aborlan Arts Program

sibaltan

a peaceful village by the sea ~ east el nido, palawan

Retired? No way!

Discovering my new island home

iskul ob pilosopi

imbitasyon na tayo'y mag-isip..

Mga Sulating Pilipino

...mga larawang isina-titik

kuntra krusada

Laban sa Kultura ng mga Hari

Bagong Pananaw

Ang paglalakbay ni Fransisko Kiamko (Pagtuklas sa Isang Moralidad na Hindi Nakabatay sa Tradisyunal na Diyos o Relihiyon)

WordPress.com

WordPress.com is the best place for your personal blog or business site.