Nakaguhit Sa Kukote

Hunyo 26, 2013

20130626-222800.jpg
Nakasulat ang batas,
Hindi nasusulat ang batas,
Tamad isulat ang batas,
Ayaw isulat ang batas…

Pudpod na lapis ko,
Bat ayaw sumunod sa batas
Ang tipak na bato.
Ayaw n’yang sumang-ayon
Sa inog ng karamihan.

Balang araw,
Uusad ang lapis,
Hindi upang isulat ang batas,
Kundi upang buksan ang isip.

Hindi pala ako ang may akda ng batas.
May sariling guhit ang kosmos.

At sisimulan ko na ang pag-aantay,
Sa lenguwaheng namumutawi
Sa pag-inog ng mga planeta.

At sa mga katagang
Hindi n’ya masabi
Nang hindi nakainom.

Advertisements

Higgs Found, Then What?

Hulyo 15, 2012

The $10 billion Large Hadron Collider [LHC] finally found a Higgs-like boson. They are still not sure if its the Higgs boson or not. However, they said that it is a boson and there is a discovery of a new particle. But does it qualify as the very particle where every matter originated? Does it really provide the hint why matter has mass?

In my opinion, LHC particle physicists are heading at the wrong direction. The Higgs boson theory is a misconception. They concluded that the the prime particle is sub-atomic. What if it’s way beyond sub-atomic? What if it too small for us to see it at present? Physicists always insist the matter vs. anti-matter theory.

Lets take a look at black holes. They could provide us the answers why matter has mass. Matter inside them is so unstable,  which means the amount of pressure is so high but the amount of gravity is enough to hold back pressure from pushing unstable matter to disintegration. Black holes [unstable matter] compared to rocks [stable matter] might give us a hint on how gravity works. It could be unstable matter vs. stable matter. That means, super-compressed matter has the amount of gravity inversely proportional to its enormous pressure.

Once unstable matter reaches breaking point, it explodes and gives birth to a star. Debris will become stable matter and loses gravitational pull. Some debris retain some unstable matter inside but coated by stable materials it attracts through the remaining gravitational pull capacity, thus, planets were born. The normal star still has a little unstable matter inside its core so when it reaches another breaking point it explodes, so we have nova, then supernova. The last stage is when it turns into a smaller black hole.

Recent discovery of a giant black hole at the center of a galaxy made scientists to think again about the present understanding of the life cycle of stars. More than that, we should also ask: “Does it hold the key to discovering gravity and the cause of our existence?

Relativity Ba Kita?

Hunyo 21, 2012

Ano nga ba ang relativity? Ito ‘yung kapag tumangkad ka ay magmumukha akong pandak at kapag yumaman ka ay nagiging pulubi ako sa paningin ng iba. Ito ‘yung kapag tumaba ka ay nagmumukha akong kalansay at kapag nagpaganda ka ay nagmumukha akong halimaw.

Kaya nga gusto ko munang magpaka-layo-layo. Gusto ko munang mapag-isa. Ayaw ko nang tumabi sa iyo. Hindi dahil sa mabaho ka o kaya’y insecure ako kundi dahil sa lintek na relatibiti na ‘yan.

At ang lalong ikinatatakot ay baka di na ako mag-mukhang tao kapag lagi kitang katabi.

Walang Hanggang Paghahanap

Disyembre 18, 2011

Sa simula’t sapul ay di na ako sang-ayon dito sa proyektong ginagawa sa Large Hadron Collider [LHC]. At kamakailan lamang ay umamin nga sila na mahihirapan silang matuklasan ang Higgs boson na tinatawag nila. Ngunit biglang-bigla ay nag-pa-iskedyul ng press release ang pamunuan ng LHC. Nagpalabas ng nakaka-excite na “rumors” tungkol sa kanilang natuklasan. At noong nakaraang Martes, Disyembre 13, 2011, inabangan ko sa twitter ang detalye ng pangyayari sa nasabing forum.

