Bimboy ang tawag sa akin ng mga malapit na kakilala at kamag-anak. Arvin Acosta ang totoo kong pangalan. Nakatira ako sa El Nido, Palawan at nagta-trabaho dito bilang tourism officer. Isa rin akong scuba diver. Nagtapos ako na cum laude sa kursong pilosopiya, ayon sa tradisyon ni Aristotle, at naging interasado sa pragmatismo at diyalektiks. Nag-aaral ako ng Master in Management Major in Industrial Psychology sa kasalukuyan.

Sa larangan ng pilosopiya, madalas umikot ang repleksyon ko sa pag-iral, lawak, hugis, panahon, at iba pang mga usapin sa larangan ng kosmolohiya, epistemolohiya at metapisika. Naisulat ko ang blog na ito upang ibahagi ang mga repleksyong iyon.

Kasalukuyam akong resident visual artist ng Balay Tubay Bistru asta Galeri. Part-time painter kapag sinisipag. Hindi pa ako nakakabenta ng painting sa buong career ko. Ayaw ko rin kase magbenta dahil ang mga ipinipinta ko ang nagsisilbing tagahilom ng sugat ng aking pagkatao kaya espesyal ang bawat isa sa akin.

Silver medalist ako sa On-the-Spot Poster Making Contest noong High School sa Palawan State University; 1st Placer sa On-the-Spot Painting nung college sa Seminario de San Jose at 3rd Placer [basagnabwan] sa Kalinawa Art Exhibit sa Asturias Hotel, Puerto Princesa City noong 2007. 1st exhibit ko to sa tanang buhay ko. Buti na lang inimbita ako ni Jonathan Benitez. Ang 2nd exhibit ko ay sa Pintura Galeri sa Provincial Capitol ng Palawan noong Baragatan 2007 kasama ang members ng Palawan Visual Arts Guild. Sa ngayon, wala pa rin akong solo exhibit.

Nag-try din ako mag-compose. Sumali sa Liturgical Songwriting Contest sa Immaculate Conception Cathedral sa Puerto Princesa City noong 1995. Naka-1st Place din ang tangi kong entry na “Panginoon Maawa Ka.” Mula noon di na ako naka-compose uli. Naging Editor-In-Chief din ako ng Palawan Major Seminarians’ Newsletter.

Sa ngayon ay sinusubok ko naman ang mundo ng pagsusulat dahil nauso ang blog at facebook.

13 Tugon to “May Akda”

  1. nikko Says:

    wow! cum laude ang galing…😉

    un pa lang ang nabasa ko..😉
    basa ulit mamaya kapag hindi na busy…😀

  2. lovelyn Says:

    Napaka gifted mo talaga, ang suwerte mo namang tao. Kahit pala hindi mo napatuloy ang pagpapari mo, nakuha mo naman siguro ang mga gusto mo sa buhay.

  3. aubu22 Says:

    wow, cumlaude, tapos talentado pa, kainggit naman, hehe


  4. Hi! Pwede po ba makipag link exchange? Ang website ko po ay ito:
    URL: http://www.walakasaloloko.info
    Title: Sikat ang Pinoy – Wala ka sa LOLO ko

    Mangyaring paki-email po ako sa walakasaloloko@gmail.com para mabigyang pansin agad namin ang iyong mabilis na pag aksyon. Maraming Salamat!

    http://www.walakasaloloko.info


  5. Patok ang blog mo ah! Congrats!😀


  6. Mraming salamat sa iyong pagsusuri sa akdang alegorya ng yungib ni Plato. Bilang guro sa Filipino Grade10, nkapagbhagi ito ng dagdag kaalaman sa akin upang maipaliwanag sa aking mga estudyante nang malinaw at maayos ang sanaysay na kung Saan ay hirap unawain ng mga mag-aaral sa kasalukuyan na nahihirati sa makabagong gadget at games online na nkakaapekto sa kanilang pag-aaral.

  7. Alyzza Faye Says:

    Paano po ba bumagal ang oras kapag naglakbay ka sa bilis ng liwanag?

  8. Alyzza Faye Says:

    Paano po ba bumagal ang oras


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Safehouse Infoshop

leaks of an un-boxed mind

densio

Just another WordPress.com site

Picturesque

release the endorphin

Pinay Unlimited

I don't want to be defined.

Likha ng Kamay

Artisans of the Aborlan Arts Program

sibaltan

a peaceful village by the sea ~ east el nido, palawan

Retired? No way!

Discovering my new island home

iskul ob pilosopi

imbitasyon na tayo'y mag-isip..

El Nido Resorts Environment Department

Sustainable Tourism in Action

Mga Sulating Pilipino

...mga larawang isina-titik

kuntra krusada

Laban sa Kultura ng mga Hari

Bagong Pananaw

Ang paglalakbay ni Fransisko Kiamko (Pagtuklas sa Isang Moralidad na Walang Diyos o Relihiyon)

WordPress.com

WordPress.com is the best place for your personal blog or business site.

%d bloggers like this: