Huwad Na Hugis

Enero 6, 2011

Piktyur Ni Jeric Delatado

Naglalakad kang walang humpay.
Suot ang isang maskara,
Sa mga kalye ng Bacolod.

Hindi naman nagsasaya,
Naghahagilap lang ng sarili
Sa mga hugis na nakasabit sa dingding
Apuhap ang pintig,
Gagap ang kamalayang
Minsang nanahan sa nakamaskarang ulirat.

Ramdam mo ang sarili
Sa mga avatar na nakabitin.
Nasa kaliwa ang pagkatulig,
Sa pagsasayang walang  laman.
Nasa kanan ang iskeptisismo
Sa mga ngiting nagdaraan.

Kung sa pagsapit mo sa dulo ng daan
Ay muling  marinig ang kakilanlan
Sa sarili mong buto at laman,
Lingunin mo naman ako,
Isang perdibleng nakasabit sa dingding,
Tangan ang mga hugis na nakabandera…

…sa mga maskarang nagdaraan.

Maskara ni Tomas F. Agulto

Beer

Disyembre 22, 2010

Hinagilap ko lang ang piktyur sa internet.

 

When everything around you becomes riddle,
Every motion an unsolved equation,
Every person a new mystery,
Every place a Van Gogh’s enigma,
Every collision a dialectic unity of essence…

…its time to drink beer.
Why add more stress
And shorten your life in the process?

Ipuipo Sa Piging

Hulyo 26, 2010

Abangan ang pagdating ng “Ipu-Ipu sa Piging” sa 70s Bistro, 46 Anonas St., Project 2, Quezon City. Agosto 23, 2010, 6PM-9PM. Phone Number [+632] 434-3597.

Photo by Cynthia Sumagaysay-Del Rosario

Ganid ang titulo,
Nababalot siya ng mga himala,
Pedestal ang kanyang kinalalagyan,
Halos ayaw tingalain
Ng kultong sumasamba sa karunungan.

Palutang-lutang ang diwa
Sa luwang ng kapabayaan.
Tila walang balak lumabas
Sa loob ng itlog na malapit nang mabugok.

Nasan ang pilosopo?
Wala siya sa luklukan;
Wala rin sa aklatan;
Naghanap na rin ako sa mga lansangan.
Ngunit wala rin akong naka-bungguan.

Wala ang kanyang ngalan sa sertipikasyon,
At lalong wala ang kanyang ispiritu
Sa basbas ng mga institusyon.

Nasaan si Pilosopo Tasyo?

Lingkis siya ng tanikalang walang pangalan.
Natutulog siya sa kaisipang ayaw maging malaya.

Naroon siya sa isang sulok,
Naglalaro ng tong-it…

Nyay! Ikaw pala si Pilosopo Tasyo.
Ngunit tamad ka nang mag-isip.
At ayaw mo nang mabuhay sa katotohanan.
Hinayaan mong kainin ng pagkabulok ang lipunan.
Namumuhay ka na lang sa agos ng panahon.

Gunising ka!
Hindi sa taas ng IQ
At hindi sa husay sa ingles nakikita ang karunungan…

…kundi sa ngala-ngalang uhaw sa katotohanan.

Photo by Cynthia Sumagaysay-Del Rosario

Tuligsain mo ang aking ideya,
Lurayin ang detalye,
Pagtawanan ang gramatika.

Durugin mo ang aking self-esteem.
Basagin mo ang natitirang respeto ko sa sarili.

Hamunin mo ang kapakinabangan ng aking teorya.

At kapag di ko na kaya,
Iduduwal ko ito at isusulat ang pait
Sa papel na basa ng sipon at luha.

At babalutin ko ito,
Pipigain ang katas
Sa pagkuyom ng aking palad…
…at saka isasampal sa magara mong mukha
habang inuusal ang salitang…

“Tenk yu!”

Pagkat nang dahil sa ‘yo’y…
…may naipasa akong report.

Walang Saysay

Mayo 20, 2010

Durog na utak ko,
Lumabas na sa nagdurugo kong ilong.
Sumambulat na ang basag kong dila sa kalsada.

Butas na ang aking lalamunan.
Buhol-buhol na ang aking mga bituka.

Lahat na yata ng effort ay ginawa ko na
Upang maipaunawa sa iyo ang mga sugat ng lipunan
At ang bulok na sistemang ating ginagalawan.

Hanggang ngayon ay di mo pa rin maunawaan.
At huli na nang malaman kong….

…bingi ka pala.

Hayaan mo..
…neks taym…

Mag-aaral na ko ng sign language.

Pamatid Uhaw

Abril 26, 2010

Hindi tulay ang panahon,
Hindi rin materya ang ala-ala.
Sa bawat patak ng karunungan,
Sa bawat daloy ng kataga
Ay walang humpay na pagtahak
Pagkat ang katotohana’y naghihintay…

…Ngunit hindi maabutan.

Pagkat pinigil mo ang iyong hininga,
Kinitil mo ang aandap-andap na orasan.
Pagkat ang liriko’y hindi lamang sa mga pinagpala
Na iyong sinamba’t niluluhuran
Sa bawat hudyat ng tadhana.

Ayaw ko nang ulit-ulitin pa…

Dahil naipinid mo na ang iyong isipan
At nabuhay ka sa pag-aakala.
Lunod ka na ng papuring
Gustong-gusto mong pakinggan…

…at bangag ka sa sariling paghusga.

Pilit ka mang mag-panggap.
Balutin mo man ng tamis ang iyong agham,
Ipangalandakan mo man ang iyong kakarampot na natutunan
Mananatili kang uhaw…

…Bakit naman kase ininum mo ang dagat?

Safehouse Infoshop

leaks of an un-boxed mind

densio

Just another WordPress.com site

Picturesque

release the endorphin

Pinay

I don't want to be defined.

Likha ng Kamay

Artisans of the Aborlan Arts Program

sibaltan

a peaceful village by the sea ~ east el nido, palawan

Retired? No way!

Discovering my new island home

iskul ob pilosopi

imbitasyon na tayo'y mag-isip..

Mga Sulating Pilipino

...mga larawang isina-titik

kuntra krusada

Laban sa Kultura ng mga Hari

Bagong Pananaw

Ang paglalakbay ni Fransisko Kiamko (Pagtuklas sa Isang Moralidad na Hindi Nakabatay sa Tradisyunal na Diyos o Relihiyon)

WordPress.com

WordPress.com is the best place for your personal blog or business site.