Dumugo ilong ko sa mga terminong ginamit ng particle physicists ngunit walang Higgs na nailabas, panay lamang ulan ng papuri at libreng pananghalian. “Maari” daw nasulyapan na ang Higgs ngunit di pa rin tiyak kung natuklasan na ito. Gayumpaman ay nangako ang mga siyentipiko na maaaring matagpuan na rin sa wakas ang Higgs sa susunod na taon.

Mukhang gigil ang mga siyentipiko na makita ang Higgs. Oo nga naman, kung mahigit anim [6] na bilyong dolyar na ang nagagastos ng proyekto at wala kang mailabas na resulta ay nakakahiya. Maaari namang nais nila ng karagdagang pondo kaya nagpahayag silang maaaring “nasulyapan” na ang Higgs at makikita na ito sa taong 2012.

Ang tanong bakit nagmamadali ang mga siyentipiko na makita ang Higgs? Hindi ba’t may mas mahalagang isyu na dapat nilang harapin at pondohan ng bilyun bilyong halaga – ang paghahanda ng tao sa kagutumang naka-amba, ang mga di-karaniwang mga kalamidad at pagkaubos ng tubig sa ilang bahagi ng mundo dahil sa pagbabago ng klima [climate change]?

Gayunmapan, ipagpatuloy man nila ang proyektong ito, sa tingin ko ay di nila makikita ang Higgs dahil mali ang kanilang perspektibo at mali ang makinaryang kanilang ginamit. At sa pananaw ko’y wala pa tayong kakayanang sulyapan ito. At baka di na nga natin makita. At dapat ay hindi Higgs ang pangalan ng unang materya dahil mali din naman ang pananaw ni Peter Higgs tungkol dito. Hehe, yun ay ang aking pananaw – mali ang kanyang teorya.

Taym Trabel

Nobyembre 25, 2011

Saan na nga ba tayo dinala ng Theory of Special Relativity ni Einstein? Mukhang ang agham ay napupunta na sa Hollywood style science fiction. Ito ang patok sa mga movies: time travel, wormhole, multiverse at marami pang iba na pawang mula sa mga teorya ni Albert Einstein.

Tungkol sa paglalakbay sa panahon papuntang nakalipas o kaya’y sa hinaharap, sinabi Einstein na kapag nakapaglakbay ang bagay sa bilis ng liwanag, bumabagal ang oras. Aba, kahit wala pang pruweba ay tinanggap ito agad ng maraming mga siyentipiko. At ayon pa kay Einstein, ang uniberso ay maraming dimension, ito ang tinawag niyang ‘multi-verse.’ Maaari daw sa ibang uniberso ay iba ang napangasawa mo o kaya’y sa ibang kumpanya ka nakapagtrabaho. Kaya nga kapag nakapaglakbay ka sa bilis ng liwanag nabubuksan ang ibang dimension ng uniberso at makakapaglakbay ka sa oras.

Sapat na ba ang matematika upang sampalatayanan natin ang kultong itinayo ni Einstein?Tila ito relihiyon na umaasa sa luwalhati na paglalakbay sa oras sa hinaharap. Ang tanong: totoo nga ba ang time travel? Kung sa konsepto ni Einstein ay hindi pa natin malalaman sa ngayon. Tingnan natin sa hinaharap kung makaka-imbento sila. Sa palagay ko’y hindi.

Ngunit ang time travel ay nangyayari na sa ngayon. Ows? Promise, sa pag-usad ng arkeyolohiya, paleontolohiya at forensic science ay nakapaglalakbay na tayo pabalik sa nakalipas. Nailalarawan sa atin ang mundo milyong taon na ang nakalilipas. Nalulutas ang mga krimen dahil sa aplikasyon ng forensic science sa imbestigasyon ng pulisya. Nakapaglalakbay din tayo papuntang hinaharap sa pagka-imbento ng matematikal na pormula ng probability, statistical forecasting at ng computer simulations. Nahuhulaan na natin ang pag-ulan, paglakas ng hangin at direksyon ng bagyo sa pamamagitan ng lente ng mga satellite.

