Tungkol Sa Hinaharap

Hulyo 13, 2013

Naglalakad ako sa dalampasigan ng Santa Fe. nang makita ko si Karunungan, nakamasid sa paglubog ng araw sa kanluran. Matanda na si Karunungan. Kulubot na ang kanyang mukha at ang kanyang puting balbas ay bahagyang hinihipan ng hanging mula sa karagatan.

Lakas-loob akong natanong, ‘Kung malalaman ko po ang mangyayari sa hinaharap, Hindi na ba ako magiging malaya?’ Hindi umimik si Karunungan. ‘Halimbawa,’ dugtong ko, ‘Alam kong makukulong ako kapag ninakawan ko ang tindahan ni Mang Igme. Hindi ko na gagawin ‘yun dahil alam ko na ang mangyayari. Nasaan ang kalayaan doon?’

Hindi pa rin umiimik si Karunungan. Napabuntong hininga na lamang ako habang dinudukot ang Cloud 9 sa bulsa ng aking polo. ‘Kulang ako sa insulin,’ biglang nagsalita sa Karunungan, ‘Hindi gagana utak ko pag walang matamis.’ Agad kong iniabot ang isang Cloud 9.

‘Hindi ang kaalaman ng magaganap sa hinaharap ang magiging dahilan ng pagkawala ng iyong kalayaan, kundi ang iyong pagkagahaman, libog at iba pang masamang hanging nalunok mo habang ika’y lumalaki,’ ani Karunungan habang nginunguya ang tsokolate.

Umuwi ako sa bahay na tulala…

Alegorya Ng Kuweba

Setyembre 23, 2012

Ayon kay Plato, tayo ay tulad ng isang tao na nasa loob ng kuweba, naka-tanikala at nakaharap sa dingding ng yungib. May apoy sa ating likuran at ang tanging nakikita natin ay mga anino ng mga bagay sa labas ng kuweba. At dahil dito, kakailanganin nating humulagpos sa tanikala at lumabas ng kuweba upang makita ang katotohanan tungkol sa mga bagay.

Ang larawang ito ang buod ng rasyunalismo ni Plato at ito ay tinaguriang “Alegorya ng Kuweba.” Ayon kay Plato, ang mga imahe ng mga bagay na ating nakikita sa mundo ay pawang mga anino lamang ng katotohanan. Ang tunay na pag-iral ay nasa ‘Mundo ng mga Ideya.’ Ang mga konsepto ng bagay ay naroroon na sa isipan na natin mula  kapanganakan. Kakailanganin lamang nating gamitin ang ating pangangatwiran upang sila’y matuklasan.

Taliwas naman ang turo ni Aristotle, na kanyang naging estudyante. Ayon kay Aristotle, ang katotohanan ay ang karanasan sa pamamagitan ng ating mga mata, tenga, pandamdam, pang-amoy at panlasa. Ang mga ideya ay wala pa sa ating isip noong tayo’y ipinanganak, taliwas sa turo ng guro niyang si Plato. Ang isip ng tao ay tinagurian ni Aristotle na ‘Tabula Rasa’ na ang ibig sabihin ay blankong tableta. At bawat karanasan sa pamamagitan ng ating senses ay isinusulat sa nasabing tableta. Ang kaisipang ito ay tinawag na empirisismo.

Sa paglipas ng mga taon, mas pinanigan ng mga pilosopo at mga siyentipiko ang empirisismo. Kahit ako ay palo sa kaisipan ni Aristotle. Ngunit napag-isip-isip ko, bagama’t mali si Plato, may binuksan siyang pinto sa pagtahak sa mundo ng rasyunalismo – ang pagtingin lampas sa realidad na ating nakikita.

