Alegorya Ng Aso

Mayo 31, 2013

Tayo ay aso na nakatali sa kadena. Namulat tayo sa kawalang kalayaan at sa paghihintay sa pagkaing ibibigay ng tao. Tuwang-tuwa tayo sa panandaliang kalayaan kapag pinapasyal tayo ng ating amo. Kawag na kawag ang buntot natin dahil sa mga kabaitang ito. At dahil dito, wagas ang ating katapatan sa kanya.

Ang amo ay ang mga pulitiko na ayaw na tayo’y matutong humanap ng sariling pagkain, makapunta sa mga lugar na nais nating puntahan. At higit sa lahat, ang matuto sa bisa ng edukasyon… …dahil baka balang araw… …ayawan na natin ang pagiging aso.

Giyera Sa Sabah

Marso 26, 2013

Nagulantang ako nang lumabas sa balita na nasa Lahad Datu, Sabah ang Royal Army ng Sulu. Nagmitsa ito sa pag-buhay ng usapin tungkol sa pag-angkin ng Pilipinas sa Sabah. Kung paiiralin natin ang emosyon at nasyonalismo, masisisi nga talaga natin ang gobyerno nang iutos nila sa mga tauhan ng sultan na umuwi sa halip magpadala ng sandatahang lakas sa Sabah.

Kung susuriin natin ang kasaysayan, may karapatan nga tayong angkinin ito. Ngunit ang tanong: handa na ba tayong makipag-digmaan sa Malaysia? Matapos ang mahabang panahong paghihingalo ng ekonomiya natin dahil sa kurapsyon, unti-unti na ngayon itong bumabangon. Lumago ang ating Gross Domestic Product [GDP] at patuloy ang pagtaas ng Philippine Stock Exchange Index [PSEi].

Kung sa panahon ito tayo makikidigma, bubulusok muli ang ekonomiya pababa. Hindi biro ang gastusin sa giyera. Maliban dito, mayroon na ba tayong sapat na eroplano at barko? Ang Malaysia ay may F-18 fighter jets, isa sa mga pinaka-modernong eroplanong pandigma sa buong mundo samantalang tayo ay mayroon lamang nag-iisang S-211 trainer jet at di pa ito supersonic [mas mabagal sa “speed of sound.”] Ang Malaysia ay may submarino, tayo ay wala. May mga missiles ang kanilang barko samatalang ang mga barko natin ay umaasa lamang sa mga kanyon.

Sa palagay ko’y hindi giyera ang solusyon kundi ang pamamagitan ng United Nations [UN] sa isang mapayapang pag-uusap. At ang pinaka-magandang gawin sa kasalukuyan ay ang pag-uwi ng mga armadong pangkat ng Sultan upang simulan ang mapayapang negosasyon.

Mahiwagang Dolyares

Pebrero 10, 2012

Kasalukuyang nagkakagulo ngayon dahil sa mga bank accounts ni Chief Justice [CJ] Renato Corona. Laging isinisigaw ng kampo ni Corona na dapat mangibabaw ang batas, ang Bank Secrecy Law. At kamakailan lamang ay naglabas ng Temporary Restraining Order [TRO] ang Supreme Court [SC] upang pigilan ang Senado, na tumatayo bilang Impeachment Court, na buksan ang dollar accounts ni Corona.

Meron lang akong mga ilang katanungan:

1. Tunay nga ba na dahil dapat mangibabaw ang batas kaya pinigilan ng SC ang Senado na buksan ang dollar account ni Corona? Bakit may mga ilang kaso na kanilang [SC] binalewala ang batas na ito para sa interes ng pagbibigay katarungan?

2. May kapagyarihan ba ang SC na pigilan ang Impeachment Court? Ano ang isinasaad ng batas?

3. Bakit takot si Corona at ang kanyang mga kasamahan na malantad ang banks records? May kahindikhindik bang lihim na mabubunyag?

4. Saan ang higit na mahalaga, ang Bank Secrecy Law o ang interes ng buong bansa?

Kung malinis ang konsensiya ni Corona, ito na ang pagkakataon na ipakita niya sa publiko na walang siyang kinurakot. Siya na mismo ang magkusa na isapubliko ang mga nasabing bank accounts at patunayang hindi siya tiwaling hukom.

Habang pinipigilan ng kampo ni Corona buksan ang kanyang accounts, mas lalong nabubuo sa isip ng taong bayan na meron nga siyang tinatago. Opinyon lamang po.

Safehouse Infoshop

leaks of an un-boxed mind

densio

Just another WordPress.com site

Picturesque

release the endorphin

Pinay Unlimited

I don't want to be defined.

Likha ng Kamay

Artisans of the Aborlan Arts Program

sibaltan

a peaceful village by the sea ~ east el nido, palawan

Retired? No way!

Discovering my new island home

iskul ob pilosopi

imbitasyon na tayo'y mag-isip..

Environment and Sustainability

El Nido Resorts: Sustainable Tourism in Action

Mga Sulating Pilipino

...mga larawang isina-titik

kuntra krusada

Laban sa Kultura ng mga Hari

Bagong Pananaw

Ang paglalakbay ni Fransisko Kiamko (Pagtuklas sa Isang Moralidad na Hindi Nakabatay sa Tradisyunal na Diyos o Relihiyon)

WordPress.com

WordPress.com is the best place for your personal blog or business site.