Hindi nga lang pisikal na paglalakbay ngunit ang kaalaman ay naglalakbay sa panahon at ito’y ating napapakinabangan. Siguro panahon na upang itigil na natin ang pagpapantasya na magiging kaganapan ang mga napapanood natin sa mga sine. Hayaan na lang natin na tayo’y maaliw. Pagyamanin natin kung ano ang meron na at paunlarin natin. Kung talagang maiimbento ang time machine, darating din yan. Kung hindi, malamang tama ang hinala ko.

Walang Speed Limit

Setyembre 25, 2011

Sa aking sinulat noong Disyembre 23, 2009, ipinahayag ko ang di pag-ang-ayon sa Theory of Special relativity ni Albert Einstein. Ipinahayag ko rin doon na walang time dilation. Kamakailan lamang ay lumabas ang balita na mali ang isang aspeto ng Theory of Relativity ni Einstein – ang speed limit sa uniberso. Natuklasang ang mga Nutrino, mga particle na mas maliit pa sa atom, ay naglalakbay lampas sa bilis ng liwanag.

Ayon kase sa teorya ni Einstein walang lalampas pa sa bilis ng liwanag. Ito ay dahil na-obserbahan nya na ang liwanag na nagmumula sa rumaragasang bituin ay di nagbabago ang bilis. Ang hindi alam ni Einstein, hindi dependent ang liwanag sa bagay na pinagmulan upang tumulak sa ganoong bilis.

Nakakalungkot, basta na lamang tinanggap ng mga siyentipiko ang teorya ni Einstein. Kahit naman hindi siyentipiko, dapat kritikal tayong mag-isip. Hindi porke’t popular ang tao ay tatangapin na lamang kanyang kaisipan nang walang pagsusuri.

Nagmamadali

Setyembre 16, 2011

Sinabi ko sa aking sinulat noon tungkol sa proyektong Large Hadron Collider [LHC-CERN] na imposibleng makita nila ang Higgs boson o ang unang particle na pinagmulan ng uniberso. Ayon na ulat medyo lumalabo na nga ang tsansa na matuklasan ito. At ang masama nito nagdududa na ang mga siyentipiko kung ito nga talaga ay umiiral o umiral. Masyado namang nagmamadali ang ating mga siyentipiko. Hindi naman porke’t di nila natagpuan sa ngayon ay hindi na ito umiiral.

Baka naman ang inaakala nila, ang particle na ito ay kasinlaki lamang ng pinakamaliit na particle na nadiskubre sa kasalukuyan. Baka naman mas maliit pa ng ilang beses. Baka hindi pa sapat ang instrumentong naimbento sa ngayon upang masdan ito. Bakit din nila tingnan ang anggulo ng presyur, grabiti at friction sa halip na pagsalpukin lamang ang mga particle.

Masyadong nagmamadali ang mga alagad ng agham…    …at masyado rin nilang ginawang parang Hollywood Sci-Fi ang Siyensya.

Safehouse Infoshop

leaks of an un-boxed mind

densio

Just another WordPress.com site

Picturesque

release the endorphin

Pinay

I don't want to be defined.

Likha ng Kamay

Artisans of the Aborlan Arts Program

sibaltan

a peaceful village by the sea ~ east el nido, palawan

Retired? No way!

Discovering my new island home

iskul ob pilosopi

imbitasyon na tayo'y mag-isip..

Mga Sulating Pilipino

...mga larawang isina-titik

kuntra krusada

Laban sa Kultura ng mga Hari

Bagong Pananaw

Ang paglalakbay ni Fransisko Kiamko (Pagtuklas sa Isang Moralidad na Hindi Nakabatay sa Tradisyunal na Diyos o Relihiyon)

WordPress.com

WordPress.com is the best place for your personal blog or business site.