Sa tingin ko’y may punto pareho ang dalawang paham. Sa aking pananaw, sa aninong tinuran ni Plato, hindi ibig sabihi’y hindi katotohanan ang ating nakikita kundi may katotohanang mas makapag-papalaya na hindi makikita sa hugis. Hindi ba’t ang batong ating nakikita ay binubuo ng mga ‘atomos’ na iminungkahi ng dakilang si Democritus? Hindi ba’t ang materya ay patuloy na mahiwaga sa atin? Misteryo pa rin ang pinagmumulan ng grabiti at ang particle na mas maliit sa quark ay di pa rin natutuklasan. Kung titigil tayo sa mga bagay na ating nakikita lamang, wala nang pag-unlad sa ating agham.

Sa ganang akin, ang hugis ng mga bagay na ating nakikita ay hugis ng kanilang gamit at ito’y buod ng relatibiti, ng ebolusyon ng pakikisalamuha sa iba pang materya. Alam kong mali ang konsepto ni Plato sa kanyang rasyunalismo ngunit gusto kong sundan ang kanyang lohika – ang pagtuklas sa mas malawak at makapagpapalayang na realidad.

Walang Hanggang Paghahanap

Disyembre 18, 2011

Sa simula’t sapul ay di na ako sang-ayon dito sa proyektong ginagawa sa Large Hadron Collider [LHC]. At kamakailan lamang ay umamin nga sila na mahihirapan silang matuklasan ang Higgs boson na tinatawag nila. Ngunit biglang-bigla ay nag-pa-iskedyul ng press release ang pamunuan ng LHC. Nagpalabas ng nakaka-excite na “rumors” tungkol sa kanilang natuklasan. At noong nakaraang Martes, Disyembre 13, 2011, inabangan ko sa twitter ang detalye ng pangyayari sa nasabing forum.

Dumugo ilong ko sa mga terminong ginamit ng particle physicists ngunit walang Higgs na nailabas, panay lamang ulan ng papuri at libreng pananghalian. “Maari” daw nasulyapan na ang Higgs ngunit di pa rin tiyak kung natuklasan na ito. Gayumpaman ay nangako ang mga siyentipiko na maaaring matagpuan na rin sa wakas ang Higgs sa susunod na taon.

Mukhang gigil ang mga siyentipiko na makita ang Higgs. Oo nga naman, kung mahigit anim [6] na bilyong dolyar na ang nagagastos ng proyekto at wala kang mailabas na resulta ay nakakahiya. Maaari namang nais nila ng karagdagang pondo kaya nagpahayag silang maaaring “nasulyapan” na ang Higgs at makikita na ito sa taong 2012.

Ang tanong bakit nagmamadali ang mga siyentipiko na makita ang Higgs? Hindi ba’t may mas mahalagang isyu na dapat nilang harapin at pondohan ng bilyun bilyong halaga – ang paghahanda ng tao sa kagutumang naka-amba, ang mga di-karaniwang mga kalamidad at pagkaubos ng tubig sa ilang bahagi ng mundo dahil sa pagbabago ng klima [climate change]?

Gayunmapan, ipagpatuloy man nila ang proyektong ito, sa tingin ko ay di nila makikita ang Higgs dahil mali ang kanilang perspektibo at mali ang makinaryang kanilang ginamit. At sa pananaw ko’y wala pa tayong kakayanang sulyapan ito. At baka di na nga natin makita. At dapat ay hindi Higgs ang pangalan ng unang materya dahil mali din naman ang pananaw ni Peter Higgs tungkol dito. Hehe, yun ay ang aking pananaw – mali ang kanyang teorya.

Tungkol Sa Taym Uli

Disyembre 11, 2011

Sa ngayon ayaw ko munang tantanan ang taym o oras o panahon. Marami pa rin akong katanungan. Gaano nga ba katagal ang hibla na naghihiwalay sa nakalipas at kasalukuyan? 8 nanoseconds? 1 nanosecond? O baka hindi pa naimbento ang relo upang sukatin ito? Ang tanong – may paghihiwalay nga ba? Meron bang transisyong nagaganap? Baka naman ang mga kaganapan sa uniberso ay bahagi lamang ng kabuuang dikta ang kalikasan na lahat ay dapat gumalaw.

