Naabuso nang konti ang konsepto ng pilosopiya sa kulturang Pilipino. Kapag sinabihan kang “pilosopo,” ibig sabihin n’un ay sumasagot ka nang balabag o kaya’y marason nang wala sa lugar.

Gayunpaman, may hawig pa rin ito sa katotohan dahil ang pilosopiya ay rason o isang pag-aaral gamit ang pangangatwiran. Ito’y sistema ng pagtuklas sa katotohanan sa lahat ng bagay na pwedeng pag-usapan.

Ang salitang pilosopiya ay hango sa mga salitang griyego na “philo,” ibig sabihi’y pagmamahal, at “sophia,” ibig sabihin ay “karunungan.” Samakatwid, ang pilosopiya ay ang pagmamahal sa karunungan.

Narito ang ilang pinagkaiba ng agham at pilosopiya:

  1. Ang pangunahing gamit ng agham ay matematika…    …ang sa pilosopiya ay pangangatwiran.
  2. Ang agham ay nakatuon sa daloy, sukat at komposisyon…    …ang pilosopiya ay sa pangkalahatang prinsipyo.
  3. Ang agham ay imbakan ng kaalaman…    …ang pilosopiya ay pagpanday ng ugali sa pagtingin sa katotohanan.
  4. Ang agham ay nalilimita lamang sa mga bagay na nakikita…  …ang pilosopiya ay humahalukay sa lahat ng bagay, nakikita man o hindi.

Malawak ang mundo ng pilosopiya at ito ay nahahati sa iba’t ibang disiplina. Samahan n’yo ako sa aking mga pagninilay at tuklasin natin ang mga bagay sa kakaibang mundo…    …ng PILOSOPIYA.

7 Tugon to “Pilosopiya”

  1. Tuba Says:

    Arvin,
    Tila magandang proyekto mula sa iyong pinanggagalingan na magtatag ng isang pambansang komperensya tungkol sa pagtuturo ng kritikal na pag-iisip sa iba’t ibang asignatura. Bawal ang fluff, rehash, generalities.
    Tuba

  2. yanessa Says:

    ano ang kaibahan ng sikolohiya sa silangan sa sikolohiya sa kanluran?

    • brokenform Says:

      dalawang aspeto ng sikolohiya, isang rasyunal at isang emosyonal o behavioral. kung sa aspeto ng rasyunal, ang sikolohiyang kanluran ay ganito – nasa sentro ng uniberso ang tao na dapat sakupin lahat ng nilikha [kaisipan ng mga conquistadores]. ang mahalaga ay tao kaysa lahat ng nilikha. Sikolohiyang rasyunal naman ng silangan ay nakasentro sa harmony na tao sa kalikasan: ang tao ay bahagi lamang ng kalikasan at kailangan nyang alagaan ito upang mabuhay.

  3. yanessa Says:

    ano ang sikolohiya sa silangan at kanluran


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Safehouse Infoshop

leaks of an un-boxed mind

densio

Just another WordPress.com site

Picturesque

release the endorphin

Pinay Unlimited

I don't want to be defined.

Likha ng Kamay

Artisans of the Aborlan Arts Program

sibaltan

a peaceful village by the sea ~ east el nido, palawan

Retired? No way!

Discovering my new island home

iskul ob pilosopi

imbitasyon na tayo'y mag-isip..

El Nido Resorts Environment Department

Sustainable Tourism in Action

Mga Sulating Pilipino

...mga larawang isina-titik

kuntra krusada

Laban sa Kultura ng mga Hari

Bagong Pananaw

Ang paglalakbay ni Fransisko Kiamko (Pagtuklas sa Isang Moralidad na Walang Diyos o Relihiyon)

WordPress.com

WordPress.com is the best place for your personal blog or business site.

%d bloggers like this: