2012 In Review

Enero 1, 2013

The WordPress.com stats helper monkeys prepared a 2012 annual report for this blog.

Here’s an excerpt:

4,329 films were submitted to the 2012 Cannes Film Festival. This blog had 50,000 views in 2012. If each view were a film, this blog would power 12 Film Festivals

Click here to see the complete report.

The WordPress.com stats helper monkeys prepared a 2011 annual report for this blog.

Here’s an excerpt:

The concert hall at the Syndey Opera House holds 2,700 people. This blog was viewed about 13,000 times in 2011. If it were a concert at Sydney Opera House, it would take about 5 sold-out performances for that many people to see it.

Click here to see the complete report.

Taym Trabel

Nobyembre 25, 2011

Saan na nga ba tayo dinala ng Theory of Special Relativity ni Einstein? Mukhang ang agham ay napupunta na sa Hollywood style science fiction. Ito ang patok sa mga movies: time travel, wormhole, multiverse at marami pang iba na pawang mula sa mga teorya ni Albert Einstein.

Tungkol sa paglalakbay sa panahon papuntang nakalipas o kaya’y sa hinaharap, sinabi Einstein na kapag nakapaglakbay ang bagay sa bilis ng liwanag, bumabagal ang oras. Aba, kahit wala pang pruweba ay tinanggap ito agad ng maraming mga siyentipiko. At ayon pa kay Einstein, ang uniberso ay maraming dimension, ito ang tinawag niyang ‘multi-verse.’ Maaari daw sa ibang uniberso ay iba ang napangasawa mo o kaya’y sa ibang kumpanya ka nakapagtrabaho. Kaya nga kapag nakapaglakbay ka sa bilis ng liwanag nabubuksan ang ibang dimension ng uniberso at makakapaglakbay ka sa oras.

Sapat na ba ang matematika upang sampalatayanan natin ang kultong itinayo ni Einstein?Tila ito relihiyon na umaasa sa luwalhati na paglalakbay sa oras sa hinaharap. Ang tanong: totoo nga ba ang time travel? Kung sa konsepto ni Einstein ay hindi pa natin malalaman sa ngayon. Tingnan natin sa hinaharap kung makaka-imbento sila. Sa palagay ko’y hindi.

Ngunit ang time travel ay nangyayari na sa ngayon. Ows? Promise, sa pag-usad ng arkeyolohiya, paleontolohiya at forensic science ay nakapaglalakbay na tayo pabalik sa nakalipas. Nailalarawan sa atin ang mundo milyong taon na ang nakalilipas. Nalulutas ang mga krimen dahil sa aplikasyon ng forensic science sa imbestigasyon ng pulisya. Nakapaglalakbay din tayo papuntang hinaharap sa pagka-imbento ng matematikal na pormula ng probability, statistical forecasting at ng computer simulations. Nahuhulaan na natin ang pag-ulan, paglakas ng hangin at direksyon ng bagyo sa pamamagitan ng lente ng mga satellite.

Hindi nga lang pisikal na paglalakbay ngunit ang kaalaman ay naglalakbay sa panahon at ito’y ating napapakinabangan. Siguro panahon na upang itigil na natin ang pagpapantasya na magiging kaganapan ang mga napapanood natin sa mga sine. Hayaan na lang natin na tayo’y maaliw. Pagyamanin natin kung ano ang meron na at paunlarin natin. Kung talagang maiimbento ang time machine, darating din yan. Kung hindi, malamang tama ang hinala ko.

The stats helper monkeys at WordPress.com mulled over how this blog did in 2010, and here’s a high level summary of its overall blog health:

Healthy blog!

The Blog-Health-o-Meter™ reads Wow.

Crunchy numbers

Featured image

The average container ship can carry about 4,500 containers. This blog was viewed about 14,000 times in 2010. If each view were a shipping container, your blog would have filled about 3 fully loaded ships.

In 2010, there were 31 new posts, growing the total archive of this blog to 76 posts. There were 40 pictures uploaded, taking up a total of 33mb. That’s about 3 pictures per month.

The busiest day of the year was June 17th with 234 views. The most popular post that day was Ebolusyon Ng Wika.

Where did they come from?

The top referring sites in 2010 were search.conduit.com, tl.wordpress.com, facebook.com, google.com.ph, and networkedblogs.com.

Some visitors came searching, mostly for ebolusyon ng wika, pangangatwiran, anaximander, imahinasyon, and institusyon.

Attractions in 2010

These are the posts and pages that got the most views in 2010.

1

Ebolusyon Ng Wika December 2009
9 comments and 1 Like on WordPress.com,

2

Kahulugan July 2009
1 comment

3

Pilosopiya July 2009

4

Imahinasyon September 2009
6 comments

5

Bangang Naghihikab October 2009

Sa Pag-Usad Ng Tuldok

Marso 12, 2010

Matiyaga kong binabasa ang lumang aklat ng matematika nang mapatitig ako ako sa tuldok. Naglaro sa isip ko ang pagtatalo ng dalawang propesor sa natura nito. Ito ba ay umiiral o isa lamang simbolong matematikal? Ano ang kahalagahan nito sa usapin ng pluralismo, relativity at ekstensyon?

Naisip ko, wala naman talagang tuldok. Ito ay sana isip lamang. Dahil kung ima-magnify mo ang isang mukhang tuldok, hindi na sya tuldok. Ngunit ano nga ba ito? Hmmn…   …pag-iral sa isipan? Sabagay. Napakalaking tulong nito sa pagtumbok ng tamang lugar at direksyon. At saka ayon sa kanta ng Asin, ito ay relative, dahil maging ang higanteng araw ay tuldok lamang kung ikumpara sa malawak na uniberso. Naisip ko rin na ang tuldok na itinuring ng aking mata ay isang dambuhalang may hugis kapag tinutukan ng microscope.

Malamig sa loob ng aklatan at ako’y nag-iisa. Sapat na ito upang ako’y manatili doon upang pagnilayan ang natitira kong katanungan. Sa tuldok ba ay may nakapaloob na pluralismo ng mga bagay? Nagtataglay pa ba ito ng ekstensyon? Tila ayaw kong tantanan ang katanungang ito. Hindi ko na nararamdaman ang gutom at pag-iisa. Tila nabilanggo na ako ng aking sariling mga katanungan.

Habang nakatitig sa kwadrant na nakaguhit sa libro, napagmuni-muni kong marahil ay nagbabadya ito ng kaisahan ng pag-iral, isang simbolo rasyunal ng eksistensiya. At bigla, naputol ang aking trance nang mapansin kong gumalaw ang tuldok sa kwadrant. Nahintakutan ako nang makitang umuusad sya papunta sa Y-axis. Sinaniban na ba ito ng ispiritu ni Socrates upang ituro sa akin ang misteryo ng hugis matematikal? Nagsimula akong pagpawisan sa loob ng isang malamig na silid-aklatan.

Sa kabila ng kilabot na nararamdaman, bigla kong nahagilap ang isang magnifying glass. At doon ko napagtanto na ang umuusad na tuldok ay isa palang kuto…    …na nalaglag sa libro habang nagkakamot ako ng ulo. At dahil sa pangyayaring ito, nadagdagan na naman ang aking mga katanungan…   …ano ang maaaring maging kahulugan ng paggalaw ng kuto este tuldok sa usapin ng inertia?

Nakalabas na ako ng silid-aklatan, ngunit nagugulumihanan pa rin ako. Hindi ito tungkol sa misteryo ng inertia…  …kundi kung ano ang ipapalit ko sa kasalukuyang brand ko ng shampoo.

Tuldok?

Setyembre 18, 2009

Itinakda sa batas ng matematika na ang tuldok ay magsasaad ng partikular na lugar sa kwadrant. Ito rin ang tumutukoy sa pokus ng ellipse at parabola. Dito rin nababali ang anggulo ng tatsulok at parisukat. Nakapaloob sya sa linya na nakatuon sa kawalang hanggan sa pagsasaad ng direksyon.

[Bahagi ng tulang “Tuldok”]
Isang rasyunal na pag-iral sa kaisipan,
Walang sukat,
Walang hangganan, tukoy na lugar o direksyon.
Isang ekspresyong matematikal
At isang konseptong pilosopikal.

Sa iyo nababatay ang kawalang hanggan ng linya
At ang anyo ng polygon.
At ikaw din ang hudyat sa kanilang pagsasalubong.

Walang hanggan mong pinupuno ang ikalawa at ikatlong dimensyon.
Itinatakda mo ang paghihiwalay ng lawak at hangganan.
Ikaw ang nagtatakda ng simula at paghinto
At ang hudyat sa pagsilang at pagtigil ng mundo.

Maraming hugis matematikal. Idagdag pa natin ang kubiko, sphere at cylinder na nasa ikatlong dimensyon. Malaki ang naitutulong nito sa agham dahil ang mga ito ang batayan ng disenyo ng mga makina, direksyon ng paglalakbay at prediksyon ng paggalaw. At ang mga hugis na ito ay binubuo ng walang hanggang bilang ng tuldok. Ngunit umiiral ba ang tuldok? Ang opinion ko ay hindi. Ito ay nasa isip lamang. Lahat ng hugis matematikal, kabilang ang tuldok, ay mga konseptong naglalahad ng daloy at katangian ng mga umiiral. Ang tuldok ng lapis ay hindi totoong tuldok dahil kung susuriin mo sa mikroskopo binubuo pa rin sya ng bahagi.

“Ngunit nasaan ka nga ba?
Inapuhap kita sa mga maliliit na bagay.
Ngunit sila’y nanatiling mga simbolo ng iyong kawalang hanggan.
Gumamit ako ng mikrosokopo at ikaw ay sinilip
Ngunit sa mundo ng mikrobyo’y di naaninag ang iyong hugis.”

Photo by Pamela Gabuco

Photo by Pamela Gabuco

Kung medyo duda ka ay sumilip ka rin sa mikroskopo. Ngunit higit sa iyong makikita sa mundo ng mikrobyo ay ang pagninilay na ang tuldok ay nasa lebel ng katwiran at hindi sa pagmemeron. Isa syang pananda o simbolo na tumutulong sa ating maunawaan ang relasyon ng mga bagay-bagay tulad ng layo, direksyon at hugis.

Wala rin ang tuldok sa imateryal na pagmemeron. Dahil wala syang puwang sa pagiging payak ng prinsipyo, hugis at kaluluwa. Dahil ang mga ito ay di maaring hatiin at buuin ng tuldok.

Gayunpaman, napakahalaga ng tuldok. Nang dahil sa kanya ay nabuo ang mga makina, sasakyan at kompyuter. Sya rin ang tumutulong sa nabigasyon. At marami na ring imbenyon ang nailuwal sa pamamagitan niya. Ang nais ko lang tukuyin ay ang hindi nya pag-iral, bagaman abstakto natin syang naiisip.

Bat ba masyado kong pinag-iinitan ang tuldok? Ganito kase un. Dahil sa tuldok, umibig ako sa isang gurl, pag-ibig na nauwi sa wala…  …tulad ng tuldok…   …wala…    …hindi totoo ang pag-iral.

Parabola

Setyembre 16, 2009

Kabilang sa conic sections ang parabola. Kasama nya ang bilog, ellipse, at hyperbola. Kapag itaga mo ang isang patag sa cone ay mabubuo ang mga nabanggit na mga hugis.

conic

Maraming pakinabang ang parabola. Nagagamit ito sa paggawa ng flashlight at antenna. Ang reflector ng flashlight ay hugis parabola upang ang lahat ng sinag na magmumula sa bumbilya [focus ng parabola] ay ire-reflect papunta sa iisang direksyon, kung saan nakatuon ang flashlight. Ang resulta, mas maliwanag dahil ipon ang sinag sa iisang patutunguhan.

Sa kaso naman ng parabolic antenna, ang lahat ng mga alon na ibinabato ng satelite ay naiipon sa iisang focus kapag tumama sa reflector. Ang resulta, mas malakas ang signal dahil naiipon sa iisang receiver.

Marami pang gamit ang parabola tulad ng pag-ipon ng tunog upang marinig ang pag-uusap kahit malayo at ang pagluluto sa pamamagitan ng sinag ng araw. At sa tingin ko ay marami pang imbensyon ang magagawa sa pamamagitan nito.

Nawa’y maging mahilig ang ating kabataang pinoy sa matematika at agham upang mapakinabangan naman ang kanilang malikot na imahinasyon. Marami na ang mga Pinoy na nanalo sa mga kompetisyon ng imbensyon sa ibang bansa at alam kong marami pang susunod. Nasa pagsisikap, pagmamahal sa agham at paniniwala na kaya mo ito ang susi ng tagumpay. Ngunit kung di talaga kaya ng powers mo, ‘wag mo nang pilitin. Mag-cheer ka na lang tulad ko. Ipagluto mo na lang ng masarap na ulam ang mga henyo…    …gamit ang parabolang kalan.

Safehouse Infoshop

leaks of an un-boxed mind

densio

Just another WordPress.com site

Picturesque

release the endorphin

Pinay

I don't want to be defined.

Likha ng Kamay

Artisans of the Aborlan Arts Program

sibaltan

a peaceful village by the sea ~ east el nido, palawan

Retired? No way!

Discovering my new island home

iskul ob pilosopi

imbitasyon na tayo'y mag-isip..

Mga Sulating Pilipino

...mga larawang isina-titik

kuntra krusada

Laban sa Kultura ng mga Hari

Bagong Pananaw

Ang paglalakbay ni Fransisko Kiamko (Pagtuklas sa Isang Moralidad na Hindi Nakabatay sa Tradisyunal na Diyos o Relihiyon)

WordPress.com

WordPress.com is the best place for your personal blog or business site.