Maaring ang paggalaw ang umiiral sa walang hanggang ngayon. At lahat ng kaganapan at eksistensiya ay nangyayari sa ngayon, hindi sa nakaraan o sa hinaharap. Ang nakaraan ay guhit lamang sa ating kaisipan na ang paggalaw ay nangyari sa ganitong direksyon. Ngunit ang nakaraang ito ay minsang nangyari sa isang “ngayon” na naging noon sa kasalukuyan. Samakatwid, umiral siya, ngunit sa paglipas ng panahon ang pangyayaring ito ba natunaw na lamang? Naglaho ba ang kanyang eksistensiya at sumibol ang bagong kaganapan sa pamamagitan ng pagbabago at paggalaw?

Noon [natunaw, naglaho, ngunit nanatili sa isipan] > Kasalukuyan [umiiral ngunit matutunaw mamaya] > Hinaharap [nasa isipan pa lang, ngunit iiral maya-maya]

Sekwensiya, pagkakasunod-sunod ng pangyayari, walang hanggang pagbabago – mga misteryong madaling bigkasin, madaling maunawaan ngunit nagpapadugo sa ilong kapag kinilatis. Maya-maya lang ay dadalhin na ako sa ospital sa salang pagdugo ng ilong. At sa ilang saglit ay maglalaho na ang dating ako na normal, malusog at payapa. Gayunpaman, malinaw pa rin sa isip ko…  …hindi maaaring magsanib ang nakalipas sa kasalukuyan sa iisang pag-iral.

Taym Trabel

Nobyembre 25, 2011

Saan na nga ba tayo dinala ng Theory of Special Relativity ni Einstein? Mukhang ang agham ay napupunta na sa Hollywood style science fiction. Ito ang patok sa mga movies: time travel, wormhole, multiverse at marami pang iba na pawang mula sa mga teorya ni Albert Einstein.

Tungkol sa paglalakbay sa panahon papuntang nakalipas o kaya’y sa hinaharap, sinabi Einstein na kapag nakapaglakbay ang bagay sa bilis ng liwanag, bumabagal ang oras. Aba, kahit wala pang pruweba ay tinanggap ito agad ng maraming mga siyentipiko. At ayon pa kay Einstein, ang uniberso ay maraming dimension, ito ang tinawag niyang ‘multi-verse.’ Maaari daw sa ibang uniberso ay iba ang napangasawa mo o kaya’y sa ibang kumpanya ka nakapagtrabaho. Kaya nga kapag nakapaglakbay ka sa bilis ng liwanag nabubuksan ang ibang dimension ng uniberso at makakapaglakbay ka sa oras.

Sapat na ba ang matematika upang sampalatayanan natin ang kultong itinayo ni Einstein?Tila ito relihiyon na umaasa sa luwalhati na paglalakbay sa oras sa hinaharap. Ang tanong: totoo nga ba ang time travel? Kung sa konsepto ni Einstein ay hindi pa natin malalaman sa ngayon. Tingnan natin sa hinaharap kung makaka-imbento sila. Sa palagay ko’y hindi.

Ngunit ang time travel ay nangyayari na sa ngayon. Ows? Promise, sa pag-usad ng arkeyolohiya, paleontolohiya at forensic science ay nakapaglalakbay na tayo pabalik sa nakalipas. Nailalarawan sa atin ang mundo milyong taon na ang nakalilipas. Nalulutas ang mga krimen dahil sa aplikasyon ng forensic science sa imbestigasyon ng pulisya. Nakapaglalakbay din tayo papuntang hinaharap sa pagka-imbento ng matematikal na pormula ng probability, statistical forecasting at ng computer simulations. Nahuhulaan na natin ang pag-ulan, paglakas ng hangin at direksyon ng bagyo sa pamamagitan ng lente ng mga satellite.

Hindi nga lang pisikal na paglalakbay ngunit ang kaalaman ay naglalakbay sa panahon at ito’y ating napapakinabangan. Siguro panahon na upang itigil na natin ang pagpapantasya na magiging kaganapan ang mga napapanood natin sa mga sine. Hayaan na lang natin na tayo’y maaliw. Pagyamanin natin kung ano ang meron na at paunlarin natin. Kung talagang maiimbento ang time machine, darating din yan. Kung hindi, malamang tama ang hinala ko.

Harmony Of Opposites

Pebrero 5, 2011

Photo by TJ Gallardo

The universe is governed by two opposites: gravitation and pressure. Extreme pressures that exist inside the cores of all heavenly objects such as stars, planets and quasars might tell us many things about the source of gravitation. And the gravity they produce keeps bodies from exploding for a certain period of time. But bodies do not remain intact for eternity, that’s why there are supernovas. The cores of planets and stars might be small black holes coated by “stable matter,” the matter as we see, with normal pressure and nuclear compositions. Or maybe sometimes they are broken into smaller black holes and later become planets as they attract more sable matters floating in space.

Particles, smaller than quarks, are so dense inside the cores, maybe hundreds of thousand pounds per square inch, that they emit gravitational field several miles from the core. They are not pressurized by any outside force, they are in the original state of matter. During supernovas, matters that are thrown away from the core lose pressure and thus lose gravitation to the point that they can only pull their own electrons around them and become stable matters.

Gravitation and relativity are greater than we imagine. All movements in the universe are curved. All objects, that are supposed to go in straight line because of inertia, are moving in curved lines because of gravity. Our solar system is just a gravitational cluster that is affected by a greater gravitational center, its galaxy’s core. Even galaxies are affected by a greater gravity somewhere, perhaps from the cosmic egg.

It’s just an opinion…

Bangag Na Literatura

Enero 4, 2011

Piktyur Ni TJ Gallardo

Nagsusulat ako gamit ang isang lumang makinilya. Tanging liwanag ng munting lampara ang nagbibigay sa akin ng init sa madilim na silid na yaon. Nagkalat ang mga  kusot na papel sa sahig at naglalaro ang mga daga sa aking paanan. Naglulutangan sa hangin ang mga hugis na likha ng aking imahinasyon. Lumagatak ang makinilya, tumagal ng ilang oras. Lawit na aking dila, ngawit na ang aking mga daliri at bangag na rin ang aking utak kaya minabuti kong uminom ng kape.

Upang maibsan ang ngawit sa aking mga paa, tumayo ako, pumihit at lumakad. Natisod ako sa isa sa mga ideyang naglutangan sa hangin. Lumagabog ako sa sahig. Hindi ko ramdam ang sakit. Mangha ang pumanhik-panaog sa aking kamalayan. Naging materya ang hugis. Kagila-gilalas ngunit totoong ramdam ko ang pintig ng hugis na yumayanig sa buo kong pagkatao, makinis, mapakla, masamyo.

Dali-dali akong bumalik sa makinilya. Nang mahawi ang usok, laptop na ang tumambad sa aking harapan. Dahan-dahan akong lumapit at naupo. Wala na ang mga hugis na naglulutangan sa ere. Wala na ang usok. Wala na ang pangamba. Payapang na aking sarili nang lumapat ang puwet ko sa upuan. Isang di maipaliwanag na sakit ang gumihit sa aking kalamnan. Bakit nagkaroon bigla ng thumbtacks sa upuan?

Safehouse Infoshop

leaks of an un-boxed mind

densio

Just another WordPress.com site

Picturesque

release the endorphin

Pinay Unlimited

I don't want to be defined.

Likha ng Kamay

Artisans of the Aborlan Arts Program

sibaltan

a peaceful village by the sea ~ east el nido, palawan

Retired? No way!

Discovering my new island home

iskul ob pilosopi

imbitasyon na tayo'y mag-isip..

Mga Sulating Pilipino

...mga larawang isina-titik

kuntra krusada

Laban sa Kultura ng mga Hari

Bagong Pananaw

Ang paglalakbay ni Fransisko Kiamko (Pagtuklas sa Isang Moralidad na Hindi Nakabatay sa Tradisyunal na Diyos o Relihiyon)

WordPress.com

WordPress.com is the best place for your personal blog or business site.